
Ang makapal, mukhang natural at medyo magulong mga kilay ay sumikat sa loob ng mahabang panahon. Kung ikaw ay biniyayaan ng natural at makapal na kilay, wala ka nang masyadong gagawin upang gumanda ito. Ang paggamit lamang ng ilang pampaganda upang mapaganda ang mga ito ay sapat na. Gayunpaman, ano ang dapat mong gawin kung ang iyong mga kilay ay nagiging magulo at mahirap ayusin? Maaaring hindi sapat ang pag-brush sa kanila gamit ang isang spoolie. Mahalagang mahanap ang mga tamang produkto para makagawa ng perpektong hugis at matiyak na nakaayos palagi ito. Magpatuloy sa pagbabasa upang malaman kung paano ayusin ang makapal na kilay!
Paano ayusin anag malagong kilay?
Marahil ay pangarap ng bawat babae ang makapal, buo at malagong kilay, gayunpaman ang lahat ng sobra ay masama - sobrang maninipis na kilay pati na rin ang makapal at magulong kilay ay hindi nagpapaganda sa atin. Paano kontrolin ang mga ito? Ang maayos na pagkorte ng kilay ay ang sikreto dito. Kung hindi mo alam kung paano ito gawin ng tama, ipagkatiwala ito sa isang brow expert na siyang gagawa ng brow mapping, pantay na mga kilay at pagbubunot sa mga labis na buhok. Ang pag-trim ay isang magandang remedyo rin para ayusin ang makakapal na kilay - tandaan na huwag i-trim ang buong kilay. Ang paraang ito ay maganda gawin sa ibabang bahagi ng kilay (ibabang linya). Kapag maayos ang pagkaka-trim ng kilay, hindi ito magmumukhang magulo o makalat. Maaari ikaw na ang gumawa ng pag-trim sa buhok ngunit inererekumenda namin na pumunta sa isang mahusay na brow stylist.
Ano ang kailangang gamitin sa malalagong kilay?
May ilang nag-iisip na ang makapal at malagong kilay ay hindi nangangailangan ng anumang pangangalaga - hindi ito totoo! Lahat ng uri ng buhok sa kilay ay kailangang alagaan araw-araw. Ang masamang panahon (tulad ng napakalamig na temperatura, UV radiation, at matinding sikat ng araw), stress, hindi pangangalaga sa kilay araw-araw, mga gamot o mababang kalidad ng kosmetiko - ang lahat ng ito ay maaaring papangitin ang iyong kilay at maging dahilan ng pagkalagas ng buhok, maging malamlam at mahirap ayusin. Ang vegetable oils ay maaaring makatulong, tulad ng castor oil na maaaring ipahid sa mga buhok ng kilay isang beses kada araw upang mapanatiling malusog. Gayundin ang eyebrow serum ay isang magaling na produkto - naglalaman ito ng katas ng mga halaman at ibang nutrients upang palusugin, patibayin at pagandahin ang ating mga kilay.
Paano ayusin at alagaan ang makapal na kilay?
Kahit na punan mo ang iyong mga kilay, maaari pa ring magmukhang makapal at magulo ang mga ito kung hindi ka gumagamit ng mga produkto na kayang panatilihin ang mga ito na nakaayos. Ang brow soap o clear brow gel ay lubos na kinikilala at ginagamit bilang pinakamabentang produkto para sa mga may makakapal at malalagong kilay.
Brow soap
Ang paggamit ng brow soap upang ayusin ang kilay ay isang kilalang beauty hack sa loob ng maraming taon. Noong unang panahon, ang tanging ginagamit ay ang glycerin soap. Kailangan itong ihalo sa tubig at madalas ay nagdudulot ng problema: hindi masyadong nakakatulong ang texture nito, mabilis itong tumigas bago mo pa makortehan ang iyong kilay... Ang mga modernong sabon ay may tamang texture kay madali natin makuhit ito at ipahid ito nang diretso sa kilay. Hindi agad ito naninigas kaya may oras pa tayo para kortehan ang ating kilay. Bukod pa rito, mas maganda ang nagiging resulta, dahil ang brow soap ay mayaman sa mga sangkap na sobrang nagpapakintab.
Brow gel
Ang brow gel ay isang mahusay na produkto upang kumpletuhin ang iyong make-up at gawing mas tumatagal ito. Mayroon itong clear at tinted na klase. Kung ang iyong kilay ay maganda ang korte at kailangan lang i-set o kung ikaw ay mahilig sa make-up na mukhang natural na walang make-up, subukang gumamit ng brow gel. Mahusay rin ito bilang finishing touch pagkatapos maglagay ng make-up - tumutulong ito upang mapanatiling nakaayos at malinis ang mga ito nang matagal. Kung gusto mong gawing matingkad ang kulay, gumamit ng tinted brow gel na katulad sa kulay ng iyong buhok sa kilay. Gamitin ito ng solo o bilang panghuling hakbang sa iyong pagkikilay.
Paano maglagay ng make-up sa makapal at malagong kilay?
1. Ang pagkokorte ng kilay ay ang pinakamahalaga - kung wala ito, kahit isang pro make-up at ang pinakamahusay na mga produkto ay mabibigo. Ang pagkorte at pagbubnot ay isang mahalagang bagay sa pangangalaga ng kilay kung mayroon kang makapal at malagong kilay. Magandang ipagawa ito sa isang propesyonal paminsan-minsan. Para sa pang-araw-araw na pangangalaga, maaari ikaw na mismo ang magbunot sa mga labis na buhok.
2. Kung mayroon kang kilay na mahirap ayusin na may posibilidad na lumukot at lumalabas, kailangan mo ng spoolie at ang nabanggit na sabon o mascara sa kilay upang kortehan ang mga ito at pagandahin ang kanilang kulay. Kung gagamitin mo ang sabon, maaari mong isunod ang paglalagay ng make-up, hal. powder o mascara.
3. Ang isang brow mascara ay mukhang isang ordinaryong mascara lang sa pilikmata, ngunit naglalaman ito ng mga espesyal na kulay para sa pagkukulay, pagpapalusog at pag-aayos ng mga kilay. Ang texture nito ay tumutulong upang lagyan ng style ang mga kurba nang hindi namumuo. Ang pinakamagagandang eyebrow mascaras ay pananatilihing maganda ang hitsura ng iyong kilay buong araw.
4. Ang mga eyebrow powder kit na may wax ay mahusay para sa makapal at malagong kilay. Maaari mong gamitin ang mga ito upang lumikha ng mga naka-istilong, natural na hitsura na mga kurba na sumikat sa Instagram. Una, kortehan ang mga kilay gamit ang wax. Sunod, pagandanhin ang mga ito gamit ang powders. Upang mas tumagal ang mga ito at mas magmukhang makapal, maglagay ng brow gel.
Mga produkto ng make-up para sa makakapal na kilay
Naghahanap ka ba ng pinakamahusay na produkto ng make-up upang ayusin ang iyong makapal at malagong kilay? Ang mga nabanggit na brow gel at mascara ay tamang-tama para sa pagkorte at paglalagay ng style. Sa ilang mga sitwasyon, kahit na ang makapal na kilay ay may ilang mga puwang - maaari mong itago ang mga ito gamit ang isang brow pencil o marker na lumilikha ng mga linya na parang buhok na ginagaya ang mga tunay na kilay. Ang brow powder ay napakahusay sa maninipis at malalagong kilay - ang pulbos na texture nito ay nagpapaganda ng kulay, nagtatago ng mga puwang at nagbibigay-daan sa iyong lumikha ng magandang ombre effect. Ang idinagdag na wax ang magpapapantiling nasa tamang ayos at hugis ang magugulong buhok.