Paano Pangalagaan ang Kilay? Mga Eyebrow Serum, Oils at Iba pang Pampaganda

Anong mga oils ang dapat gamitin sa kilay?

Ang pang-araw-araw na pangangalaga sa kilay ay ang susi sa magagandang kilay at marami tayong magagawa. Magpatuloy sa pagbabasa para sa mga tip upang makuha ang pinakamagagandang kurba at panatilihing matibay at malusog ang buhok sa kilay.

Eyebrow serum - sikreto sa matitibay na buhok sa kilay

Ang kilay ay magmukukhang maganda at maayos kapag sila ay deeply nourished, malusog at matibay. Paano mo mapapabuti ang mga ito? Araw-araw na paglalagay ng specially-devised na produkto - eyebrow growth serum - ay sobrang epektibo. Pumili ng serum na may mga sangkap na nagpapabilis sa paglago pati na rin ang nourishing botanical extracts. Ito ang mangangalaga ng maayos sa iyong mga kilay.

Mga bitamina at suplemento sa pangangalaga ng kilay

Upang mapanatiling malusog at maganda ang mga kilay, maaari mong isaalang-alang ang supplementation. Ang pag-nourish sa buhok ng kilay mula sa loob ay magbubunga ng mga kamangha-manghang epekto. Anong mga bitamina ang dapat gamitin para tumibay at maging perpekto ang kilay?

Mga bitamina para sa mas magandang kilay

VITAMIN A - ang kakulangan nito ay humahantong sa pagkalagas ng buhok. Dapat mong lagyan muli ito, gayunpaman, siguraduhing hindi ka ma-overdose dahil may masamang epekto ito sa buhok.

VITAMIN E - pinipigilan nito ang pagkasira ng buhok na binabawasan ang pinsala dulot ng kapaligiran, at may magandang epekto sa sirkulasyon ng dugo.

VITAMIN C - pinipigilan nito ang oksidasyon, pinoprotektahan ang mga follicle ng buhok, at pinabibilis ang paggawa ng collagen - isang mahalagang sangkap para sa buhok.

VITAMIN B (BIOTIN) - pinapanatili nitong nasa magandang kondisyon ang balat, kuko at buhok - pati na rin ang buhok sa kilay.

PROVITAMIN B5 (PANTHENOL) - mayroon itong hydrating properties, na pinabubuti ang kondisyon at hitsura ng mga kilay.

VITAMIN B3 (NIACIN) - Ito ay nagbibigay ng malalim na nutrisyon sa buhok at pinipigilan itong malagas, pinananatiling makapal at malusog ang mga kilay.

VITAMIN D - ang kakulangan nito ay magreresulta sa pagkalagas ng buhok.

Mga oil para sa kilay - nagdudulot ba ito ng anumang mga resulta?

Maraming tao ang gumagamit ng vegetable oils sa kanilang kilay. Ang castor oil ay ang pinakasikat pagdating sa pagpapabilis ng paglago ng kilay. Dapat mong malaman na ang mga langis ay mayroon ding mga karagdagang epekto. Pati na rin ang mga bitamina o sterol, ang mga langis ay mayaman sa flavonoids kaya't ang mga ito ay malakas na antioxidant na pumipigil sa pagkasira, protektahan laban sa mga pinsala gaya ng malalamig na temperatura o init, lagyang muli ang lipid layer at i-moisturize ang mga kilay upang hindi matuyo ang mga ito.

Anong mga oils ang dapat gamitin sa kilay?

Kung gusto mo ng mas magandang kilay, piliin ang mga oils na hindi lang nagpapalusog pati na rin yung kayang i-hydrate ang mga buhok sa kilay. Maraming langis ang kayang gawin ang iyong kilay na madaling ayusin, makintab at malusog. Bukod sa pinakasikat na castor bean oil, subukan ang intensively-nourishing avocado, argan o macadamia oil na mabilis na pumapasok upang mapabuti ang ating mga buhok. Maaari mong basahin ang iba pa tungkol sa mga epekto ng brow serum at vegetable oils sa aming artikulo: Paano Magkaroon ng Mas Buo at Mas Makapal na Kilay? Pinakamahusay na Paraan para Patubuin ang Kilay

Mga sangkap mula sa halaman para sa pangangalaga ng kilay

Tungkol naman sa mga langis at bitamina, mahalaga ring pag-usapan ang kahalagahan ng mga katas galing sa mga halaman para sa mga kilay - pinatitibay at pinagaganda rin ng mga ito. Pinakamagandang gamitin ito kasama ang isang serum para sa kilay. Gumamit ng mga serum para sa kilay na naglalaman ng:

  • SOY SPROUT EXTRACT - pinabibilis nito ang paglago ng kilay, pinipigilan ang pagtanda at pagkawala ng buhok, pinatitibay ang kilay mula sa ugat hanggang sa dulo, na nagpapaganda sa kanila.
  • EUROPEAN LARCH EXTRACT - pinipigilan nitong malagas ang mga buhok sa kilay.
  • WHEAT SPROUT EXTRACT - ito ay nagpapasigla at nagpapalusog sa mga kilay, ginagawang malambot at matibay ang mga ito.
  • GINSENG ROOT EXTRACT - ito ay isang malakas na antioxidant na pinalulusog at pinipigilan ang pagtanda at pagkakaroon ng puting buhok. Naglalaman ito ng mga sangkap na nagbibigay ng mga benepisyo para sa buhok: triterpenoid saponins, glycosides, bitamina (B1, B2, C) at mga amino acid.
  • ARGININE - isang natural na amino acid na pinapanatiling moisturized ang mga kilay, nagpapabilis sa pag-absorb ng mga nutrients, pinabibilis ang paglago ng buhok at pinipigilang malagas ang buhok.

TANDAAN!
Ang pangangalaga sa iyong mga kilay ay dapat kasama ng iyong routine sa pangangalaga ng mukha. Ibig sabihin nito, ang iyong kinakain at ang mga bitamina o suplemento na iniinom mo ay kasing halaga ng mga produkto na ginagamit mo para tanggalin ang makeup at kung paano mo aalagaan ang iyong mga kilay. Kapag naglalagay ng mga produkto para sa pangangalaga ng mukha tulad ng moisturizer para sa araw o gabi, subukan na iwasan ang bahagi ng kilay. Sa halip, gamitin ang de-kalidad na mga makeup remover at maging maingat kapag nililinis ang iyong mga kilay. Magandang ideya na pumili ng propesyonal na mga produktong pang-makeup na hindi lamang tumutulong sa iyo na magkaroon ng magagandang kilay kundi naglalaman din ng mga mataas na kalidad na sangkap na nagpapabuti sa kalusugan nito.
Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado