Mga Karaniwang Pagkakamali sa Pag-aayos ng Kilay

Maling pagpili ng mga produkto para sa kilay

Alam mo ba ang mga karaniwang pagkakamali sa pag-aayos ng kilay? Madalas nating ginagawa ang mga ito nang hindi natin namamalayan, kaya't maganda na malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin. Magpatuloy sa pagbasa kung nais mong magkaroon ng magandang kilay!

Maling hugis ng kilay

Ito ang pinakakaraniwang pagkakamali na sumisira hindi lamang sa make-up kundi nagpapangit din sa mukha. Ang hugis ng iyong kilay ay dapat tugma sa hugis ng iyong mukha. Huwag gayahin ang itsura ng mga modelo at artista - bawat isa ay dapat bumuo ng kanilang sariling hugis ng kilay. Ang eyebrow mapping ay kinakailangan at hindi mo makakamit ang pinakamagandang ayos ng kilay nang walang ito. Upang makuha ang tamang hugis ng kilay, maaring magpa-gawa nito sa isang esthetician o brow artist - ikaw ay makasisiguro na ito ay magagawa nang propesyonal kaya't mas magiging madali ang pagkikilay.

Maling pagbubunot

Minsan ang hitsura ng kilay ay nagmumukhang hindi maganda dahil mali ang paraan ng pagbubunot sa kilay. Ito ang karaniwang pagkakamali sa pag-aayos ng kilay na nakakaapekto sa iyong routine sa pagme-makeup. Ang ilang hindi maayos na pagbubunot ay hindi na kayang pagandahin kahit na gumamit ka pa ng mahusay na mga produkto at tamang paraan sa pagkikilay. Kung nahihirapan kang makuha ang tamang hugis sa iyong kilay, huwag mong gawin ito mag-isa - pumunta sa isang propesyonal, at saka mo ipabunot ang mga buhok na lampas sa korte ng iyong kilay. Minsan ang problema ay nasa tweezer, kaya't maging maingat sa pagpili nito at siguruhing madali itong hawakan, hindi dumudulas, at mabubunot kahit ang pinakamaliit na buhok.

Masyadong makapal na make-up sa kilay

Ito ang madalas na pagkakamali: gusto nang maraming kababaihan na gawing makapal ang kanilang kilay. Naglalagay sila ng napakaraming make-up kaya nagmumukha itong parang cartoon at halatang-halata. May kasabihan na kapag kaunti ay mas maganda at ito ang maipapayo namin na gawin mo. Huwag masyadong kapalan kapag nagkukulay, dapat sapat lang at huwag gumawa ng matitinding kurba sa kilay. Masyadong matapang itong tingnan para sa isang maamong mukha. Katulad din ito sa buhok - huwag masyadong kapalan ang kulay kapag pinupunan ang kilay.

Masyadong makapal na kilay

Ang pagguhit ng makakapal na kurba sa kilay ay karaniwang pagkakamali kapag nagkikilay. Madalas itong ginagawa ng mga babaeng may manipis o sobrang inahitan na kilay at mga gustong magkaroon ng makapal at malapad na kilay. Totoong nakakabatang tingnan kapag makapal ang kilay, pero madalas tayong magkamali kapag nasosobrahan ito. Kapag masyadong makapal ang ating kilay nagmumukha tayong galit at mataray... Hindi magandang tingnan ang ganung hitsura ng kilay para sa mga babaeng may maamong mukha. Muli, ipinapayo namin sa iyo na ibagay mo sa hugis ng iyong mukha ang iyong kilay.

Masyadong manipis na kilay

Nagmumukhang kakaiba at hindi pantay ang ating mukha kapag masyadong manipis ang ating kilay. Ang katamtaman ay laging magandang ideya. Hindi magandang tingnan kapag masyadong makapal o masyadong manipis ang kilay. Hindi magandang tingnan at nagmumukhang matanda tayo kapag sobrang nipis ng ating kilay. Kung ang iyong mga kilay ay manipis dahil hindi sila tumutubo, inirerekumenda namin na pagandahin ang mga ito gamit ang mga eyebrow serum - pinabibilis nito ang pagtubo ng mga buhok na mahirap patubuin. Magkakaroon ng mabilis na resulta kapag gumamit ka ng mahusay na serum at gagawing malusog din ang iyong mga kilay. Unti-unting pakakapalin at pagagandahin ang mga ito. Gusto mo bang subukan ito?

Maling kulay ng mga kilay

Ang paggamit ng masyadong light o masyadong dark na make-up para sa kulay ng balat at kulay ng buhok ay isa pa sa madalaas na pagkakamali. Maraming kababaihan ang hindi nagbibigay-pansin ang tamang pagpili ng kulay ng mga produkto para sa kilay kaya't nauuwi sila sa mga cool tones para sa morenang balat - at sa kabilang banda. Pinapayuhan ng mga brow experts na huwag gumamit ng mga dark na kulay dahil masyadong makapal itong tingnan. Nakakasira din sa kabuuan ng make-up ang masyadong light na mga kilay. Hindi maganda ang ideya na maglagay ng light pencil sa ibabaw ng mga kilay. Dapat mong pag-isipan ito nang maayos at piliin ang pinakabagay kulay ng makeup para sa iyong hitsura.

Maling pagpili ng mga produkto para sa kilay

Tingnan natin ang kalidad ng mga produktong ito sa kilay. Nangyari ba na sa iyo na nabura agad ang iyong brow pomade, ang mascara ay namumuo o ang hindi maganda ang kulay ng brow powder at hind naibibigay sa kilay ang gusto nitong kulay? Pinipili lang ng mga brow make-up artist ang mga produktong may mataas na kalidad, kaysa sa kumuha ng hindi magandang produkto at itago na lang ang mga ito sa kabinet nang hindi nagagamit, gumamit ng mga de-kalidad na pampaganda. Tandaan na ang mga pomade o gel na may pangmatagalang epekto at matingkad na kulay ay mas matipid, dahil nagtatagal ito kahit kaunti lang ang gamitin.

Walang brow shading effect

Halos 80% ng mga kababaihan ay gumagamit lamang ng isang kulay ng makeup sa kilay kaya hindi ito nagmumukhang natural. Upang maiwasan ito, huwag simulan ang paglalagay ng produkto mula sa unahang bahagi ng kilay (inner corner) - ang karamihan ng produkto ay dapat ilagay lang sa kurba at sa pinakadulo. Maglagay lang ng kaunti nito sa unahang bahagi ng kilay upang masiguro ang magandang pagbabago ng kulay. Tandaan na kung maglalagay ka ng sobrang daming kulay sa simula ng kilay ay magmumukha itong makapal at hindi natural. Kapag tapos na ang pag-aayos ng kilay, suklayin ang mga buhok gamit ang spoolie para alisin ang labis na produkto at upang hindi masyadong makapal tingnan ang unahang bahagi ng kilay. Ito ang paraan upang makulayan ang kilay gamit lamang ang isang kulay. Makakatulong din ang brow spoolie upang hindi masyadong maging makapal ang mga kurba pati na rin ang mga gilid ng kilay.

Hindi paggamit ng setting make-up

Magandang gumamit ng isang clear setting gel bilang panghuli sa iyong pag-aayos, dahil may posibilidad na mabura ang iyong make-up at masayang lang ang iyong pagod sa pag-aayos. Makakatulong ang brow gel upang gawing plakado ang iyong kilay at panatilihing itong nakaayos. Makakaasa ka na mananatiling maayos ang mga kilay sa buong araw.

Sana’y mamangha ang lahat sa paligid mo dahil sa ganda ng ayos ng kilay mo!

Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado