
Ang bumababang kilay ay karaniwang senyales ng pagtanda ng balat na nawawala ang kanilang pagiging elastic at flexible sa paglipas ng panahon. Ang bumababang kilay ay kadalasang sumasabay sa paglubog ng talukap ng mata, na bumubuo ng kulubot na balat na hindi magandang tingnan. Mabuti na lang na may maraming paraan upang malunasan ang problemang ito. Alamin pa ang tungkol sa mga ito!
Ano ang nagiging sanhi ng pagbaba ng mga kilay?
Maraming tao na nasa hustong gulang ang nahihirapan sa problema ng pagbaba ng kanilang kilay na siyang dahilan kung bakit nawawala ang pagiging flexible at elastic nito pati na rin ang paghina ng mga muscles at collage fibres. Ito ang epekto ng pagtanda ng balat na kasamaang palad ay hindi maiiwasan. Sa kabilang banda, ang kilay na bumababa sa isang bahagi lang ng mukha ay maaaring sintomas ng mga problema sa facial nerves at muscles. Maraming kadahilanan kung bakit bumababa ang kilay.
Paglubog ng talukap ng mata - ptosis
Ang ptosis ay isang kondisyon kung saan ang itaas na talukap ay lumulubog. Maaaring ito ay dulot ng pinsala, pagkasira sa mga ugat na nagkokontrol sa muscles ng talukap, at nabanat o mahinang muscles. Hindi maaaring gamutin ang ptosis ng pharmacological therapy o rehabilitasyon, ngunit kaya itong tanggalin ng blepharoplasty. Mahalagang malaman na ang ptosis ay hindi lang nakakaapekto sa ating hitsura - maaaring maging sanhi ito ng pagkitid ng talukap ng mata at humantong sa pagtakip o pagharang sa pupil. Ito ay maaaring makaapekto sa paningin at sakop ng paningin. Ang mga taong may ptosis ay karaniwang nakakaramdam ng pagkapagod sa paningin, kahirapan sa talukap ng mata at pananakit ng ulo. Ang blepharoplasty ay maaring ibalik ang kaginhawaan at kaligtasan sa buhay.
Bumababang kilay at mga epekto nito sa ating histura
Alam mo ba na ang pagbaba ng kilay ay maaaring hindi lamang sanhi ng pag-aalala at pangamba kundi maaari rin itong makaapekto sa ating pisikal? Ang nabanggit na pagkapagod sa paningin at matinding kahirapan ay maaaring maging sanhi ng pagkairita. Ang hitsura ng ating kilay ay malaki ang epekto sa pangkalahatang hitsura ng mukha. Ang pagbaba ng kilay ay humahantong sa paglubog ng talukap ng mata na siyang dahilan ng kung bakit lumiit tingnan ang ating mga mata na may pangit na epekto sa ating mukha. Sa kasamaang palad, ang mga taong nagdurusa sa kilay na bumababa at lumulubog na talukap ay parang pagod at mas matanda tingnan. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang isaalang-alang ang eyebrow-lifting treatment dahil maaari nitong ibalik ang batang hitsura ng iyong mukha. Sa pang-araw-araw na buhay, maaaring makatulong ang makeup na siyang susunod na bahagi ng ating artikulo.
Paano alisin ang bumababang kilay?
1. Mga paraan na maaaring gawin sa bahay para sa bumababang kilay
Kaya bang lunasan sa bahay ang mga problema sa bumababang kilay? Maaari mong maagapan ito at palakasin ang mga muscle sa bahaging ito ng mukha. Madalas na hindi pinahahalagahan ng mga tao ang mga paraan upang maiwasan ito kahit na maaari pa nitong mapatibay ang balat gamit ang malakas na sangkap, na pumipigil sa pagtanda ng balat pati na rin ang nakalaylay na balat sa taas ng talukap ng mata. Ang pag-exercise sa mga muscle ng mukha ay malaki ang maitutulong - gawin ito sa loob ng ilang minuto araw-araw at magugulat ka sa mga resulta nito. Isaalang-alang din ang maingat na pagmasahe sa balat upang pagandahin ang sirkulasyon at palakasin ang collagen synthesis. Maaari mo itong gawin gamit ang iyong kamay, o isang espesyal na massager o gua sha stone. Palaging tandaan na ang radiation mula sa araw ay nakakaapekto sa balat at humahantong sa pagkulubot ng ating balat. Huwag masyadong magbilad sa init ng araw at siguruhing ingatan ang balat gamit ang sunscreen na may mataas na SPF.
Mahalaga!
Kapag mas maaga mong pinangalagaan ang balat sa paligid ng iyong mata at kilay, mas pinababagal mo ang pagtanda ng balat. Ang bumabagsak na talukap ay malamang hindi mangyari sa mga taong nagsisimulang gumamit ng tamang produkto sa tamang paraan, kasama ang banayad na masahe.
Lumulubog na talukap ng mata - mga exercise, face yoga
Ang mga muscle sa loob ng ating balat ang siyang nagiging dahilan kung bakit bumababa ang ating kilay, kaya mahalagang na i-exercise sila! Ang mahusay para dito ay ang face yoga at mga partikular na exercise upang mapahusay ang pagiging elastic ng ating balat at hugis ng ating mukha.
2. Aesthetic medicine treatments para sa mga bumababang kilay
-
Botulinum toxin
Ang botulinum toxin, na tinatawag na botox, ay pumipigil sa neuromuscular transmission na nagpapahina sa mga partikular na kalamnan sa mukha. Ito ay humahantong sa pagpapakinis ng mga wrinkles at paninikip ng balat. Nagagawa rin nitong itama ang mga nakalubog na talukap. Upang gawin iyon, itinuturok ng doktor ang botox sa bahagi ng noo at sentido. Mabilis lang ang prosesong ito, walang sakit at hindi kinakailangan ng operasyon. Isang linggo pagkatapos ng treatment, makikita mong ang kilay ay tumaas at ang epekto nito ay tumatagal ng hanggang 6 na buwan.
-
APTOS threads - scalpel-free lifting
Ang prosesong ito ay kinabibilangan ng pagpapasok ng mga threads sa mga malambot na tissues na magpapalakas ng produksyon ng collagen fibers, elastin, at hyaluronic acid. Ito ay natutunaw ngunit mananatiling naka-angat ang mga kilay. Ang mga resulta ay makikita agad pagkatapos ng proseso at maaaring magtagal mula 18 hanggang 24 na buwan.
-
Radiofrequency skin tightening, RF treatment
Ang radiofrequency skin tightening o RF treatment ay proseso kung saan ang mga electromagnetic waves ay pinapainit ang malalim na layer ng balat at pinabibilis nito ang regeneration habang pinagsasama-sama ang mga collagen fibers at pinatitibay ang pagbuo ng mga bagong fibers. Ang treatment na ito ay nagdudulot ng sinasadyang pinsala sa tissue upang pilitin ito na kusang mag-regenerate. Nakaangat na kilay at talukap ang magiging resula nito. Inirerekomenda na bumalik para sa mga appointment sa pangangalaga ng balat ng 3 hanggang 6 beses.
-
HIFU brow lifting
Ang HIFU (High Intensity Focused Ultrasound) ay isang treatment na hindi kailangan ng operasyon na nagpapalakas at nagpapalambot ng balat. Ito ay nagtatagal mula 15 hanggang 40 minuto. Ang HIFU ay gumagana sa pamamagitan ng pagtuturok ng ultrasound energy sa malalim na mga layer ng balat. Ang treatment na ito ay nagpapataas sa temperatura ng mga tisyu ng balat hanggang 65-75 Celsius degrees, na nagdudulot ng sinasadyang maliit na pinsala at pilit na nagpapakilos sa natural na proseso ng paggaling - collagen synthesis. Ito ay nagdudulot ng permanenteng pag-angat ng balat at pagkabawas ng mga kulubot at nakalaylay na bahagi nito. Ang balat ay patuloy na nag-regenerate at pinapalakas ang pagkabant nito - isang proseso lamang ang kailangan upang alisin ang mga kulubot at nakalubig na talukap ng mata.
-
Hyaluronic acid para sa mga nakalubog na talukap ng mata
Isa sa mga pinakakaraniwang treatment para sa nakalubig na talukap ng mata ay ang pagtuturok ng non-crosslinked hyaluronic acid sa ilalim ng balat. Ang kakapalan, pagiging elastic, at hydration levels ng balat ay malaki ang ipinagbago. Pinupunan ng hyaluronic acid ang mga lugar na kulang sa kahigpitan kung saan lumilipat ang mga subcutaneous tissue. Ang malaking benepisyo ng treatment na ito ay naaayon ito sa kemikal na istraktura ng balat ng tao at posible na ang mga epekto ay magtagal ng mahigit isang taon.
