Nanolash Eyelash Lift Kit

Pagtataas at pag-laminate ng pilikmata - isang set ng produkto at mga kagamitan

Nilalaman:

Step 1 - Lift(10 x 0.5 ml)
Step 2 - Fix(10 x 0.5 ml)
Step 3 - Keratin Booster (10 x 0.5 ml)
Lash Lift Glue(5 ml)
Silicone Rods(3 pares)
Lifting Combs(3 piraso)
.

PAANO GUMAGANA ANG Nanolash Lash Lift Kit?

Nagiging malusog ang mga pilikmata at maayos na magkakahiwalay
Malantik na mga pilikmata na tumatagal nang hanggang 8 linggo
Pangmatagalang epekto nang nakataas at makapal na pilikmata
Sapat ang laman ng kit para sa 10 lagayan

PAGTATAAS AT PAG-LAMINATE NG PILIKMATA NA NAGBIBIGAY NG MAGANDANG HITSURA SA LOOB NG MARAMING LINGGO

Magkaroon ng magandang titig gamit ang kit para sa pagtataas at pag-laminate ng pilikmata mula sa Nanolash, na kasama ang lahat ng kailangan mo para sa perpekto at magagandang resulta. Alamin kung paano mo muling magugustuhan ang iyong mga pilikmata.

Dahil sa pagtataas ng pilikmata, magiging mas makapal tingnan at mas gumaganda ang kulay ng iyong pilikmata habang nagkakaroon ng kakaibang kintab. Magiging kapansin- pansin ang nakataas at malantik mong pilikmata, at higit sa lahat, maayos na magkakahiwalay, na lumilikha ng isang magandang eyelash fan na tumatagal ng hanggang sa 8 linggo.

Lash Lift Kit

KOMBINASYON NG PANGANGALAGA AT KAGANDAHAN NA TUMATAGAL NG HANGGANG SA 8 LINGGO

Habang itinataas mo ang iyong pilikmata, nagkakaroon ng pagbabago sa hitsura ng mga ito. Dahil sa pagtataas at pagpapakapal ng pilikmata, mas gumaganda ang mga mata, at ang iyong titig ay mas nagiging kapansin-pansin. Sobrang natural ang epekto ng pag- laminate ng pilikmata, kaya hindi mo kailangang mag-alala na baka maging sobra ang epekto nito. Gayunpaman, ang pagtataas at pag-laminate ng pilikmata ay hindi lamang tungkol sa magandang hitsura, kundi nakakapagpalusog din ito. Ang mga produktong kasama sa kit ng pagtataas at pag-laminate ng pilikmata ay naglalaman ng mga espesyal na idinisenyong formula, na puno ng mga aktibo at pampalusog na sangkap na may magandang epekto sa kondisyon ng mga pilikmata.

ALAMIN ANG FORMULA NA KAYANG BAGUHIN ANG KONDSIYON NG IYONG MGA PILIKMATA

Ang silk, arginine, at panthenol na nakapaloob sa formula ay nagpapalusog nang husto sa mga pilikmata at nagpapatibay sa kanilang istraktura, na ginagawa itong makintab at malambot. Pinakakapal ng hydrolyzed keratin ang pilikmata, na tumutulong sa muling pagtubo ng mga pilikmata, pati na rin ang pagpapatibay sa mga ito laban sa pinsala. Pinalalakas langis ng niyog at abyssinian ang proteksyon mula sa mga nakakapinsalang epekto ng sinag ng araw, habang ang langis ng avocado at langis ng grapeseed ay nagmo-moisturize sa mga pilikmata at mas pinatitibay ang mga ito laban sa pinsala. Pinoprotektahan ng Lanolin ang mga pilikmata mula sa labis na pagkawala ng tubig, habang pinapabuti ang kanilang kondisyon. Ang kapaki-pakinabang na epekto ng olive oil ay nagpapalambot sa mga pilikmata, na ginagawa itong moisturized at makinis.

Lash Lift Kit

NANOLASH LASH LIFT KIT – MGA TAGUBILIN SA PAGGAMIT

Ang kit para sa pagtataas at pag-laminate ng pilikmata ay naglalaman ng lahat ng kailangang produkto at kagamitan upang madali mong magawa ang pagtataas ng pilikmata. Huwag kalimutan na sundan ang mga tagubilin. Tingnan kung gaano kadali lang ito!

1 Linisin ang talukap ng iyong mata at mga pilikmata mula sa mga tirang makeup at sebum. Magandang ideya na palaging gumamit ng oil-free makeup remover o espesyal na shampoo para sa kilay at pilikmata para sa gawaing ito.

2 Piliin ang tamang sukat ng silicone rods at idikit ang mga ito sa itaas ng talukap ng mata. Lagyan ang mga ito ng pandikit at suklayin ang iyong mga pilikmata patungo sa kanila, siguraduhing maayos ang pagkakahiwalay ng mga ito.

3 Ilagay ang Step 1 - Lift sa iyong mga pilikmata. Panatilihin ang 1 mm na layo mula sa waterline at huwag pahiran ng produkto ang dulo ng iyong pilikmata. Maghintay ng 7-10 minuto at tanggalin ang produkto gamit ang isang cotton pad o applicator..

4 Ilagay ang Step 2 - Fix sa iyong mga pilikmata. Panatilihin ang 1 mm na layo mula sa waterline at huwag pahiran ng produkto ang dulo ng iyong pilikmata. Maghintay ng 7-10 minuto at tanggalin ang produkto gamit ang isang cotton pad o applicator.

5 Ilagay ang Step - 3 Keratin Booster sa iyong mga pilikmata. Panatilihin ang 1 mm na layo mula sa waterline at maghintay ng 7-10 minuto, pagkatapos ay tanggalin ang produkto gamit ang mamasa-masang cotton pad o applicator.

6 Tuklapin ang mga pilikmata ng dahan-dahan mula sa rod, pagkatapos ay tanggalin ito mula sa talukap ng mata. Panghuli, suklayin ang mga pilikmata gamit ang nylon spoolie.

NANOLASH – MAHUSAY NA PRODUKTO PARA SA PILIKMATA

Ang nasa kondisyon na mga pilikmata ay sumasabay sa magagandang kilay! Ang kit para sa pagtataas at pag-laminate ng pilikmata ay hindi lamang ang produkto ng Nanolash. Alamin pa ang mas maraming mahusay na produkto para sa pilikmata na maaaring baguhin ang iyong makeup at paraan sa pag-aalaga ng iyong kagandahan. Tingnan kung ano pa ang inaalok namin at gumawa ng mga bagong trend!

TINGNAN ANG ATING Alok

Naghahanap ng inspirasyon sa make-up? Gusto mong manatiling updated sa mga balita at beauty trends? Tingnan ang social media ng Nanobrow!

FAQ
Kailangan bang ihanda muna ang mga pilikmata para sa pagtataas at pag-laminate ng pilikmata?
Kailan ko maaaring gawin ulit ang pagtataas at pag-laminate ng pilikmata?
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pag-laminate at pagtataas ng pilikmata?
Ano ang pangangalagang dapat gawin pagkatapos ang pagtataas at pag-laminate ng pilikmata?
Maaari ba akong maglagay ng mascara pagkatapos ng pagtataas at pag-laminate ng pilikmata?
Gaano katagal bago maiproseso ang order?
Maaari ba akong mag-order mula sa ibang bansa?
Laging maganda ang kilay
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado