
Narinig mo na ba ang tungkol sa soap brows? Bagamat tila nakakagulat, ito ay isa sa mga nangungunang uso sa pag-aayos ng kilay. Alamin ang epekto ng SOAP BROWS at alamin kung aling soap ang pipiliin para makamit ang perpekto at natural na hitsura ng kilay.
Ano ang brow soap?
Alam mo ba na ang paggamit ng brow soap ay isang simple ngunit epektibong paraan upang ayusin ang iyong mga kilay? Hindi na ito bago - matagal nang natuklasan na ang soap ay may kakayahan na ayusin ang mga buhok ng kilay na pinapanatili nito ang perpektong hitsura ng kilay sa buong maghapon nang hindi na kinakailangang magdagdag ng makeup. Kilala na ang brow soap isang siglo na ang nakararaan. Ito ay nagmula sa Hollywood, kung saan tinitiyak ng natural na produktong ito na hindi kukupas ang kilay ng mga aktres sa set ng pelikula hanggang sa huling eksena! Sa kasalukuyan, ang brow styling soap at ang pamamaraang kilala bilang "soap brows" ay nagiging sikat muli.
Ang eyebrow soap ay pangunahing binubuo ng glycerin na nagpapalambot dito kaya madali lang itong ilagay. Ito ay nagbibigay-daan sa iyo na ayusin kaagad ang iyong kilay at bigyan ang mga ito ng natural at naka-style na kilay. Ito ang tamang pagpipilian para sa iyong pang-araw-araw na pagkikilay! Nakasisigurado ka sa pamamaraan na ito na ang iyong kilay ay magmumukhang natural at magkakaroon ng mas makapal na hitsura.
Soap brows: Ano ito?
Ang soap brows ay simpleng pamamaraan ng pagbibigay hugis sa mga kilay gamit ang isang soap bar. Ang paraang ito sa pag-aayos ng kilay ay nangangailangan ng isang spoolie at isang soap bar. Para sa makeup naman, maaari kang pumili ng sabong may glycerin, ngunit hindi ito nagbibigay ng ganung kagandang resulta tulad ng isang produktong pampaganda na talagang ginawa para dito. Sa paraang ito, ang mga nakasanayang produkto para sa pagkikilay ay pinalitan ng sabon, sapagkat ito'y nagbibigay anyo inaayos ang mga buhok sa kilay, ginagawang maganda at pangmatagalan ang hitsura. Nakakatulong ang sabon upang kortehan ang iyong mga kilay sa anumang paraan na gusto mo. Sa ngayon, usong suklayin pataas ang lahat ng mga buhok sa kilay upang magmukhang mas makapal at mas marami. Dahil ang sabon ay nagbibigay ng transparent film sa bawat buhok at pinapakapal itong tingnan. Sa ganitong paraan, ang kilay ay nagmumukhang natural kahit na ito ay makapal.
Hakbang sa Paggamit ng Soap Brows
1. Bahagyang basain ang isang spoolie ng tubig upang lumambot ang sabon (ito ay hindi palaging kinakailangan)
2. Lagyan ng kaunting sabon ang spoolie.
3. Ipahid ang sabon nang pantay-pantay sa mga kilay at i-brush ito sa mga buhok.
4. I-brush ang mga buhok sa iba't ibang direksyon, makakatulong ito upang ikalat ang sabon nang pantay-pantay sa buong kilay.
5. Panghuli, i-brush ang mga buhok sa kilay pataas upang bigyan sila ng tamang hugis. Tapos na!
TIP!
Kung gusto mo, maaari mong mas pagandahin ang epekto ng soap brows sa pamamagitan ng paglalagay ng kaunting brow pomade, eyebrow mascara o shadow sa iyong kilay na may sabon. Tandaan na maglalagay lamang ng kulay kapag lubusan nang natuyo ang sabon.
Sabon para sa kilay - anong sabon ang pipiliin?
-
Sabong nakasanayan ba, may charcoal o sabong gawa sa glycerin
Ang mga natural at sabong gawa sa glycerin ay ang mga madalas gamitin. Dapat mo munang basain ng tubig ang sabon bago ito gamitin. Upang mas madali itong ipahid, dapat ito ay banayad at mas malambot. Kung mayroon kang maitim na kilay, dapat kang gumamit ng charcoal soap. Ang ganitong sabon ay mabilis matuyo sa buhok at ginagawang medyo matigas ito, nang hindi mo na kailangan ng maraming oras upang ayusin ang iyong kilay.
-
Gel soap - hindi na kailangang basain
Ito ay ginawa lamang para sa pag-aayos ng kilay. Ang glycerin-gel soap ay maganda at malambot sa balat, kaya tamang-tama ito sa paggawa ng soap brows. Ang ganitong uri ng sabon ay hindi na kailangang ihalo sa tubig, toner o flower water (hydrosol). Maari mong ilagay ito nang direkta mula sa kanyang packaging gamit ang spoolie. Ang sabon ay walang kulay, kung kaya hindi ito nag-iiwan ng anumang bakas ng kulay sa kilay at hindi rin nagmamantsa. Hindi ka makakaramdam ng pagsisikip ng balat gamit ito. Ito ay tumatagal at hindi basta naaalis kahit na pawisan na. Gayundin, hindi ito malagkit sa pakiramdam. Napakadali nitong ilagay, dahil ang sabon ay madaling i-brush sa mga buhok sa kilay at hindi ito agad naka-set, kaya mayroon kang maraming oras upang ayusin ang hugis ng mga kilay.
Brow soap - mga tips. Pag-aapply at paglalagay ng kulay
Siguraduhin na ang sabon ay ilalagay sa malinis na kilay. Huwag itong ipahid sa ibabaw ng foundation, brow pencil, eyeshadow, o brow pomade. Kung gagawin mo ito, maari mong i-brush out ang lahat ng brow makeup products habang inilalagay ang sabon, o ang iyong makeup ay mamumuo at kailangan mo ulit magsimula mula sa umpisa. Tandaan din na ang anumang spf o moisturizer ay lubos ng na-absorb bago mo ilagay ang sabon. Sa ganitong paraan, makakamit mo ang pinakamaganda at pangmatagalan na mga resulta.