Nilalaman: 50 pares / 100 piraso
Ang Nanolash Hydrogel Eye Patches ay mga espesyal na pads para sa mata, na una munang ginagamit bago maglagay ng extension sa pilikmata. Ang mga ito ay ginagamit upang paghiwalayin ang mga ibabang pilikmata upang hindi makaabala habang naglalagay ng extension, nagtitina, o nagtataas o nagla-laminate ng pilikmata. Ang mga hydrogel patches ng Nanolash ay pinoprotektahan ang ibabang talukap ng mata habang epektibong binabawasan ang pamamaga at iba pang mga palatandaan ng pagkapagod. Ang ibabaw ng mga patch ay ginawa upang tiyakin na walang maiiwang fiber.
Ang kabilang bahagi ng mga patch ay mayroong hydrogel coating, na dahil sa pagiging flexible nito, perpektong umaangkop ito sa anumang hugis ng mata at kaaya-aya sa balat. Ang puting kulay ay lumilikha ng kaibahan sa mga pilikmata, kaya ang paggamit sa mga ito sobrang dali at eksakto. Dahil sa ginamit na materyales sa mga patch, maaari itong gupitin upang maayos na magkasya ito.
Ang mga hydrogel eye patch mula sa Nanolash ay gustong-gustong gamitin ng mga eyelash artist. Kumakapit ang mga ito nang maayos sa balat, kaya naman nagiging madali at komportable ang iyong trabaho, bukod pa rito, pinangangalagaan din nito ang sensitibong balat ng ilalim ng talukap ng mata. Kaya naman madali kang makakapaglagay ng extension sa pilikmata. Kaya sobrang sulit na mayroon nito sa iyong salon.
Bago mo ilagay ang mga hydrogel patch sa balat, linisin nang mabuti ang balat at patuyuin ito ng maigi. Maaari mong gamitin ang aming lash at brow shampoo para sa gawaing ito dahil inihahanda nito ang balat at pilikmata para sa paglalagay ng extension sa pilikmata. Ilagay ang mga patch sa ibabang talukap ng mata, paghiwalayin ng maayos ang mga buhok sa ibabang pilikmata. Ilagay lamang ang patch sa kanila at dahan-dahang idiin ito sa balat.
Tandaan na maaari mong gupitin ang mga patch upang magkasya ito sa mata ng iyong kliyente. Ang hydrogel formula ay mahusay na kumakapit sa balat, kaya hindi mo kailangang mag-alala na gagalaw ang patch habang may ginagawa ka. Ang ibabaw ng mga patch ay nilikha gamit ang isang materyales na nagbibigay-daan sa iyo na makagawa ng lash map na siyang nagpapadali sa iyong trabaho.
Ang nasa kondisyon na mga pilikmata ay sumasabay sa magagandang kilay! Ang Hydrogel eye patches ay hindi lamang ang produkto ng Nanolash. Alamin pa ang mas maraming mahusay na produkto para sa pilikmata na maaaring baguhin ang iyong makeup at paraan sa pag-aalaga ng iyong kagandahan. Tingnan kung ano pa ang inaalok namin atgumawa ng mga bagong trend!
Naghahanap ng inspirasyon sa make-up? Gusto mong manatiling updated sa mga balita at beauty trends? Tingnan ang social media ng Nanobrow!