Gabay Mo Sa Paggamit ng Eyebrow Gel

Paano ilagay ang eyebrow gel?

Patuloy pa rin na nauuso ang makakapal at kapansin-pansing mga kilay, kaya naman napakaraming produkto ng pampaganda sa kilay ang naglalabasan sa merkado. Gayunpaman, ang eyebrow gel pa rin ang pinakasikat. Hindi ito dapat mawala sa isang makeup bag. Tamang-tama ito para sa lahat ng kilay at ito'y mahalaga para makumpleto ang iyong makeup at pagkikilay. Alamin ang mga benepisyo nito at matutunan kung paano gamitin ito.

Eyebrow gel - ano ito?

Ang eyebrow gel ay isang produkto sa pagpapaganda ng kilay. Medyo hawig ito sa mascara, maliban sa spoolie nito dahil mas maliit at mas precise. Mayroon itong iba't ibang kulay ito at may clear din. Ang mga kulay ay hindi masyadong matingkad upang masiguro na magmumukhang natural ito. Isa itong mahusay na produktong pampaganda para sa manipis at maselang kilay, ganun din sa kapansin-pansin at makapal na kilay na kinakailangang ayusin at kortehan. 

Paano ilagay ang eyebrow gel?

1. I-brush ang iyong mga kilay gamit ang malinis na spoolie upang maalis ang labis na makeup at kortehan sila sa gusto mong hugis.

2. Ilagay ang eyebrow gel gamit ang spoolie, tulad ng mascara.

3. Simulan ang paglalagay mula sa dulo ng sulok ng mata, mula sa gilid ng ilong. Subukang i-trace ang mga natural na buhok ng kilay mula sa panloob na sulok hanggang sa panlabas na sulok upang matiyak ang tamang hugis at natural na epekto.

4. Kung magkaroon ka ng kaunting gel sa balat sa paligid ng mga kilay, punasan mo ito agad gamit ang cotton buds. Ang gel ay hindi katulad ng eyebrow pomade na mabilis matuyo, kaya madali itong matanggal sa balat.

5. Iwasang maglagay ng maraming layer ng gel sa iyong kilay. Hindi ito magmumukhang natural at magiging malagkit ang buhok sa kilay.

Kung nais mong magkaroon ng isang mas kapansin-pansing hitsura ng kilay, mas mainam na gumamit ng eyebrow pomade dahil ito ay creamy, makapal at matingkad ang kulay. Ang gel ay angkop para sa mga simpleng makeup o bilang final touch mo sa kilay na may makeup na.                   

Anong eyebrow gel ang pipiliin?

May iba't ibang uri ng produkto sa pagpapaganda ng kilay at ang kalidad nito ay maaaring mag-iba-iba. Upang matiyal na magiging maganda ang resulta ng iyong eyebrow gel, pumili ng kulay na natural tingnan na madaling ibagay sa iyong buhok sa kilay. Ang karaniwang pagkakamali ay ang paggamit ng brow gel sa warm tone, habang ang iyong kilay naman ay may cool tone. Kung gusto mong mas makita ang iyong kilay, pumili ng kulay na tugma sa iyong mata. Kung ang gusto mo lang naman ay ayusin ang buhok sa kilay, gumamit ng isang clear eyebrow gel. Bukod dito, siguruhing mahusay ang formula ng makeup at hindi naglalaman ng nakakapinsalang sangkap. Walang kabuluhan ang paggamit ng mga kosmetiko na magiging sanhi ng iritasyon at mga allergy. Ang isang mahusay na formula ay mayroong tamang texture, matagal ang epekto at isang ergonomic at precise na spoolie na mahalagang bahagi rin ng mahusay na eyebrow gel. Mahalaga rin ang magagandang reviews mula sa mga customers. Ang nanobrow lamination ay may magagandang reviews. Kilala ito sa buong mundo at hindi maaaring mawala sa mga sikat na makeup artist!

Eyebrow gel - paano ito gamitin?

Ang eyebrow gel ay maaaring gamitin araw-araw, pati na rin sa mga espesyal na okasyon. Mahirap simulan sa maraming kababaihan ang kanilang araw nang hindi sinusuklay ang kanilang buhok sa kilay gamit ang isang clear gel na sobrang dali lang ang paglalagay nito. Kapag nakahanap ka ng eyebrow gel na maganda ang kalidad na kayang pagandahin, ayusin at ikondisyon ang mga buhok sa iyong kilay, siguradong regular mo na itong gagamitin. 

Eyebrow gel - mga tips

  • Ilapat lamang ang gel kapag tapos ka na sa iyong makeup at nalagyan na ng powder ang iyong mukha - hindi mawawala ang kinang ng gel dahil hindi mo ito tatakpan ng iba pang kosmetiko.
  • Una, i-brush ang iyong mga kilay gamit ang isang malinis na spoolie upang kortehan sila ayon sa gusto mo at pagkatapos ay ilapat ang gel.
  • Tandaan na ang gel ay hindi mabilis matuyo tulad ng isang pomade, kaya madali mong magawa ang anumang kailangang baguhin.
  • Ang eyebrow gel ay epektibo: huwag maglagay nang sobra dahil maaari kang magkaroon ng sobrang epekto nito at gawing malagkit ang iyong mga buhok sa kilay.
  • Gamitin ito nang mag-isa upang i-brush at kortehan ang iyong mga kilay.
  • Ipatong ito sa brow powder, pomade o iba pang produktong pampaganda ng kilay upang mas pagandahin ito, mas gawing kitang-kita ang iyong mga kilay at mapanatili ang iyong makeup sa kilay.

Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado