
Paano magbunot ng mga buhok sa iyong mga kilay upang magmukhang sunod sa uso ngunit tumutugma din sa iyong hitsura at hugis ng iyong mukha? Paano ito gagawin at aling paraan ang dapat mong gamitin para matiyak na hindi ka magsisisi? Pinakamabuting pumili ng tweezer, thread, o di kaya'y wax para kortehan ang iyong kilay? Narito ang aming gabay sa paglalagay ng style at pagkokorte ng kilay!
Pagkokorte ng kilay - paano ito gawin nang tama?
Upang makortehan nang maayos ang iyong mga kilay, kailangan mong sundin ang ilang mga panuntunan upang matiyak na ang iyong mga kilay ay magmukhang malinis at maiiwasan mo ang anumang mga pagkakamali. Una sa lahat, tandaan na tanggalin lamang ang mga labis na buhok sa ibaba ng iyong kilay. Bunutin lamang ang paisa-isang buhok na tumutubo sa itaas ng iyong kilay. Gayunpaman, tandaan na huwag galawin ang iyong natural na hugis ng kilay. Ang sobrang pagbubunot sa itaas ng kilay ay maaaring maging hindi proporsyon, hindi maging pantay ang kilay, at hindi tumugma sa hugis ng iyong mukha. Sa kasamaang palad, ang mga pagkakamaling nagawa habang kinokortehan ang itaas na linya ng kilay ay mahirap nang ayusin.
Ang makapal na kilay ay magandang tingnan at mas nagiging bata ang ating hitsura, ngunit ang mga malalagong kilay o ang mga buhok sa pagitan ng iyong kilay ay hindi magandang tingnan, dahil nagmumukha kang palaging galit. Ang mga payat na kilay, na sobrang uso noong dekada 1990, ay hindi rin maganda sa iyong hitsura. Matagal nang nawala sa uso ang mga payat na kilay, dahil halos wala itong binabagayan. Ang mga natural na hugis at maayos na mga kilay sa ngayon, ay tumutugma sa hugis ng iyong mukha. Paano kortehan ng maayos ang iyong kilay? Ang pinakamahusay na paraan ay hayaan lang silang magmukhang natural at maganda ang korte. Pinakamainam na subukang panatilihin ang kanilang orihinal na hugis, maingat na i-define ang tamang outline nila.
Paano ibagay ang korte ng iyong kilay sa hugis ng iyong mukha?
Ang iyong mga kilay na tumutugma sa hugis ng iyong mukha ay sobrang mahalaga - sa gayon maaari silang maging tunay na flawless. Samakatuwid, huwag kang magpapadala sa patuloy na pagbabago ng mga uso sa kilay. Ang iyong mga kilay ay dapat bagay sa iyo, hindi sa pinakabagong mga uso. Paano magkaroon ng perpektong hugis ng kilay upang bumagay sa hugis ng iyong mukha at takpan ang anumang mga hindi kanais-nais tingnan?
Ang mga pinakamagandang style sa kilay na babagay sa hugis ng iyong mukha
- Oval-shaped na mukha - ang kilay ay dapat na malambot, na may maitim at malapad na kilay upang maging kaakit-akit tingnan.
- Square-shaped na mukha - ang mga kilay na may kaunting kurba ay tumutulong upang pantayin ang matitigas na anggulo ng square-shaped na mukha.
- Bilog na mukha - ang mga matutulis at naka-anggulo na kilay ay nagbibigay ng istraktura sa isang bilog na mukha, na mas nagiging mahaba itong tingnan.
- Triangular-shaped na mukha - piliin ang banayad at pabilog na mga kilay upang gawing maamo ang iyong mukha.
- Heart-shaped na mukha - gumamit ng katamtamang kapal ng kilay, na medyo nakakurba.
- Oblong na mukha - ang mas tuwid na mga kilay na may malambot na mga gilid ay tamang-tama dito; Ang masyadong matataas na mga kilay ay maaaring pahabain lalo ang mukha.
Paano magbunot ng buhok sa kilay: ikaw mismo o sa isang beautician?
Karaniwan, kaya mong bunutin mag-isa ang mga buhok mo sa kilay, ngunit dapat mong tandaan na hindi maiiwasan ang magkamali. Kung hindi mo maayos na nabunot ang iyong mga kilay, maaaring mabago mo ang proporsyon ng iyong mukha at magmukha na parang cartoon. Ang sobrang pagbubunot ng mga kilay ay isang tunay na bangungot, dahil ginagawa nitong palaging magulo ang iyong mukha. Kung nahihirapan kang makortehan ng maayos ang iyong mga kilay, gawin ito sa tulong ng isang propesyonal na beautician. Gagawin niyang proporsyon ang iyong kilay. Bukod pa dito, magiging mas madaling panatilihin ang tamang hugis ng kilay - kailangan mo lang bunutin ang paisa-isang at muling tumutubo na buhok sa kilay.
Pagbubunot ng buhok sa kilay - bumili ng magandang tweezer
Paano madaling magbunot ng kilay sa bahay? Una sa lahat, gumamait ng magandang tweezer! Hindi dapat basta na lang ang pagpili. Ang mga tip ay dapat na matulis at pantay ang mga dulo upang matiyak na mabubunot nila ang bawat buhok, kahit na ang pinakamaikling buhok. Ang magagandang tweezer ay may ergonomic na hugis, hindi masyadong malaki para mahawakan nang maayos . Ang matte coating ay mas magandang gamitin upang maiwasan ang mga pagdulas habang nagbubunot. Ang makapal na tweezer ay mahirap hawakan at ipambunot ng mga buhok sa kilay, kadalasang nakukurot nito ang balat, na maaaring magdulot ng matinding pangangati. Hawakan ang mga buhok sa pagitan ng mga tip at bunutin ang mga ito sa isang matatag at malakas na galaw. Kung hindi ka sigurado kung dapat mong tanggalin ang isang buhok o iwanan ito, pinakamahusay na hayaan na lang ito upang maiwasan ang problema ng kalat-kalat na kilay. Subukang gawing makinis ang mga kilay sa dulo - ang buntot ay dapat manipis at hugis spike.
Tweezers. Paano ang tamang pagbubunot ng buhok sa kilay?
Ang pagbunot ng kilay ay isa sa mga pinakakaraniwang pamamaraan na maaari mong gawin mag-isa. Paano magbunot ng kilay sa bahay para magmukhang malinis at nakahugis at tugma sa hugis ng iyong mukha? Mayroong isang paraan para matukoy ang tamang proporsyon ng mga kilay. Kakailanganin mo ang isang manipis at mahabang stick - ang isang pencil o makeup brush ay maaari din gamitin dito.
Ilagay ang stick sa gilid ng iyong ilong at hawakan ito sa isang anggulo patungo sa panloob na sulok ng iyong mata. Hindi ito dapat sa ibabaw ng lugar ng mata. Kung saan ang gilid ng stick ay tumama sa linya ng kilay - ito ang simula ng iyong kilay at dito ka mag-uumpisa. Sunod, hawakan ang stick sa gilid ng iyong ilong, diretso sa ibabaw ng mata, at sa punto kung saan ito tumama sa buto ng kilay ay ang kurba ng iyong kilay. Panghuli, ilagay ang stick sa gilid ng iyong ilong at ihanay ito sa panlabas na sulok ng iyong mata upang mahanap ang dulo ng iyong kilay.
Mga hakbang sa pagbubunot ng kilay
Paano bunutin ang iyong kilay upang maiwasan ang mga pagkakamali? Tingnan ang mga hakbang sa aming gabay sa paggamit ng tweezers.
1. Linisin ang balat - ang iyong mukha at bahagi ng iyong kilay ay dapat na malinis at hindi oily. Pinakamainam na bunutin ang iyong mga kilay pagkatapos maligo kapag ang balat ay mas malambot - ito ay hindi gaanong masakit. Tandaan: bunutin ang iyong mga kilay sa liwanag, mas mabuti sa tabi ng bintana at gumamit ng magnifying mirror.
2. I-brush ang iyong mga kilay gamit ang isang espesyal na suklay o, mas mabuti, isang malambot na spoolie. Suklayin ang mga buhok sa isang pataas na direksyon, patungo sa sentido.
3. Alamin ang simula, kurba ng kilay, at dulo ng iyong kilay at i-outline ang iyong kilay gamit ang isang nude pencil. Tutulungan ka nitong suriin kung ano ang magiging hitsura ng iyong mga kilay habang sinusunod ang proseso. Kung nakita mong masyadong makitid o masyadong makapal ang mga ito - kuskusin ang outline at ulitin ito hanggang sa makuha mo ang gusto mong hitsura.
4. Ngayon kuhanin ang tweezers. Bunutin ang mga buhok nang hindi malikot, na sumusunod sa direksyon ng kanilang pagtubo. Mapapawi mo ang sakit sa pamamagitan ng paglalagay ng ice cube sa balat nang diretso bago ang proseso. Tandaan na kunin lamang ang linya ng ibabang kilay. Maaari mo lamang alisin ang lampas na buhok mula sa itaas na linya.
5. Tandaang panatilihin ang pagkakapantay ng kilay. Pagdating sa pagbunot, mas kaunti ay mas maganda - kung ang isang buhok ay tumubo sa loob ng na-outline na hugis at nag-aalinlangan ka kung tatanggalin ito - pinakamaganda na hayaan na lang ito. Mas mainam na gumawa ng mga touch-up kasunod ng proseso kung kinakailangan, kaysa maharap ka sa problema ng mga kalat-kalat na kilay. Maaari mong bunutin ang mga buhok nang halilihan, isang beses mula sa isang kilay at isang beses mula sa isa pa - upang gawing maganda ang pagkakapantay ng mga ito.
6. Lumayo sa maliit na salamin at tingnan ang iyong sarili sa mas malaking salamin: ang iyong mga kilay ay dapat na nakikita sa layo ng isang braso na nakadipa. Huwag magmadali, panatilihin ang katamtaman, at tandaan na panatilihin ang tamang pagkakapantay upang matiyak ang maayos na pagbubunot.
Paano magbunot ng buhok sa kilay nang walang tweezers?
-
Threading
Alam mo ba na ang pagbubunot ng kilay gamit ang tweezer ay hindi lamang ang tanging paraan? Ang mga Asyano ay gumagamit ng simpleng sinulid na gawa sa cotton sa pagbubunot ng buhok sa loob ng maraming siglo. Ang pamamaraan na ito ay kilala bilang threading. Paano magbunot ng kilay gamit ang sinulid?
Kumuha ng isang sinulid na may habang 40 cm at tiklupin ito sa kalahati. Ibuhol ang mga dulo upang bumuo sila ng isang bilog, pagkatapos ipasok ang iyong mga daliri ng parehong kamay dito. I-twist ang sinulid para makabuo ng habi sa gitna. Hawakan ang sinulid sa magkabilang kamay, halili na ilipat ang habi nang isang beses sa isang gilid at isang beses sa isa pa. Sa ganitong paraan, ang mga buhok ay makakapasok sa pagitan ng mga sinulid, na hinahawakan at binunot kasama ang follicle ng buhok. Ang pag-thread ng kilay ay nangangailangan ng pagsasanay, ngunit kapag natutunan mo na ito, masasabi mo na ito ang pinakamabilis at pinaka-eksaktong paraan ng pagtanggal ng buhok sa kilay!
-
Waxing
Ang waxing ay isang madalas na gamiting paraan ng pagtanggal ng buhok sa kilay na inaalok ng halos bawat beauty salon.
Ito ay kilala dahil ito ang hindi ito gaanong masakit at napakabilis na paraan ng pagtanggal ng buhok. Ang mga muling tumutubo na buhok ay binubunot nang sabay-sabay, sa isang mabilis na galaw. Gayunpaman, ang pamamaraang ito ay hindi inirerekumenda na gawin sa bahay. Ito ay dahil nangangailangan ito ng tamang tamang kagamitan, paghahanda, at kaalaman sa paggawa nito. Ang eyebrow wax ay dapat mayroong tamang temperatura at texture upang mabunot ang buhok. Kapag walang kasanayan at karanasan, sa kasamaang-palad, madaling masusunog nito ang maselang balat sa paligid ng mga mata.
