
Ang paghahambing ng microblading sa isang tradisyonal na tattoo sa kilay ay isang malawak na usapin, bagaman mayroon silang pagkakatulad. Ang pamamaraan ay kahawig ng tattoo at ang kulay na ginamit ay nagbibigay ng pangmatagalang epekto at nagbibigay-daan upang tamasahin ang maganda at natural na hitsura ng mga kilay hanggang sa dalawang taon. Ano ang iba't ibang pamamaraan ng microblading at ano ang mga epekto nito sa kilay? Maganda nga ba ang microblading tulad ng sinasabi ng iba? Magpatuloy sa pagbabasa upang malaman ito!
Ano ang microblading?
Ang Microblading ay isang espesyal na cosmetic treatment, na binubuo ng paglalagay ng kulay sa ilalim ng balat upang gawing mas maganda ang mga kilay sa loob ng isang panandaliang panahon. Depende sa napiling paraan, ang microblading ay isinasagawa gamit ang maliliit na karayom o iba't ibang uri ng maliliit na blades. Ang microblading ay ginagamit upang: iwasto ang hugis ng mga kilay, pakapalin ang kurba ng kilay, bigyang-diin ang kulay at punan ang anumang lugar na maninipis ng parang totoong hibla ng buhok.
Masakit ba ang microblading?
Hindi ito masakit. Dahil hindi itinuturing na sensitibo ang bahagi ng kilay at ang buong proseso ay hindi nagdudulot ng matinding kirot. Gayunpaman, bago ang treatment, lalagyan ng brow expert ang iyong balat ng lidocaine, na siyang magpapamanhid sa balat at upang maiwasan ang hindi magandang pakiramdam habang ginagawa ito. Dagdag pa dito, kung gusto ng kliyente, maaaring lagyan ang pampamanhid ang kilay, bago ang treatment.
Kinakailangan bang ahitin ang kilay bago gawin ang mircoblading?
Upang magmukhang natural, hindi na kailangang ahitin ang buong kilay. Gayunpaman, tiyak na tatanggalin ng brow expert ang anumang hindi kinakailangang buhok sa kilay. Tinitiyak nito ang maganda at natural na hugis, na tumutugma sa hugis ng mukha ng kliyente. Inirerekumenda namin na ipagawa sa mga propesyonal ang eyebrow mapping, pero kung gusto mo, maaaring ikaw mismo ang bumunot sa mga labis na buhok. Ang kailangan mo lang ay isang mahusay na tweezers, na walang sakit na binubunot ang bawat buhok, kahit na ang pinakamaikling buhok.
MGA PARAAN NG MICROBLADING
Tradisyonal na microblading
Ito ay kasalukuyang isa sa mga pinakasikat at fashionable na paraan ng pansamantalang ayos ng kilay. Ang treatment ay isinasagawa gamit ang espesyal na microblading pen na may kasamang disposable na blade. Ang eyebrow microblading ay nagbibigay-daan upang magkaroon ng parang totoong hibla ng buhok. Inirerekomenda ang Eyebrow Microblading para sa mga taong natatakot sa karaniwang paraan ng pag-tattoo sa kilay at mas pinipili ang mas natural na anyo. Ang Microblading ay nagbibigay ng pinakabanayad at pansamantalang makeup sa kilay.
Microfeathering
Ang natatanging paraang ito ng pag-aayos ng kilay ay isinasagawa gamit ang isang rotary tool na may disposable na karayom. Ang epekto nito ay sobrang natural. Ang inaasam na hugis ng kilay ay natatamo sa pamamagitan ng paggaya sa bawat buhok sa buong kilay. Ang paraang ito ay nangangailangan ng kasanayan at advanced na kakayahan dahil ito ay kailangang eksakto. Ang sining nito ay nauukol sa pagguhit ng mga tila totoong buhok na tumutugma sa mga natural na buhok sa kilay. Ang kahirapan ay nakasalalay sa pagkontrol ng ultra-fine needle tool habang gumuguhit ng mga eksaktong linya.
Powder brows/Ombre brows
Ang madalas na gamiting paraan na ito ng pansamantalang makeup sa kilay ay isinasagawa gamit ang isang espesyal na tool na may karayom. Ang ombre brow makeup ay medyo banayad at lumilikha ng natural na hitsura. Ibig sabihin nito ay pinupunan nito ang kilay na may unti-unting pagbabago ng kulay, gamit ang malumanay na galaw na may konting diin. Nagbibigay-daan ito upang makamit ang natural na epekto, katulad ng paggamit ng brow powder makeup. Inilalapat ang kulay sa pamamagitan ng pagsasaayos ng tingkad ng kulay at lumilikha ng unti-unting pagbabago sa kulay na may pinakamadilim na bahagi sa dulo ng kilay. Siguradong magmumukhang natural ang ombre brows.
Isang walang kirot at non-invasive na paraan - microblading pen
Kung gusto mong magkaroon ng hitsura gamit ang microblading ngunit gusto mong makaiwas sa masakit na paraan at pagta-tattoo, maaari mong subukan ang mga espesyal na makeup sa kilay na nagbibigay ng parehong epekto! Ang Nanobrow Microblading Pen ay isang kakaibang produktong pampaganda na may napakapinong tip na tutulong sa iyo na gayahin ang bawat buhok sa iyong kilay tulad ng isang professional microblading pen. Ang pen na ito ay matibay, komportable at eksaktong gamitin at may matitingkad at natural tingnan na mga kulay.
PANGANGALAGA PAGKATAPOS NG - MICROBLADING
Sa unang linggo pagkatapos ng prosesong ito, mahalaga na maingat mong alagaan ang iyong balat.
- Huwag gumamit ng mga kosmetiko na nagdudulot ng pagkairita.
- Huwag hawakan ang natutuyong balat.
- Iwasan ang paggamit ng foundation, concealer, o powder sa namamaga o nairitang balat.
- Pagkatapos ng isang buwan mula sa proseso, gumamit ng lash growth serum.
- Iwasan ang sauna, swimming pool, araw, at tanning bed ng isang buwan mula sa proseso at palaging gumamit ng UV protection.