Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pag-exfoliate ng Kilay

Bakit kailangan mong mag-exfoliate ng mga kilay?

Alam mo ba na ang mga kilay - ay tulad ng buhok - na nangangailangan ng pangangalaga at regular na paglilinis? Iyan ang trabaho ng pag-exfoliate ng kilay. Ito ay hindi lamang isang panandaliang uso! Alamin ang iba pa tungkol sa pag-exfoliate ng kilay, anong mga pakinabang ang dulot nito at kung bakit sulit itong subukan.

Ano ang ibig sabihin ng pag-exfoliate ng kilay?

Ang pag-exfoliate ng kilay ay isang beauty treatment na ginagawa natin upang alisin ang mga patay na balat at linisin ang lugar ng kilay. Pinagaganda din nito ang daloy ng dugo upang mapabilis ang pagtubo ng buhok sa kilay, at pinipigilan ang pagtubo muli ng mga binunot na buhok. Ito ay isang magandang hakbang bago kulayan o gamitan ng iba pang paraan sa pagpapaganda ang kilay, nakakatulong ito upang mapaganda ang pag-laminate sa kilay.

Bakit kailangan mong mag-exfoliate ng mga kilay?

Maaaring hindi kailangan at hindi mahalaga ang mag-exfoliate ng kilay, ngunit lumalabas na ito ay mahalaga para sa iba't ibang paraan ng pangangalaga at pag-aayos ng kilay. Ang paglilinis at pagtanggal ng tuyot na balat ay mahalaga bago kulayan ang kilay - makakaasa ka na matatakpan ang buong kilay kapag gumamit ka ng scrub. Bukod dito, ito'y magandang gamitin bago mag-laminate ng kilay para mas lalo itong gumanda.

Ang isa pang malaking nagagawa ng brow exfoliator ay pabilisin ang pagtubo ng buhok sa kilay. Kung mabagal ang pagtubo ng buhok sa iyong kilay o hindi tumutubo, maaari mong pabilisin ang proseso sa pamamagitan ng paggamit ng scrub na bumubuhay sa mga follicle ng buhok at pinabibilis ang muling pagtubo ng buhok sa kilay. Ang mga ginagamit mong produkto sa kilay - tulad ng, eyebrow serum - mas madali itong tumagos sa balat. Higit pa riyan, hindi mo na aalalahanin ang muling pagtubo ng binunot na buhok at mas madali ka ng makakapagkilay - pantay na pinupunan ang kilay gamit ang produktong ito. Ang make-up ay palaging maganda tingnan sa makinis at napakalinis na mukha.

Mga sangkap na dapat ilagay sa isang brow scrub

Ang isang epektibong brow scrub ay naglalaman ng mga sangkap na abrasive pati na rin ang mga sangkap para sa conditioning, pang-moisturize at pampakinis. Ang mga karaniwang ginagamit na sangkap sa isang brow exfoliator ay kinabibilangan ng:

  • Langis - mga langis na hindi naproseso, langis na mula sa pagdikdik ng mga buto at mga butter, tulad ng shea butter, argan oil, castor oil o sunflower oil na mayaman sa omega-3 at omega-6 fatty acids, flavonoids, plant sterols at maraming bitamina. Gumagana ang mga ito sa pamamagitan ng pagpigil sa pinsalang dulot ng mga free radical, pinatitibay ang buhok sa kilay, pagdaragdag ng kahustuhan sa balat, at pagprotekta sa mga kilay mula sa pinsala. Ang castor oil ay may kakayahang pabilisin ang paglago ng buhok.
  • Mga wax - kadalasang ginagamit ang beeswax o carnauba (vegan kapag walang beeswax) - nagdaragdag ito ng kinis, moisturize at pinapanatiling malambot ang balat.
  • Citric acid o iba pang AHA acids - tinatanggal ang mga patay na selula ng balat at labis na pamumula ng balat.
  • Sea buckthorn extract - ito ay mayaman sa antioxidants, ginagawang mas elastic ang balat, pinalalambot at pinalulusog ng mabuti ang balat. Sagana ito sa bitamina A, E, at mineral: potassium, magnesium, calium, iron, copper, zinc, chromium at selenium.
  • Tubig dagat - nagbibigay ng moisture at mineral sa balat.
  • Glycerin - lumilikha ng protective coating upang manatiling hydrated at maiwasan ang pagkatuyo ng balat.
  • Pulbos ng kawayan - nag-e-exfoliate ng balat, nililinis ang mga pores, tinatanggal ang mga patay na balat at dumi.
  • Katas ng Aloe vera - meron itong mga katangian na nakakatulong upang mabawasan ang pamamaga, labanan ang mga bakterya, nakakagaling nakakabuhay, at pinabibilis ang pagpapalit ng mga bagong selula at pinapaginhawa ang pangangati.