Pamumula pagkatapos ng pagbubunot ng Kilay. Paano ito maalis?
Matapos ang pagbubunot, maaaring lumitaw ang pamumula at kaunting pamamaga. Ang normal na sintomas na ito ay madaling mawala. Kung nais mong maibsan agad, i-cold compress ang iyong mga kilay: ibalot ang ilang ice cubes sa isang tisyu, o ilagay sa refrigerator ang isang jade face roller, pagkatapos marahang idiin ito sa balat. Kung patuloy ang pangangati, maglagay ng panthenol o allantoin ointment sa nangangating lugar.
Mga madalas na pagkakamali sa pagbubunot ng kilay
HINDI PAGKAKAPAREHO NG KILAY - masyadong makapal o masyadong manipis na kilay. Ito ay isang pangkaraniwang pagkakamali, na nagreresulta sa labis na pagbubunot ng mga buntot ng kilay na nakakagulo sa tamang proporsyon ng mukha.
SOBRANG MANIPIS NA KILAY - ito ay naging uso noong dekada 1990. Mabuti na lang, sa panahon ngayon, hindi na uso ang kilay na sobrang ahit, bagaman may mga kababaihan pa rin ang gumagawa sa ganitong style sa kilay. Nakakalungkot nga, hindi ito nagpapaganda ng iyong mukha , at ang pagtukoy sa kanila ng isang dark brow pencil ay lumilikha ng isang hitsura na parang cartoon.
UNIBROW - ang katotohanang pinauso ito ni Frida Kahlo ay hindi nangangahulugan na maaari din itong bumagay sa iyong hitsura. Ang unibrow ay hindi nagpapaganda ng iyong hitsura dahil nagmumukha kang galit at ginagawang mas matapang ang iyong mukha.
SOBRANG PAGBUBUNOT SA INNER BROW EDGE - ang sobrang pagbubunot ng espasyo sa pagitan ng mga kilay ay nagdudulot ng hindi pagkakapareho sa pagitan ng ilong, gilid ng mata at sa kurba ng iyong kilay. Ang pagkakamaling ito ay madalas na ginagawa sa panahon ng mga touch-up pagkatapos ng pagbubunot. Minsan, maaari kang sumobra at hindi sinasadyang magawa ang isang magulong hitsura.
Tulong, sobrang nabunot ko ang mga buhok sa aking kilay!
Nangyayari ito kahit sa mga bihasa na sa pagbubunot ng kilay. Minsan, dahil sa pagmamadali o pagkainip, nagbubunot tayo ng 2 o 3 buhok at lumilikha ng mga lugar na kakaunti ang buhok sa mga kilay, na nakakalungkot na hindi ito nagbibigay ng kagandahan sa atin. Ano ang gagawin? Paano mapapabilis ang paglago ng iyong mga kilay? Mayroong solusyon sa problemang ito - gumamit lamang ng magandang eyebrow serum tulad ng sa Nanobrow. Kapag regular mo itong ginamit, mapapabilis nito ang paglago muli ng mga buhok, dagdag pa rito, ito ay nagkokondisyon, nagpapalusog, at nagpapatibay sa kanila mula sa pinaka-ugat. Ang Nanobrow serum ay isang mabilis at mahusay na paraan para sa maganda at makakapal na kilay, na maaari mong kortehan ayon sa iyong gusto!
Gayunpaman, bago tumubo muli ang mga buhok sa iyong kilay, maaari mong takpan ang anumang hindi kanais-nais dito gamit ang makeup! Gumamit ng mga produktong pampaganda ng kilay tulad ng precision pen, pencil, o pomade na nagbibigay-daan sa iyong punan ang iyong mga kilay nang eksakto. Dahil dito, hindi mo na mapapansin kung kailan babalik at magiging malusog, maganda, at matibay ang iyong mga buhok sa kilay!