-
Bumababang mga kilay at blepharoplasty
Ang Blepharoplasty ay isang operasyon na ginagamit upang ayusin ang lumalaylay na balat. Ito ay kinabibilangan ng paggawa ng isang hiwa sa kulubot ng itaas na talukap ng mata. Ang sobrang nakalaylay na balat at taba ay inaalis, at pagkatapos ay isinasara ang hiwa gamit ang maninipis na tahi, na nagreresulta sa halos hindi mapapansin na peklat.
Makeup para sa mga talukap na may kulubot
Upang mabawasan ang kulubot sa talukap ng mata, mahalagang matutunan kung paano ito lagyan ng makeup para hindi ito makita. Ang ganitong uri ng makeup ay gagawing nakaangat tingnan ang talukap at mas palalakihin ang mga mata.
Ang mahalaga rito ay kung paano ginagamit ang mga light at dark na kulay: ilagay ang mas dark na kulay sa inner corner ng mata, at gamitin ang mas light na kulay sa gitna at inner corner. Maari mo rin gawing mas malaki ang iyong mga mata sa pamamagitan ng bahagyang paglalagay ng matte, beige na powder sa ilalim mismo ng iyong kilay. Huwag kalimutan na gawing mas malinaw ang mas mababang gilid ng iyong kilay. Maari mong gawin ito gamit ang isang pencil o brow pen, ngunit ang pinakamatagal na epekto ay maaaring makuha gamit ang isang malambot na pomade.
Ang mahahaba at makakapal na pilikmata ay ang magiging kakampi mo kapag sinusubukang itago ang mga nakalaylay na talukap habang inililihis nito ang atensyon mula sa mga talukap.
Makeup para sa nakalubog na talukap - bawat hakbang
Makeup para sa nakalubog na talukap - hakbang 1
Maglagay ng magandang kalidad na eyeshadow base o primer sa buong talukap at sa itaas nito. Maaari ka ring gumamit ng concealer.
Makeup para sa nakalubog na talukap - hakbang 2
Gumamit ng: 2-3 na kulay, isa sa mga ito ay medyo dark, isa pang medium, at ang pangatlo - ay napaka light. Ilagay ang pinaka dark na kulay sa inner corner ng mata at ang pangalawang kulay ay sa bahagi na nais mong palakihin tingnan. Pagkatapos, gamitin ang pinaka light na kulay sa ilalim ng iyong kilay at sa inner corner. Ito ay magdadagdag ng buhay at lalim sa iyong mga mata.
Makeup para sa nakalubog na talukap - hakbang 3
Ang makeup ay magiging mas maayos tingnan kung gagamit ka ng puti o beige na pencil at ilalapat ito sa waterline.
Makeup para sa nakalubog na talukap - hakbang 4
Maglagay ng mascara sa iyong pilikmata o gumamit ng pekeng mga pilikmata - tandaan na habang mas mahaba at mas makapal ang mga ito, mas ililihis nila ang atensyon mula sa mga talukap ng mata.
Tandaan ang hitsura ng iyong mga kilay
Mahalagang tandaan na ang kabuuang resulta ng iyong makeup ay hindi lamang nakasalalay sa makeup ng mata. Ang paraan kung paano tingnan ang iyong mga kilay ay mahalaga rin - dapat silang alagaan ng mabuti, ayusin, at kortehan nang tama. Ang pantay at malinis na hitsura ng mga kilay ay nagpapalaki ng mata kaysa sa kung ano ito sa totoong laki nito. Ang tamang hugis ay nagbibigay sayo ng pagkakataon na i-define ang kilay gamit ang highlighter. Tandaan na ang mga bagong tumutubong buhok sa kilay ay lalong napapansin kung ikaw ay may nakalubog na talukap ng mata dahil mas kapansin-pansin ang mga ito sa mukha at nagbibigay ng impresyon ng mabigat na mata.
Nakalubog na talukap ng mata - mga cream
Alam mo ba na maaari mong maiwasan ang paglubog ng iyong talukap sa pamamagitan ng tamang pangangalaga at produktong pampaganda? Simulan ang tamang paglalagay ng eye creams habang bata pa. Palaging tandaan na ang produktong gagamitin ay angkop sa iyong edad at dapat magbibigay sa iyo ng tamang hydration levels. Mabuting mayaman ito sa hyaluronic acid. Simulan ang paglalagay ng mga produktong ito sa inner corner, dahan-dahang i-masahe paikot ang balat. Ang tamang paglalagay ay maaaring samahan ng masahe - ang ganitong paraan at dapat na mahalagang bahagi ng iyong pang-araw-araw na pangangalaga ng iyong balat.