
Manipis ba at kakaunti ang buhok sa iyong kilay? Hinihintay mo silang tumubo ngunit wala pa ring pagbabago sa loob ng maraming buwan? Maraming kababaihan ang nagrereklamo dahil maraming beses at taon na nilang sinubukan na patubuin ang kanilang mga buhok sa kilay. 'Bakit hindi tumutubo ang aking mga kilay?' isa ito sa mga pinakamadalas itanong sa mga beauty salon. Kaya mo bang pabilisin ang pagtubo ng mga ito? Alamin kung paano mabilis na palaguin ang iyong mga kilay - basahin ang mga pinakamahusay na paraan.
Bakit hindi tumutubo ang kilay ko?
Napakaraming dahilan kung bakit hindi tumutubo ang mga buhok sa kilay. Ang pinakakaraniwang dahilan ay ang:
- Hindi wastong pangangalaga sa paligid ng mata: ang maling pangangalaga sa balat at mga produktong pang-alis ng make-up ay maaaring magdulot ng allergic reaction at pangangati sa follicles ng buhok. Ang sobrang paggamit ng iba't ibang cosmetics o maling paggamit sa mga ito ay maaaring maging sanhi rin. Dapat mo ring isipin na kinakailangan mong tanggalin ang make-up sa iyong mata nang dahan-dahan.
- Edad: nakakaapekto sa ating hitsura ang pagtanda, pati na rin sa kalagayan ng ating buhok sa kilay. Humihina at nababawasan ang ating mga kilay habang tayo ay tumatanda.
- Ilan sa mga pamamaraan: labis na pagbubunot, hindi maayos na paglalagay ng permanent make-up o maling pag-laminate, ay ilan lang sa mga ito.
- Mahinang Immunity: madalas itong makita sa mga sirang balat, pagkalagas at pagnipis ng kilay at pilikmata.
- Mga lagay ng panahon: malamig na klima, matinding sikat ng araw, polusyon sa hangin at maruming usok ay maaaring makaapekto ng masama sa ating mga kilay.
- Chemotherapy: ang paggamot sa kanser at mga gamot nito ay nagdudulot ng pagkawala ng buhok, kilay at pilikmata.
- Ilang mga gamot: lalo na ang pangmatagalan na paggamit ng antibiotic sa gamutan.
- Kakulangan sa mga bitamina at sustansya: ang kakulangan sa mga bitamina, mineral, at mga omega fatty acids ay nagpapalala sa kalagayan ng mga kilay.
- Ilang sakit sa balat at anit: tulad ng alopecia, atopic dermatitis, seborrhoeic dermatitis, psoriasis and fungus.
- Hormonal imbalance: halimbawa, habang nagbubuntis o pagkatapos manganak.
- Kuto: mga parasito na naninirahan sa mga follicle ng buhok.
Maaari bang huminto ang pagtubo ng buhok sa kilay?
Ang pagtubo ng kilay ay likas na mabagal, ngunit kung palagi mo itong bubunutin, maaaring huminto ang pagtubo nito. Maraming kababaihan ang nakakaranas ng problemang ito, lalo na ang sumunod sa uso noong dekada 1990 at binubunot nila ang kanilang mga kilay upang magkaroon ng sobrang manipis na hugis. Sa kabutihang palad, may mga gamutan at produkto na pinabibilis ang pagtubo at maaaring makatulong sa pagpapatubo ng mga bagong buhok.
Mga sanhi ng manipis na kilay
Ang labis na paglalagas ng buhok sa kilay ay isa pa sa pinakakaraniwang hinaing. Natural lang na nababawasan tayo ng buhok, kaya hindi ka dapat mag-alala kung nalalagasan ka ng dalawang hibla ng buhok kada araw. Gayunpaman, kung napapansin mo na nagkakaroon ng puwang sa iyong mga kilay, kailangan mong gumawa ng paraan. Ang pagkalagas ng buhok sa kilay ay sanhi ng parehong dahilan ng paghinto sa pagtubo nito - sa parehong dahilan, may kaugnayan ito sa disturbed anagen growth phase o hindi maayos na pagtubo ng buhok
Mga yugto ng pagtubo ng kilay - life cycle ng buhok sa kilay
Upang mas maunawaan kung bakit humihinto ang pagtubo ng buhok sa kilay, kailangan nating malaman ang mga yugto ng kanilang pagtubo. May tatlong yugto ito.
