Gabay Mo Sa Paggamit ng Eyebrow Pomade

Mga hakbang kung paano gamitin ang brow pomade

Ang eyebrow pomade ay ang pinakamainit na pinag-uusap na makeup kamakailan! Ang natatanging kosmetiko na ito ay nagbibigay-daan sa iyo na maabot ang magagandang resulta, na hindi mo makakamtan sa paggamit lang ng mascara o eyebrow pencil. Gusto mo bang subukan ang brow pomade pero hindi ka sigurado kung paano gawin ito ng tama? Gusto mo bang magkaroon ng plakadong kilay? Matutunan ang pinakamahusay na paraan ng makeup sa kilay - ipapakita ng aming gabay ang sikreto sa plakadong kilay gamit ang eyebrow pomade!

Ano ang eyebrow pomade?

Ang eyebrow pomade ay isang kosmetiko na may parehong kalidad ng wax o paste - ito ay malapot at nasa isang lalagyan na gawa sa salamin o plastik. Ang kakaibang lapot nito ay ginagawang matingkad ang kulay at tinatakpan ang mga hindi dapat makita - perpektong makeup para sa pagpapakapal ng kilay. Sa paggamit nito maaari mong ipakita ng mabuti ang mga kurba ng iyong kilay, dagdagan ng kalinawan at kulay, punan ang mga lugar na may kakaunting buhok at gayahin ang mga buhok sa iyong kilay. Tinitiyak ng pomade na mananatiling perpekto ang hugis ng mga kilay.

Eyebrow pomade - para kanino ito?

Ang Pomade ay isang makeup na kakaiba at maraming gamit, dahil naghahatid ito ng iba't ibang epekto sa pampaganda ng kilay: mula sa makapal at kitang-kita na kilay hanggang sa banayad na pag-aayos ng kilay. Kaya bumabagay ito sa anumang kilay - makapal, at kitang-kita, na kailangan lamang na linawan ang kanilang hugis, at para sa maninipis at kakaunting buhok sa kilay na "gawin" ang mga ito mula sa simula, dagdagan ang hugis at kalinawan nito. Kung matutunan mo kung paano gamitin ito, makakamit mo ang iba't ibang mga epekto sa pampaganda ng iyong kilay - punan ang mga lugar na kakaunti ang buhok, gayahin ang mga totoong buhok, maingat na i-highlight ang mga kilay o gawing kitang-kita ang mga ito. Maaari mong gawin ang lahat depende sa gusto mong hitsura. Tandaan lamang na ang hugis, kapal at pagkakalagay ng iyong mga kilay ay dapat tugma sa hugis ng iyong mukha.

Ano ang kailangan mong gamitin sa brow pomade?

Upang mailapat nang maayos at madali ang pomade sa kurba ng iyong kilay, kakailanganin mo ng isang de-kalidad na brush. Ito ay dapat manipis, nakalapat at nakahilig. May tamang haba ng bristles din ito upang hindi ito masyadong malambot at hindi makagawa ng masyadong makapal na linya. Tinitiyak ng isang maayos na brush ang maayos na makeup ng kilay at madaling gamitin habang nagkikilay. Ang pomade ay basa at malagkit pero matibay, kaya bawat hagod ng brush ay nag-iiwan ng bakas. Kaya naman kapag naglalagay ng pomade, paunti-unti lang ang paglalagay sa umpisa at simulan sa banayad na paghagod.

Mga hakbang kung paano gamitin ang brow pomade

1. Para sa pangmatagalan at three-dimensional na makeup, mainam na maglagay muna ng transparent powder sa iyong kilay at dahan-dahang alisin ang sobra. Makakatulong ang paggamit ng isang spoolie para dito.

2. Oras na para kortehan ang iyong mga kilay. Maglagay ng kaunting pomade sa brush. Alisin ang sobra sa pamamagitan ng pagkuskos ng brush sa likod ng iyong kamay at gumuhit ng manipis na guhit sa ibaba ng mga kilay. Tandaan ang tungkol sa mga tamang proporsyon at alamin ang perpektong hugis ng iyong mga kurba. Tumutugma dapat ito sa hugis ng iyong mukha.

TIP
Kung ang kinalabasan ay hindi mo nagustuhan, gawin agad ang mga koreksyon bago matuyo ang eyebrow pomade.

3. Kapag naguhitan mo na ang korte ng kilay, siguraduhing walang anumang buhok na lalampas sa korte ng kilay. Ayusin ang iyong mga kilay nang madali gamit ang magandang tweezer na kayang bunutin ang bawat buhok.

4. Ngayong may konting natirang pomade sa iyong brush upang guhitan ang itaas na bahagi ng kilay. Tandaan na gawing mas maitim ang dulo ng kilay. Maaari kang magdagdag ng kaunting pomade upang mas makita ito. Ang unti-unting pagbabago ng kulay na ito ay ginagawang mas natural ang iyong mga kilay, kaya siguraduhin na ang buntot ay ang pinakamaitim at ang harap ay bahagyang napunan upang lumikha ng isang feathered na hitsura. Siguradong magkakaroon ka ng magandang ombre effect sa iyong kilay.

5. Kumuha ng kaunting pomade mula sa lalagyan at marahang punan ng kulay ang buong kilay, na isinasaisip ang pagbabago ng kulay at mas bigyang-diin ang dulo ng kilay.

6. Gamit ang isang malinis na spoolie brush, alisin ang sobrang pomade, na nakatuon sa itaas na linya (hindi ito dapat masyadong kitang-kita) at sa gitnang bahagi. Maaaring mo nang iwan ang dulo ng kilay ng hindi ginagalaw.

7. Kung gusto mo, maaari mong ayusin ang iyong kilay gamit ang isang clear gel. Pinapanatili nitong nakaayos ang mga buhok sa sa buong araw, nang sa gayon ay mapanatili mo ang kanilang hugis. Ang eyebrow gel ay nagdaragdag din ng three-dimensional na epekto at nagdaragdag ng bahagyang kintab sa mga buhok, na nagpapaganda sa kabuuan ng hitsura.

TIP
Kung hindi mo sinasadyang lumampas sa linya ng kilay, linisin lamang ito ng kaunting concealer. Ang isang manipis na brush ay makakatulong para gawin ito.

Anong eyebrow pomade ang pipiliin?

Upang makamit ang maganda at pangmatagalang resulta sa makeup, pumili ng mga kosmetiko na mataas ang kalidad na may matatapang at magagandang kulay. Tulad ng Nanobrow Eyebrow Pomade - ang pinag-isipang mabuti na mga kulay nito, malambot na texture, at malakas na waterproof na formula ay maaaring mapahusay agad ang iyong kasayanan sa pagkikilay. Huwag ikompromiso ang iyong kagandahan - pumili ng mga pampaganda ng kilay na may mataas na kalidad na may mahuhusay na sangkap. Piliin ang Nanobrow!

Paano magagamit muli ang natuyong pomade?

Bawat eyebrow pomade ay may malalapot na cream, siksik at makapal na formula na maaaring maging dahilan upang matuyo ito sa paglipas ng panahon. Ang magandang balita ay maaring mapanumbalik itong muli! Kung nais mong ibalik ang pomade sa kanyang likido at malagkit na kalidad, lagyan lamang ito ng isang patak ng duraline - ang kakaibang kosmetiko na ito ay talagang makakatulong sa mga mahihilig sa makeup, dahil magagamit ito upang palabnawin ang eyebrow pomade! Kapag inihalo ito sa iba pang mga kosmetiko, binabago nito ang kanilang formula sa likido at hindi tinatablan ng tubig, o palabnawin ang mga ito kapag sila ay masyadong malapot. Pinapadali nito ang paglalagay ng anumang produktong pampaganda - mula sa foundation hanggang sa mga lipstick at eyeshadow, na, kapag malabnaw, ay maaaring ipahid ng basa.

Masiyahan sa paglalagay ng makeup sa iyong kilay!

Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado