
Ang brow lamination ay isang kilalang treatment pagdating sa pag-aayos ng kilay. Maraming tao sa buong mundo ang nahuhumaling dito at hindi na kami nagugulat dito: ang brow lamination ang tumutulong upang ayusin ang mga magugulong buhok at panatilihing nakaayos sila sa loob ng ilang linggo. Gamit ang treatment na ito maaari mong makuha ang iyong inaasam na hugis ng kilay na mukhang natural at sumasabay sa mga pinakamaiinit na pinag-uusapan sa Instagram tulad ng #nomakeup, #browshaping o #browlift. Ano ang mga kasamang hakbang ng brow lamination? Paano ito gawin sa bahay? Matuto kung paano magkaroon ng plakadong kilay!
Ano ang brow lamination?
Ang brow lamination ay isa sa mga madalas piliin pagdating sa mga treatments na nagbibigay ng ninanais na hugis ng kilay. Depende ito sa iyong gusto, maaari mo silang itaas o i-brush lang at ayusin upang manatiling flawless. Ang kagandahan sa lamination ay pinalulusog nito ang mga buhok sa kilay at pinadadali ang pag-aayos sa iyong kilay. Gayunpaman, Kung hindi mo gusto na maglagay ng make-up, hindi mo na ito kailangan gawin dahil magmumukhang maganda ang kilay kahit walang itong make-up. Pinagaganda ito ng treatment kaya kahit suklayin mo lang ang mga buhok sa kilay ay sapat na. Pinapanatiling magandang tingnan ng brow lamination ang kilay sa loob ng ilang linggo - nang walang anumang makeup!
Sino ang maaaring gumamit ng brow lamination?
Ang brow lamination o brow lift ay inirerekumenda para sa lahat ng may magugulo, kakaunti o kalat-kalat na kilay. Madalas itong ginagamit ng mga tao pagkatapos nilang magpa-eyelash lift. Pinagaganda ng brow lamination ang hitsura ng mga maninipis o mga kilay na halos hindi na makita. Gustong-gusto ito at pinahahalagahan ng mga mahihilig sa makeup na natural tingnan at sa mga hindi gusto ang semi-permanent na make-up o kulay sa kilay. Magandang gamitin ang lamination kapag nasa ibang direksyon ang tubo ng iyong kilay at nahihirapan kang ayusin sila. Gamit ang treatment na ito, mas madali mo ito maayos ,mas malusog at makintab.
Matigas ba ang iyong kilay at hindi mo alam kung paano gawin ang ninanais mong hugis sa kanila? Dahil binabago ng lamination ang texture ng buhok, nagbibigay ito ng bagong hugis ng kilay at pinadadali ang pag-aayos nito. Sa madaling salita: kung hindi mo gusto ang hugis at hitsura ng iyong kilay, baguhin ang mga ito gamit ang lamination at panatilihing maganda ang mga iito nang maraming linggo.
Ang maganda pa rito, ay maaaring doblehin ng brow lamination ang kapal ng kilay, kaya naman madalas itong gamitin ng mga may maninipis at kakaunting buhok sa kilay.
Kaya mo bang gawin mag-isa ang brow lamination?
Bagama't madalas na inirerekumenda ng mga propesyonal sa pilikmata at kilay na pinakamainam na gawin ang treatment sa mga salon, gayunpaman, maihahalintulad mo ang brow lamination sa mga madadaling treatment tulad ng gel nails o brow tinting, na maaaring gawin sa bahay - ang kailangan mo lang ay isang de-kalidad na brow lamination kit. Sa tulong ng tamang sukat sa lalagayan at detalyadog tagubilin, magagawa mo ito nang walang kahirap-hirap. Hindi mahirap gawin ang brow lamination!
Mga hakbang upang gawin ang brow lamination
- Linisin ang paligid ng kilay at siguruhing hindi na ito oily.
- Ilagay ang glue na kasama sa iyong lamination kit.
- Gumamit ng brush at maglagay ng perming lotion sa kilay.
- I-brush ang mga kilay upang magawa ang nais na hugis.
- Hayaang nakababad lang ang lotion ayon sa nakasaad na oras sa packaging.
- Tanggalin ito gamit ang cotton pad.
- Ipahid na ang huling produkto, isang perm neutralizing agent.
- Patuloy na i-brush ang mga kilay upang mapanatili ang gustong hugis.
- Hayaang nakababad lang ang produkto ng ilang minuto.
- Tanggalin ito gamit ang isang basang cotton pad.
Tapos na! Binabati kita, nagawa mo nang maayos ang brow lamination!
Epekto ng brow lamination
Ang eyebrow lamination ay gumagawa ng perpektong-hugis ng kilay- ang hugis na matagal mo nang pinapangarap. Maraming benepisyo ang dala ng treatment na ito, at ang mga ito ay, pinagaganda ang ayos ng buhok sa kilay, pinalalambot ang magugulong buhok at dinadagdagan ng kintab. Ang mga kurba sa iyong kilay ay magiging makapal at mas dark tingnan. Magiging maganda lalo ang iyong mukha at mas kapansin-pansin ang iyong mga mata.
Gaano katagal ito gawin at gaano katagal ang epekto nito?
Ang treatment ay tumatagal ng hanggang dalawampung minuto - depende ito sa produktong gagamitin at sa kondisyon ng iyong kilay. Ang epekto ng lamination ay tatagal ng 4 hanggang 8 na linggo o mas matagal pa, depende sa sitwasyon ng iyong buhok at kung paano mo ito pangalaagan pagkatapos.
Pinag-uusapan na rin lang ang pangangalaga pagkatapos...
Pagkatapos gawin ang brow lamination, kailangan mong sundin ang ilang patakaran upang ma-enjoy mo ng matagal ang fleek brows. Sa loob ng bente-kwatro oras pagkatapos ng treatment, kalimutan mo muna ang tungkol sa sauna o paglalangoy dahil kailangan mong panatilihing tuyo ang iyong kilay: ang mga produkto sa lamination ay nangangailangan ng oras bago ma-absorb. Mabuting iwasan mo ang paghawak sa mga kilay, o paglalagay ng make-up sa unang araw bago natapos ang treatment. Hindi rin magtatagal at makakapaglangoy ka rin, makakapunta sa sauna at makapaglagay at mag-alis ng make-up. Upang tumagal ang epekto nito, suklayin ang iyong mga kilay araw-araw.
Paano ikondisyon ang mga kilay pagkatapos ng lamination?
Gumamit ng vegetable oil na may regenerative properties, halimbawa, argan, jojoba o castor oil. Mas magtatagal ang epekto ng treatment at ang iyong mga kilay ay mananatiling matibay at malusog.