- Anagen - ang panahon kung kailan tumutubo ang buhok at dumarami ang mga selula sa matrix ng buhok. Para sa kilay, ito ay tumatagal ng isa hanggang dalawang buwan. Humigit-kumulang 10% ng buhok sa kilay ay nasa anagen phase.
- Catagen - tumatagal mula isa hanggang dalawang linggo; humihinto ang pagtubo ng buhok.
- Telagen - tumatagal mula dalawa hanggang apat na buwan; ito ang tinatawag na yugto ng pahinga, bago pa man malagas ang buhok.
Kapag hindi maaapektuhan ang pagtubo ng buhok, ang lahat ng tatlong yugto ay magaganap sa tamang oras (ang isang maliit na buhok ay tumutubo ng humigit-kumulang 0.40 mm kada araw). Sa kasamaang palad, dahil sa mga nabanggit na kadahilanan, ang proseso sa pagtubo ng kilay ay maaaring maapektuhan, na nagpapatagal sa yugto ng telogen at pumipigil sa anagen. Dahil dito, ang mga kilay ay hindi na tumutubo sa loob ng ilang linggo o buwan.
Paano mapapanumbalik ang pagtubo ng buhok sa kilay?
Ano ang mga paraan upang mapabilis ang pagtubo ng buhok sa kilay? Paano patubuin ang mga kilay na ayaw tumubo? Maaari bang pabilisin ang pagtubo nito? Marahil ito ang mga tanong kapag ang iyong mga kilay ay manipis at kakaunti. Sa katunayan, marami tayong magagawa upang magkaroon mas makapal at mas magandang kilay.
- Kung maaari, subukang alisin ang lahat ng mga bagay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa pagtubo ng kilay.
- Suriing mabuti ang produktong ginagamit sa pangangalaga sa balat at make-up (pati na rin ang remover)- may masamang epekto ba ang mga ito sa kilay?
- Huwag kuskusin ang kilay habang tinatanggal ang make-up.
- Palakasin ang iyong diyeta sa pamamagitan ng mga bitamina A, B12, B7, C, E, D, biotin, at omega-3 acids.
- Kung gumamit ka ng anumang treatment, palaging mag-ingat at sundin ang mga tagubilin sa packaging, halimbawa huwag mag-iwan ng tint nang mas matagal kaysa sa itinakdang oras.
- Bumisita sa isang beauty salon at hayaan ang isang propesyonal na tukuyin ang hugis ng iyong mga kilay. Huwag bunutin ang mga buhok. Bunutin lamang ang mga ito kapag lumampas sa ginawang hugis.
- Pumili ng tamang produkto para sa pangangalaga ng kilay (tulad ng eyebrow serum) at gamitin ito nang regular upang patibayin ang buhok sa kilay.
- Gumamit ng mga langis, tulad ng castor o argan oil upang maiwasan ang pagkatuyo at pagkasira nito.
- Siguraduhing maganda ang kalidad ng iyong mga produktong pampaganda sa kilay.
Eyebrow serum - ang pinakamadaling paraan upang mapabilis ang pagtubo ng buhok sa kilay
Ang paggamit ng eyebrow serum ay ang pinakamahusay na paraan upang simulang patubuin ang buhok sa kilay. Ginawa ito para pabilisin ang pagtubo at pahabain ang panahon ng pagtubo ng buhok. Dahil dito, ang mga kilay ay tumutubo ng mas buo, mas makapal at may tamang dami at hugis. Ang isang mahusay na serum ay kayang solusyunan ang problema ng mga taong gustong magkaroon ng mas mahaba, mas makapal na kilay nang mabilis.
