Mga Paraan sa Pag-aayos ng Kilay

madaling pampaganda ng kilay

Mahalaga ang maayos na hugis ng kilay sa pagme-make up. Minsan ba nahihirapan kang pagandahin ang iyong kilay? Alamin ang mga pinakamahusay na paraan na makakatulong sa iyo upang makamit ang magagandang kurba ng kilay nang walang kahirap-hirap. Magpatuloy sa pagbabasa upang malaman ang tungkol sa mga nakakatulong na paraan sa pagme-makeup ng kilay, na ginagamit din ng mga makeup artist.

Pang-araw-araw na pangangalaga sa kilay - sikreto sa magagandang make-up sa kilay

Bago mo isipin ang iyong pagkikilay at paglalagay ng magagandang make-up, siguruhing pinangangalagaan mong mabuti ang mga buhok sa iyong kilay. Mas maganda ang hitsura ng mga buhok ng kilay kung malusog ang mga ito. Kapag ang mga kilay ay matibay, makapal at lubos na naalagaan, makakaasa ka sa isang flawless na make-up na mahirap makamit sa mga maninipis at kakaunting buhok sa kilay.

Ano ang dapat gamitin upang maging mas malusog, mas maganda ang buhok sa kilay? Walang duda, ang brow serum ang pinakaepektibo - siguruhing gamitin ito araw-araw bago matulog. Mas magiging maganda na ang iyong mga kilay.

Pinakamahusay na paraan para sa fleek brows

Ang pagkakaroon ng perpektong make-up sa kilay ay hindi basta-basta na lang nangyayari - kailangan mong malaman kung paano ito ilagay nang tama upang magmukhang napakaganda nito nang walang kahirap-hirap.

#1 Lagyan ng powder ang iyong mga kilay bago maglagay ng make-up

Ang paraan na ito ay makakatulong para sa lahat ng may kakaunting buhok sa kilay at oily na balat. Maglagay ng transparent bamboo, mineral o rice powder sa mga buhok ng kilay - magmumukhang makinis ito at sisipsipin ang sobrang oil sa balat. Ibig sabihin nito, mas magtatagal ang make-up - at hindi ito magkakalat.

#2 Gumamit ng angled brush

Alam mo bang hindi makakagawa ng maayos ang mga make-up artist sa kanilang trabaho kung wala silang manipis na angled brush? Gamit ang simpleng tool na ito ay makakagawa ka ng aliman sa makapal o manipis na linya. Ang pinakamanipis na bahagi ng brush ay tutulungan kang punan ng eksakto ang kilay upang magmukha itong natural, flawless at maganda. Piliin ang de-kalidad na gamit upang gayahin ang mga totoong buhok. Maaari mong gamitin ang angled brush sa paglalagay ng brow pomades, powders at wax, pati na rin upang ihalo sa ibang produktong pampaganda.

#3 I-brush ang mga kilay pagkatapos maglagay ng make-up

Kapag kinukulayan mo ang mga kilay, maaaring hindi maging pantay ang kulay nito. Paano maikakalat ito ng maayos sa buong kilay? Ang kailangan mo lang ay isang spoolie na makakatulong mo upang bawasan ang linaw ng mga linya at tiyakin ang pantay na pagkakalagay.

#4 Mabilisang paraan sa pag-aayos ng kilay

Kapag usapang mga brush, narito ang madaling paraan na magbibgay sayo ng magandang kilay nang mabilis! Ito ang pinakamabilis na paraan sa buong mundo upang magkilay - ang kailangan mo ay isang spoolie at brow pencil na kulay beige o brown. Maglagay ng kaunting produkto sa spool at i-brush ito sa iyong kilay. Sa paraang ito, mabilis mong makokortehan at mahuhugisan ang mga ito.

#5 Iwasang gumawa ng malinaw na linya 

Tandaan na panatilihing banayad lang ang itaas na linya ng kilay at iwasan ang matitinding hugis. Kung gagawa ka ng makapal at malalapad na guhit, maaari kang magmukhang cartoon, na hindi mo ito gugustuhin.

#6 Gawing mas kapansin-pansin ang iyong mga kilay

Matagal nang ginagamit ng mga make-up artist ang parang ito: gumagamit sila ng nude brow/eye pencil o concealer at inilalagay ito sa baba ng ilalim na linya ng kilay - ang itaas na linya ay mukhang malambot at natural habang ang ilalim naman ay pantay at eksakto ang linya. Kaya naman nagmumukhang natural ang mga kurba, at medyo tumataas ang mga kilay, kaya nagmumukhang sariwa at maaliwalas ang buong mukha. 

#7 Ayusin ang iyong mga kilay gamit ang brow gel

Kahit na ang pinakamahusay na mga produkto ng make-up ay magiging walang magagawa kung ang iyong mga kilay ay magulo at mahirap ayusin. Upang makagawa ng perpektong hugis at manatiling nakaayos ito, kailangan mo ng isang clear o tinted na brow gel. Ito ay isang mahusay na ideya para makontrol ang mga buhok na mahirap ayusin. Bibigyan ng hugis at pananatilihing makintab ng isang de-kalidad na gel ang pinakamakapal at mabubuhok na kilay.

#8 Piliin ang tamang kulay

Ang pagpili ng mga mataas na kalidad na produkto ay hindi lamang ang sikreto na itinatago ng mga brow artist - mahalaga rin ang pagpili ng mga kulay. Alam mo bang kailangan mo ng hindi bababa sa dalawang kulay para sa maayos na pagme-make up? Halimbawa, maaari kang gumamit ng cool tones ng isang brow powder, marker, o pencil para punan ang mga manipis na kilay, ngunit pagkatapos ay dapat kang gumamit ng mas light na kulay upang maiwasan ang matitindi at sobrang kapal na kurba sa kilay. Gamit ang ilang mga kulay, maaari kang lumikha ng natural na ombre effect: mag-umpisa ka sa isang light powder at unti-unti mong dagdagan ng ilang mas dark na kulay.

#9 Siguruhing tumutugma ito

Kung gusto mo ng perpektong hitsura ng kilay, siguruhing tumutugma ang iyong kilay sa iba pang bahagi ng iyong make-up. Kung gusto mo ng bold smokey eye, panatilihing makapal din ang mga kurba ng kilay. Ang mas simpleng hitsura ay maganda para sa pang-araw-araw na make-up. Ang pagkakatugma ay ang susi sa perpektong make-up.

#10 Iwasang gumamit ng brow stencils

Ang paggamit ng brow stencils na siguro ang pinakamadaling paraan upang makuha ang ninanais na hugis ng kilay, gayunpaman, kailangan mong tandaan na hindi ito angkol sa mga mukha na may kakaibang hugis. Lahat tayo ay magkakaiba ang hugis ng mukha, hugis ng mata, mga sulok ng mata, distansya sa pagitan ng mata at ng ilong, at iba pa. Kaya't inirerekomenda namin ang brow mapping sa halip na gumamit ng brow stencils - makakagawa ka ng pinakamagandang hugis ng kilay na bagay sa hugis ng iyong mukha.

Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado