Ang Nanolash Length & Curl Mascara ay isang produkto para sa pilikmata na ginagarantiyahan ang mahaba at malantik na pilikmata sa buong araw. Ang kakaibang epekto na sinamahan pa ng matinding kapit upang ang mascara ay hindi kumalat o kumupas.
Isang brushstroke lang, ay sapat na para mapahiran ng malalim na itim na kulay ang bawat pilikmat. Sa tulong ng precision applicator, ang mga pilikmata ay magkakahiwalay nang maayos at nakataas. Ang Nanolash Length & Curl Mascara ay madaling ilagay sa buong pilikmata na hindi nag-iiwan ng anumang kumpol.
Kung mahilig ka sa mga produkto na gumagawa ng magandang makeup na pangmatagalan at pinangangalagaan din ang kalusugan ng pilikmata, dapat mong subukan ang Nanolash Length & Curl Mascara. Ang formula ay idinisenyo upang manatiling flawless kahit na sa pinaka-abalang araw. Hindi natutuyo ang produkto kaya hindi ito tutulo o magkakalat. Ang makeup ay malinis tingnan at hindi kailangan lagyan ulit sa buong araw.
Ang formula ng mascara ay puno ng mahahalagang sustansya. Ang rice wax at carnauba wax ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapabuti sa elastisidad ng buhok sa pilikmata, pinipigilan ang pagkasira, at pagpapanatili ng pinakamainam na hydration. Bitamina E - isang malakas na antioxidant - ay may kakayahang mag-ayos habang ang katas ng dahon ng green tea ay may kakayahang labanan ang pamamaga at nakakagaan ng pakiramdam. Pinipigilan din nito ang pagkalagas ng pilikmata at binabawasan ang produksyon ng langis. Ang Arabic gum ay nag-iiwan ng hindi mabigat na coating na siyang nagbibigay proteksyon sa mga pilikmata, na nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa kondisyon nito. Ang idinagdag na panthenol ay nagpapaganda ng mga pilikmata mula sa loob. Pinalalakas nito ang mga follicle ng buhok, pinapabuti ang mga antas ng hydration, at ang palagiang paggamit nito ay nagpapakapal ng pilikmata. Ang cactus extract ay nagha-hydrate ng buhok ng pilikmata, nilalabanan ang pagkatuyo at pagkasira, at gumagawa ng layer na nagiging proteksiyon ng mga pilikmata upang patibayin ang mga ito at magdagdag ng kinang.
Mahilig ang mga babae sa mahaba at malantik na pilikmata kaya't ito ang kanilang pinipili na mascara. Ang matinding kapit nito at ang kakayahang tumagal ay ang pangunahing tampok ng produktong ito, kasama ang mga sangkap nito na nangangalaga sa pilikmata. Gumamit ng mascara na magbibigay ng magandang pagbabago sa iyong makeup.
Palaging simulan ang paglalagay ng mascara mula sa pinakagilid ng pilikmata at igalaw patungo sa mga dulo ng pilikmata. Tandaan na i-wiggle ang applicator brush pabalik- balik upang matiyak na walang namuong mascara sa pilikmata at pantay ang pagkakapahid nito. Para sa mas magandang resulta, maglagay ulit ng mascara.
Gusto mo bang mas pagandahin ang iyong makeup? Bago maglagay ng mascara, gumamit muna ng Nanolash mascara primer.
Ang natatanging applicator kasama ang espesyal na texture ng mascara ay gagawing malinis ang iyong mga pilikmata. Gusto mo man ng banayad o mas makapal na hitsura ng makeup - ang mascara na ito ang magbibigay sa iyo ng hitsura na gusto mo..
Ang nasa kondisyon na mga pilikmata ay sumasabay sa magagandang kilay! Ito ang dahilan kung bakit ang Length & Curl Mascara ay hindi lamang ang produkto ng Nanolash. Alamin pa ang mas maraming mahusay na produkto para sa pilikmata na maaaring baguhin ang iyong makeup at paraan sa pag-aalaga ng iyong kagandahan. Tingnan kung ano pa ang inaalok namin at gumawa ng mga bagong trend!
Naghahanap ng inspirasyon sa make-up? Gusto mong manatiling updated sa mga balita at beauty trends? Tingnan ang social media ng Nanobrow!