Maraming tao ang nagnanais na mapabilis ang pagtubo ng kanilang kilay at bumibisita sa mga salon na nagtatanong kung paano mapapatubong muli ang kanilang kilay sa loob ng isang linggo. Bagamat hindi sapat ang 7 araw para makamit ang mas makapal at mas maraming buhok sa kilay, ang pinakamahuhusay na serum ay kayang pagandahin ang buhok sa kilay sa loob ng dalawang linggo. Ang mga pinakamodernong produkto ay may mga sangkap na pinabibilis ang pagtubo at naglalaman ng mga katas ng halaman na nagpapatibay, nagpapalago, at nagpapaganda sa mga kilay.
Gaano katagal ang kinakailangan upang tumubo ng mas mahaba, mas makapal ang mga kilay?
Maraming ang nagtatanong kung gaano katagal ang proseso ng muling pagtubo ng buhok. Kung walang makakaapekto sa yugto ng pagtubo, karaniwang tatagal ito ng ilang linggo hanggang ilang buwan. Dapat mong malaman na hindi lahat ng buhok sa kilay ay tutubo nang sabay-sabay - kinakailangan mong maghintay. Maaaring mangyari na ilang mga buhok lang ang tumubo at mayroon kang mga puwang sa iyong mga kilay - ito ang oras upang pagandahin ang mga ito gamit ang isang mahusay na serum at i-upgrade ang iyong pangangalaga sa pamamagitan ng mga supplement o mga natural na paraan para sa mga kakaunting buhok sa kilay.
Mga pamamaraan sa bahay upang mapakapal ang kilay
Ano pa ang maaari mong gawin para patubuin ang mga buhok sa kilay? May ilang mga alternatibo na makikita bahay para magkaroon ng mas makapal na kilay. Tingnan ang mga karaniwang ginagamit.
CASTOR OIL PARA SA KILAY
Isang pinagkakatiwalaan at labis na ginagamit na sangkap para gawing mas makapal ang kilay. Kinatas mula sa buto ng castor, ang langis na ito ay may ilang kakaibang sangkap at ang komposisyon nito ay katulad sa keratin na bumubuo sa buhok ng tao. Kaya't walang kapantay ang langis ng castor pagdating sa pagpapalusog ng mga kilay at pagtulong upang tumubong muli ang mga ito. Dahil ito ay mas malapot kaysa sa karamihan ng mga langis, hindi ito tumutulo pagkatapos ipahid.
PAG-BRUSH, O PAGMASAHE SA KILAY
Alam mo ba na ang pag-brush ng iyong kilay araw-araw ay hindi lamang tinitiyak na nasa tamang direksyon ang pagtubo nito kundi pinapaganda rin ang pagdaloy ng dugo at pagtubo nito? Mas maganda kung mayroon kang spoolie brush; maraming brow set ang may kasamang brush na. Maaari mo rin linisin ang lumang mascara brush at gamitin itong pang-brush sa kilay mo.
PULA NG ITLOG PARA SA KILAY
Ang keratin ay isang mahusay na sangkap para sa mga kilay, at matatagpuan din ito sa pula ng itlog. Ginagamit ito ng ilang kababaihan para ipahid sa buhok ng kanilang kilay. Ipahid ang kaunting pula ng itlog sa mga buhok ng kilay at banlawan ito pagkatapos ng mga 20 minuto. Gawin ito dalawang beses isang linggo.
Pagtubo ng kilay - mga epekto
Kung nais mong mapabilis ang pagtubo ng buhok sa iyong kilay at mapabuti ang iyong paggamot gamit ang espesyal na serum, malamang ay nagtatanong ka tungkol sa mga epekto nito. Ang regular na paggamit ng serum para sa pagpapatubo ng kilay:
☛ mas pinabibilis ang pagtubo ng kilay
☛ pinabibilis ang pagtubo ng mga bagong papasibol na buhok
☛ lubos na pinalulusog at pinatitibay ang mga kilay
☛ Iniiwan ang mga ito na makintab at hydrated
☛ pinalalakas ang resistensya laban sa pagkasira
☛ nagbibigay ng maganda, matingkad na kulay sa kilay
Upang siguruhing malago, matibay at maganda ang iyong mga kilay, maaari mong idagdag ang eyebrow serum sa napili mong treatment na gagawin mo sa iyong bahay. Siguradong magkakaroon ka ng malusog at makapal na mga kilay.