Ombre Brows. Paano mo Madaling Magagawa Ito?

Mga hakbang sa pag-aayos ng make-up para sa Ombre brows

Ombre - ito ang pagbabago ng kulay mula sa light papunta sa dark na kulay - ito ang pinakabagong usong make-up sa kilay ngayon. Gamit ang paraang ito sa pagkikilay, magkakaroon tayo ng maganda at mukhang natural na kilay. Alam mo ba kung paano magkaroon ng nauusong kilay sa Instagram? Magpatuloy sa pagbabasa para sa pinakamadaling paraan - alamin ang bawat hakbang kung paano mag-apply ng ombre brow make-up.

Ano ang ombre brows?

Ang mga kilay na ito ay hindi pare-parehong ang kulay mula simula hanggang sa dulo. Ang harap na bahagi ng kilay ay mas magaan at malambot, ang gitnang bahagi ay medyo maitim, at ang dulo ay medyo matingkad ang kulay. Dahil sa unti-unting pagbabago ng kulay nito, nagkakaroon tayo ng kilay na natural tingnan. Ang mga kilay ay nagmumukhang maayos, hindi masyadong halata o mukhang hindi totoo.

Ang Ombre brows ay bagay sa pang-araw-araw na makeup at sa mga espesyal na okasyon. Bumabagay rin ito sa anumang uri ng mukha.

Kitang-kita naman ang lamang nito, at iyon ay, makakamit natin ang epektong ito sa halos anumang produktong pampaganda sa kilay: brow pencil man ito, powder, pen, o pomade.

Bago mo simulan ang paglalagay ng make-up sa kilay...
...tandaan ang kahalagahan ng regular na pangangalaga ng kilay at pagbubunot, dahil mahalaga ang mga ito upang magkaroon ng magandang make-up. Kung gusto mong manatiling malusog at maayos ang iyong kilay, mahalagang gumamit ng de-kalidad na eyebrow serum na mayaman sa nutrients. Maaari mo ring isaalang-alang ang paggamit ng castor o argan oil bilang karagdagan sa pangangalaga sa kilay.

Mga hakbang sa pag-aayos ng make-up para sa Ombre brows

Bagama't tumatagal ng ilang oras ang ganitong make-up, hindi ito mahirap gawin. Basahin ang aming madaling sundan na tutorial na gagabay sayo sa bawat hakbang. Gamit ang mga produktong pampaganda na may mataas na kalidad at ilang tips, madali mong magagawa ang natural na ombre brows.

HAKBANG 1 IHANDA ANG IYONG MGA KILAY

Tandaan na dapat malinis at tuyo ang iyong kilay bago maglagay ng make-up. Ang unang hakbang ay ang paglalagay ng kaunting powder sa iyong kilay. Sa pamamagitan nito, makakasiguro ka na hindi mabubura ang iyong make-up kaya magiging maganda ito at magtatagal.

HAKBANG 2 I-OUTLINE ANG MGA KILAY

Ang pagguhit ng linya sa ibabang bahagi ng kilay ay ang pangalawang hakbang at hindi ito maaaring laktawan - ang magiging resulta ay depende sa kung gagawin mo ito ng tama o mali. Maging maingat kapag gumagamit ng pencil, pen, o pomade na may manipis na brush. Huwag masyadong kapalan ito, dapat sapat lang upang maipakita ang parehong simula at dulo ng iyong kilay.

HAKBANG 3 PUNAN ANG MGA KILAY

Sa susunod na hakbang, kailangan mong ilapat ang kulay sa iyong mga kilay at punan ang anumang mga puwang sa hugis ng kilay - kung mayroon man. Kung ang iyong mga kilay ay may hindi pantay na bahagi, maaari kang gumamit ng brow pen o pomade para gumuhit ng mga buhok. I-brush ang mga ito ayon sa tubo ng iyong buhok sa kilay. Ito ang pinakamahusay na paraan upang magmukhang natural ito.

HAKBANG 4 KULAYAN

Upang lumikha ng ombre effect, kakailanganin mo ng hindi bababa sa dalawang kulay na tumutugma sa kulay ng iyong kilay. Gumamit ng brow make-up kit - na talagang ginawa para dito, at karaniwang naglalaman ng wax at dalawang kulay na may parehong shade - light at dark. Magsimula sa pamamagitan ng paglalagay ng kaunting wax sa iyong mga buhok sa kilay para mas madaling ipahid ang powder. Ngayon, ilapat ang mas light na kulay sa simula ng iyong kilay hanggang sa pinakamataas - na siyang kurba. Pagkatapos, kunin ang mas dark na powder at unti-unting magdagdag ng kulay - magsimula sa kurba hanggang sa buntot. Kinakailangan na ang paglipat ng light na kulay papunta sa dark na kulay ay banayad lang, at siguradong magmumukhang natural ang ombre effect sa iyong kilay.

HAKBANG 5 GAWING MAS NATURAL ANG HITSURA NG KILAY

Bilang panghuling hakbang, iminumungkahi namin na suklayin ang mga kilay gamit ang spoolie brush - lalo na sa simula at kurba ng mga kilay. Ito ay upang palambutin ang mga matatalas na gilid nito. Gawin ito nang maingat at huwag masyadong idiin ang spoolie. Kung gusto mong hindi masyadong halata ang mga linya, huwag alisin ang lahat ng kulay.

HAKBANG 6 SIGURUHING MAGTATAGAL ANG IYONG OMBRE BROWS

At ang pangwakas na hakbang para sa pangmatagalang make-up at mas magandang hitsura ng kilay: i-set ang mga kilay gamit ang clear brow gel. Ito ay magbibigay-daan sa iyo na ayusin ang mga magugulong buhok at makuha ang ninanais na hugis, at manatiling nakaayos ito nang matagal. Pinipigilang din ng gel na mabura ang iyong make-up sa buong araw. Tapos na ang ombre brow make-up mo!

Ombre brows - nakasanayan o permanenteng make-up?

Ang ombre brows ay isang madalas gamiting paraan upang gawing permanente ang kilay. Parami ng parami ang mga kababaihan ang gumagawa nito - ang isang pro brow expert ay kayang makagawa ng kilay na natural tingnan na katulad sa ating kilay. Maaaring maging remedyo ito sa mga taong may manipis at kakaunting buhok sa kilay na hindi gusto o sa anumang kadahilanan ay hindi magawa ito araw-araw. Makakaya mo itong gawin kahit ano pa ang edad mo. Dapat mong malaman na may iba't ibang pamamaraan at ang isang brow esthetician ang makakatulong sayo upang piliin kung alin ang nababagay sa iyong mukha. Bago magpasyang magpagawa ng permanenteng kilay, ipinapayo namin na tingnan muna ang maaaring maging masamang epekto nito, mga iba't-ibang paraan at unawain ang mga tagubilin ukol sa pangangalaga bago at pagkatapos ng proseso..

Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado