
Ang pagtanggal ng makeup sa iyong mukha, mata, at kilay ay isang mahalagang bahagi ng iyong pang-araw-araw na gawain sa pagpapaganda. Mahalagang tandaan na linising mabuti ang iyong mukha bago matulog. Nakakatulong ito na maiwasan ang mga kulubot, blemishes, at pangangati sa balat. Kapag ang mga produktong pampaganda at langis ay naipon sa iyong mga kilay, maaari silang maging mas manipis, matuyo, at mawala ang kanilang kintab. Sa patuloy na pagbabasa, malalaman mo ang sikreto upang matanggal ng maayos ang make-up.
Pagtanggal ng makeup sa kilay - bakit mahalaga ito
Maraming mga produktong pampaganda sa kilay at matingkad ang kulay, siksik, at parang cream. Idinisenyo ang mga ito upang maging pangmatagalan, kadalasang hindi tinatablan ng tubig, at maramihan kung gamitin. Iyon ang dahilan kung bakit napakahalagang tanggaling mabuti ang makeup. Dapat nating tandaan na ang mga produktong pampaganda ay nananatili sa loob ng ilang oras at nahahalo sa mga alikabok at mga dumi, na maaaring makabara sa mga pores, maging sanhi ng tagihawat, at makasama lalo sa kondisyon ng buhok sa kilay. Maaaring hadlangan pa nito ang pagtubo ng kilay. Ang pagtanggal ng makeup at deep cleansing ay pinapanatiling bata ang ating balat gumaganap din ng isang papel sa pagpapanatili ng kabataan ng balat at pinipigilan ang pagkulubot.
Ano ang pinakamahusay na paraan upang alisin ang makeup sa kilay?
Ang merkado ay nag-aalok ng iba't ibang mga produkto para alisin ang make-up sa kilay, kabilang ang mga bi-phase remover, micellar water, mga langis, gatas, at mga foam. Ano ang dapat piliin? Nakadepende sayo kung ano ang gusto mo. Ang bawat produkto ay may iba't ibang texture at sangkap, kaya dapat mong piliin ang produkto na bagay sayo at hiyang sa iyong balat. Mahalaga rin kung anong uri ng make-up sa kilay ang gagamitin, kung ito ay hindi tinatablan ng tubig o tinatablan, at kung nagsusuot ka ng contact lens o false lash extension. Maraming eye at brow makeup removers ang mayroong katangian na nakakapagpalambot, pinapaganda ang balat at pinatitibay ang mga buhok . Dahil sensitibo ang bahagi ng mata, pinakamabuting iwasan ang mga produktong naglalaman ng parabens, silicones, at comedogenic substance, at piliin ang mga produktong subok na ng mga ophthalmologist.
Tandaan!
Kung gumamit ka ng waterproof makeup, maaaring hindi sapat ang karaniwang makeup remover. Piliin ang produkto na talagang ginawa upang alisin ang waterproof make-up. Ang mga oil at bi-phase remover ay epektibo rin.
Pagtanggal ng make-up vs sensitibong balat
Mayroon ka bang sensitibong balat na nangangailangan ng karagdagang pangangalaga? Kapag pipili ng removers para sa mata at kilay, piliin ang mga produktong walang pabango at hypoallergenic na may neutral pH. Dapat ito ay mayroong nakakarelaks at kakayahang protektahan ang iyong balat mula sa mga iritasyon at mga nakakapinsalang epekto mula sa kapaligiran.
Mga Usong Pagtanggal ng Make-up: Paggamit ng Mga Langis upang Tanggalin ang Make-up
Ang pinakabagong uso sa pagtanggal ng make-up sa mukha, mata, at kilay ay ang Oil Cleansing Method (OCM). Ang pamamaraang ito ay ginagamitan ng mga langis upang linising mabuti ang make-up sa balat - mayroon itong extra deeply-nourishing effect at pinagaganda ang buhok mo sa kilay. Ang mga produkto ng OCM ay karaniwang naglalaman ng castor oil, na kilala sa kakayahang pagandahin ang kilay at pilikmata. Pinatitibay nito ang kilay, pinabibilis ang pagtubo, pinapanumbalik ang kulay at bahagyang pinapaitim ang kilay. Ang mga oil-based removers ay epektibo sa pagtanggal ng make-up, kabilang ang mascara, eyeshadow, at waterproof make-up sa kilay.
Pinakamahusay na Routine Upang Alisin ang Makeup sa Kilay sa 4 na Madaling Hakbang
Paano alisin ang make-up sa mga mata at kilay sa tamang paraan?
#1 Sa sandaling napili mo na ang mahusay na make-up remover, ibabad dito ang cotton pad at dahan-dahang idiin ito sa mga kilay. Kung gumagamit ka ng bi-phase remover, kalugin ang bote bago gamitin. Tandaan na ang mga de-kalidad na remover ay hindi nangangailangan ng pagkuskos.
#2 Ang remover ay nangangailangan ng ilang segundo upang matunaw ang mga produktong pampaganda at pagkatapos ay punasan mo lamang ang mga ito gamit ang cotton pad. Gawin ito ng malumanay at maingat upang matiyak na walang matitirang dumi o mga pampaganda. Huwag kuskusin o tuklapin ang balat - mabagal at banayad lang dapat ang iyong galaw.
#3 Magsimula mula sa panloob na gilid - ang unahang bahagi ng kilay - at lumipat patungo sa dulo (ang pinakamanipis na bahagi). Sa pamamagitan ng paggawa nito, inaalis mo ang make-up ayon sa papalaking direksyon ng kilay. Hindi mo mababali ang mga buhok a o malaglag ang mga ito.
#4 Gumamit ng maraming cotton pad kung kinakailangan - kadalasan mula 4 hanggang 5 ang kailangan. Patuloy na palitan ang mga ito hanggang sa wala nang makuhang dumi ang cotton pad. Tapos na!
Mga pagkakamali na madalas nating gawin habang nag-aalis ng make-up sa kilay
Dapat din nating banggitin ang ilang karaniwang pagkakamali na madalas nating ginagawa kapag nag-aalis ng mga produkto sa kilay. Ang pag-iwas sa mga pagkakamaling ito ay makakatulong na mapahusay ang kondisyon at hitsura ng iyong mga kilay. Narito ang isang listahan ng mga pagkakamali sa kilay na dapat nating iwasan:
-
walang ingat sa pag-alis ng mga make-up products
-
maling pagpili ng make-up removers
-
hindi tinatanggal ang make-up sa kilay
-
masyadong madiin na pagkuskos sa balat at buhok sa kilay
-
hindi sinusundan ang direksyon ng pagtubo ng buhok