Paano mag-exfoliate ng kilay?

Sobrang dali lang nito. Gawin ito tulad ng pag-scrub mo sa iyong mukha o katawan. Maglagay ng tamang dami ng scrub sa basang balat at imasahe ito paikot sa mukha. Tandaan na tanggalin muna ang make-up - dapat na malinis ang bahagi ng kilay. Ang ilang scrubs ay mabula. Panghuli sa lahat, banlawan ang ginamit na produkto ng tubig o punasan ito gamit ang basang cotton pad.

Aling brow exfoliator ang dapat kong piliin?

Paano pumili ng pinakamahusay na scrub sa kilay? Maraming babae ang nag-aakala na ang isang face scrub ay sapat na. Gayunpaman, maaaring magaspang ito sa kilay at naglalaman ng matitigas na particles. Ang isang brow exfoliator ay dapat banayad at may maliliit na particles upang hindi makasira sa mga marupok na buhok. Gayundin, siguruhing ito ay mayaman sa mga natural na halaman at mga sangkap na nakakarelaks. Ang mga produkto mula sa botika ay idinisenyo upang magbigay ng pinakamagandang resulta. Kasama sa mga ito ang mga exfoliating particle at mga sangkap na nagpapalusog sa kilay.

Exfoliation ng Kilay - Mga Epekto

  • Pinasisigla nito ang daloy ng dugo upang mas mabilis na lumago ang mga kilay.
  • Nililinis nito ang balat at inaalis nito ang dumi at lason na galing sa kapaligiran.
  • Mas pinagaganda nito ang mga epekto ng lahat ng produkto para sa kilay.
  • Mas madaling makapasok ang mga nutrients sa balat at buhok sa kilay.
  • Pinatitibay nito ang mga follicle ng buhok upang manatiling nasa maayos na kondisyon ang mga kilay.
  • Nag-iiwan ito ng sobrang lambot na pakiramdam sa balat at sa kilay.
  • Pinapaganda nito ang mga resulta ng pagkukulay.
  • Pinatitibay nito ang mga kilay para sa iba't ibang treatments.

Maaari mo bang i-exfoliate ang mga kilay bago at pagkatapos maglagay ng permanenteng make-up?

Ang pag-exfoliate ng kilay ay hindi dapat gawin bago maglagay ng permanenteng make-up sa kilay. Dapat mo itong ihinto sa loob ng pitong araw bago isagawa ang treatment. Bakit? Pagkatapos ng exfoliation, mas madaling magkaroon ng allergic reaction ang malalim na layer ng balat.

Ang permanenteng make-up ay isang uri tattoo na siyang dahilan kung bakit pumapangit ang balat sa pamamagitan ng masamang epekto nito sa malalalim na layer. Ang ibig sabihin nito ay madaling kapitan ng impeksyon at allergy ang balat. Kaya naman hindi tayo dapat gumamit ng brow exfoliant sa loob ng dalawang linggo pagkatapos magpalagay ng permanenteng kilay. Kailangan nating maghintay hanggang sa gumaling ang kilay.

Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado