
Pangkaraniwan ang pagkakaroon ng maling ginagawa sa pagkikilay. Madalas nating kalimutan ang tamang pangangalaga ng ating kilay kaya nagmumukha itong hindi natural. Gaya ng kadalasang nangyayari, matagal bago natin mapagtanto ang mga maling ginagawa natin. Kaya naman, hinihikayat namin ikaw na basahin ang tungkol sa pinaka madalas na maling ginagawa sa kilay - siguruhing hindi mo ito gagawom at matutunan kung paano maiwasan ang mga ito!
Masyadong mahaba o masyadong maikli ang kurba sa kilay
Ang mga kilay na magkapareho ang hugis ay may tamang haba din. Kapag sila ay sobrang mahaba o sobrang maikli, maaaring magdulot ito ng hindi pagkakatugma at hindi pagkakapantay ng mga bahagi ng mukha. Kaya hindi nagiging maganda ang hitsura ng mukha. Upang magkaroon ng tamang haba ng kilay, kailangan mo ng pencil, payat na make-up brush, o food stick - idampi ito mula sa gitna ng ilong patungo sa labas ng mata. Ipapakita sa iyo ng linya kung saan magtatapos ang iyong kilay.
Maling pag-trim
Ang pag-trim ng buhok sa kilay ay isang sikat na paraan ng pag-aayos ng kilay upang magawa ang korte ng kilay na gusto mo. Para mas magandang tingnan, i-trim lang ang simula ng kilay at i-brush sila pataas. Kapag ginawa mo ito, magkakaroon ka ng malinis at magagadang kilay. Nakakalungkot nga lamang, may ilang mga babae na nagti-trim ng buong kilay nila - madalas itong gawin sa mga may makakapal at mabuhok na kilay. Madalas, nauuwi sila sa buhok na manipis at pumapangit ang hitsura. Upang ayusin ang magulong mga kilay, mas mainam na gumamit ng tweezer.
Maling paggamit ng soap brows
Ang soap brows ay isa sa mga mainit na pinag-uusapan ngayon! Ang soap brows ay maganda at mukhang natural na pinapanatiling maayos ang hugis sa buong araw. Gayunpaman, dapat mong tandaan na pumili ng mataas na kalidad na soap brow na hindi lamang nagbibigay ng hugis sa mga buhok kundi nagdadagdag din ng kintab, nagpapalago, at nagpapatibay sa mga ito. Ang mga karaniwang sabon (halimbawa, glycerin soap) ay mabilis tumigas at kailangang maghintay bago magkilay, at maaaring tumigas at mahirapan sa paglalagay ng makeup. Para sa iyong pinakamagandang soap brows, gamitin ang mga specially-devised na sabon na mas madaling gamitin at nagbibigay-daan sa iyo na ayusin ang mga kurba ng kilay nang mas madali. Ang mga ready-to-use brow soaps ay napakahusay at hindi mo na kailangang lagyan ito ng tubig dahil may tamang texture na ito.
Mga kilay na sobrang binunot
Ang pagbubunot ng ilang labis na buhok sa kilay ay ayos lang pero minsan napapasobra tayo at marami na tayong nabubunot... Kaya nagkakaroon ng kulang-kulang na kilay na mukhang cartoon o halos hindi na sila makita. Kapag nagkokorte ka ng kilay, kailangang unahin mo munang i-oultine ito - gumamit ng nude pencil bilang halimbawa. Kapag nagkokorte tayo ng kilay dapat alam mo ang kalalabasan ng hitsura nito. Siguruhing bunutin lang ang mga buhok na lampas sa ginawa mong hugis.
Masyadong mabuhok na kilay
Ang sobrang pagbubunot at manipis na mga kilay ay hindi magandang tingnan, gayundin ang makakapal at mabubuhok na kilay. Ang pag-iwas sa paggamit ng tweezers ay hindi magbibigay sayo ng natural na ganda at kinang - hindi malinis tingnan ang mga labis na buhok at maaaring hindi ito bumagay sa iyong mukha. Tandaan na ang pagbubunot ng ilang buhok ay sapat na upang maging fresh at hindi magmukhang galit!
Mga kilay na hindi mukhang natural
Napakahalaga na gawing pareho ang iyong magkabilang kilay kapag kinokortehan mo ang mga ito at naglalagay ng makeup. Napakahalaga na panatilihing natural ang iyong mga kilay para maging maganda ang iyong mukha. Ang mga kilay na masyadong matulis o bilog, o may sobrang taas na kurba, ay maaaring magmukhang kakaiba at hindi magandang tingnan.
Kung talagang mataas ang kurba ng iyong mga kilay, magmumukha kang nagugulat sa lahat ng oras. Ang mga kilay na masyadong malapit ay maaaring magmukhang galit paningin ng mga tao. Kung gusto mong magmukhang maganda ang iyong mga kilay ngunit hindi mo alam kung paano gawin ang mga ito sa tamang hugis, maaari kang pumunta sa isang esthetician na siyang maghuhugis ng iyong kilay na babagay sa iyong mukha. Pagkatapos, kailangan mo lang bunutin ang mga labis na buhok anumang oras. Gumamit ng de-kalidad na tweezers upang magawa itong nang madali!
Gaps ng kilay
Ang kilay mo ba ay kakaunti ang buhok, manipis at kulang-kulang? May mga puwang ba sa mga kurba ng iyong kilay?
Maaari mo itong takpan gamit ang mga makeup sa kilay tulad ng (brow pencil, pomade, atbp.) pero maaari mo rin solusyunan ang problema at palaguin ang mga ito gamit ang de-kalidad na eyebrow growth serum - ang regular na paglalagay nito ay patutubuin muli ang mga buhok sa kilay at pakakapalin ang mga ito.
Hindi wastong brow lamination
Ang brow lamination ay madali at hindi mahirap kung gagamitin mo ang tamang set, mga detalyadong tagubilin, mga de-kalidad na produkto at malilinaw na label sa lalagyan. Maaaring hindi maganda ang kalabasan ng treatment kung iiwanan mo ito ng matagal o hindi mo susundin ang mga tagubilin sa pangangalaga pagkatapos gawin ito. Maraming ang nagkakamali sa pagbabad ng kanilang mga kilay o paglalagay ng make-up bago lumipas ang bente-kwatro oras. Sinisira nito ang epekto. Ang isa pang pagkakamali ay ang paggamit ng eyelash lamination kit para sa pag-laminate ng mga kilay. Tandaan: kapag ginagawa ang brow lamination, palaging sundin ang mga tagubilin ng manufacturer at pumili lamang ng mga de-kalidad na solutions gaya ng Nanobrow Lamination Kit. Pinadadali nito ang pag-laminate ng kilay.
Hindi wastong paggamit ng permanenteng make-up sa kilay
Ang permanenteng make-up sa kilay ay isang sikat na treatment sa mga beauty salons. Ang makabagong paraan na ito ay gumagawa ng mga linya na tulad sa hibla ng ating buhok, kaya naman parami ng parami ang gumagawa nito. Bukod pa rito, nakakatipid tayo ng oras at makakasiguro na palaging maganda ang hitsura nito anumang oras. Gayunpaman, bago ka sumailalim sa ganitong uri ng treatment, isiping mabuti ang lahat ng maaaring mangyari, at pumunta sa tamang salon na may mahusay na brow techncian. Maraming kontraindikasyon ang permanenteng make-up at kailangan mong sabihin sa technician ang lahat tungkol sa sakit, impeksyon sa balat, o kung ikaw ay buntis, atbp. Bukod dito, hindi mo kailangang tipirin ang microblading - huwag piliin ang mga murang serbisyo o mga hindi kilalang lugar na walang impormasyong tungkol sa (kanilang karanasan, diploma o mga reviews). Isa itong permanenteng treatment na tumatagal ng ilang mga taon. Ang padalus-dalos na desisyon ay maaaring magdala sa iyo sa ilang taon ng hindi pagiging masaya sa iyong kilay, lalo na sa ginastos mong pera.
Hindi maayos na pagtitina ng kilay
Ang paggamit ng henna powder sa kilay ay isa rin sa mga sikat na treatment pagdating sa paglalagay ng pansamantalang kilay. Maaari ko ba itong gawin mag-isa? Maari, kung may sapat kang kasanayan at alam mo kung anong mga kulay ang angkop para sa iyong mukha. Tandaan na ang isang may kasanayang esthetician ay alam kung paano paghaluin ang mga kulay upang makabuo ng magandang ombre effects - natural na pagpalit ng kulay mula sa pinakamaliwanag hanggang sa pinakamadilim na kulay. Huwag kalimutang piliin ang mga mataas na kalidad na mga produkto ng henna. Ang henna na may mga kemikal ay maaaring magdulot ng mga allergic reactions. Ang henna powder ay mayaman sa katas ng halaman at pinulbos na dahon ng Lawsonia.