Laki: 1ml / 0.034 fl oz
Ang Nanobrow Microblading Pen ay isang kakaiba at makabagong cosmetic na hinahayaan kang magkilay tulad ng sa microblading nang hindi kinakailangan ang pag-tattoo! Magugustuhan ng lahat na naghahanap ng maayos na tool sa pagpapakapal ng kilay ang produktong ito. Maaari mong dagdagan ng buhay ang iyong mga kilay at kulayan ang mga ito kung kinakailangan. Ang napakanipis na tip ay kayang gumawa ng linya kahit milimetro na parang mga totoong buhok! Gamit ang pen na ito, madali kang makakagawa ng mga tridimensional na epekto at mukhang natural na kilay.
Ang waterproof formula nito ay mabilis matuyo at mas tumatagal sa kilay. Gamit ang pen na ito, ginagawang mas makapal tingnan ang mga kilay, tinatakpan ang mga maninipis na parte, at nagkakaroon ng maganda ngunit mukhang natural na kilay. Ang Nanobrow pen ay napaka-precise sa paggawa ng mga hair-like strokes.
Ang precision brow pen ay isang praktikal na makeup tool na nagbibigay-daan sa iyong lumikha ng tridimensional na korte ng kilay at flawless na mga arches nang walang kahirap-hirap. Ang Nanobrow Microblading Pen ay ginawa para sa pag-outline ng mga kilay at pagguhit ng pinakamaikling buhok para magmukhang natural ang mga kilay. Makakalimutan mo ang mahirap at masakit na microblading treatment — gamitin ang Nanobrow pen na may tip na hango sa mahusay na microblading tool. Maaari kang gumawa ng mga hair-like strokes, magpakapal ng kilay, takpan ng anumang mga puwang sa kilay, at magkilay na mukhang natural tingnan.
Ano ang dahilan kung bakit ang Nanobrow pen ay napakahusay? Ang pino, precision applicator ay lumilikha ng makatotohanang hair-like strokes para sa mas kitang-kita na arches maganda at eleganteng pagkikilay. Ang microblading-effect brow pen ay may malalim na kulay at may pangmatagalang epekto. Huwag ka nang mag-alala sa pagkawala ng makeup sa iyong kilay sa buong araw. Kalimutan na ang palaging pagtingin sa salamin upang i-check ang mga arches. Ang Nanobrow Microblading Pen ay waterproof kaya makakasiguro kang flawless palagi ang iyong kilay!
Ang microblading ay nagdudulot ng kirot at kailangan ng matinding pag-aalaga — ang tattoo sa kilay ay mananatili sa loob ng maraming taon at kung ito ay masira, tiyak na masisira ang mood at hindi mo mapipigilan ang pag-iisip dito... Marami nang kababaihan ang hindi na gumagamit ng technique na ito sa kilay at mas pinipili ang ligtas at hindi nakaka-abala na makeup na parang microblading. Dahil sa Nanobrow Microblading Pen, maari kang gumawa ng iba't-ibang kilay araw-araw, mag-practice at subukang iba't-ibang style. Kahit may hindi inaasahang nangyari, pwede kang gumamit ng makeup remover at maayos ang problema! Ito ang dahilan kung bakit sobrang uso ang Nanobrow pen.
Gusto mo bang magkaroon ng kilay na parang gawa ng propesyonal? Napakadali na ngayon! Gamitin ang napakahusay na Nanobrow pen at makikita mo na ang pagkakaroon ng perpektong mga arches ay hindi mahirap! Kulayan ang mga kilay gamit ang mabilis na galaw ng applicator. Sa ganitong paraan maaari kang lumikha ng manipis at eksaktong mga linya na ginagaya ang mga totoong buhok. Gamit ang applicator, maaari mo ng takpan ang mga puwang at patingkarin ang kulay ng kilay. Para sa style na mas kitang-kita, gamitin muli ang pen. Ang waterproof na produktong ito ay may sobrang manipis, malambot na tip na nagbibigay-buhay sa mga pinakamaiksi na buhok at ginagawang mukhang natural ang mga ito.
Mababasa mo ang iba pang impormasyon tungkol sa mga brow pens at makeup sa aming blog.
Hindi lang brow pen ang produkto sa range ng Nanobrow! Baguhin ang kanilang style at magdagdag ng kulay sa iyong mga kilay nang naaayon sa iyong gusto. Anong style ng kilay ang gusto mo ngayon?
Naghahanap ng inspirasyon sa make-up? Gusto mong manatiling updated sa mga balita at beauty trends? Tingnan ang social media ng Nanobrow!