
Natural ba ang kapal at hugis ng iyong mga kilay pero nagsisimula na silang maging manipis? May puwang ba sa mga ito? Hindi magandang tingnan ang ang hindi pantay na kilay, panigurado yan. Mabuti na lang at may mga paraan upang itago ang mga ito - alinman sa pamamagitan ng make-up o ilang invasive na pamamaraan. Magpatuloy sa pagbabasa upang malaman kung paano itago ang mga puwang sa kilay.
Hindi pantay na kilay - mga dahilan
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng puwang sa mga kilay - mas lumalala ito sa ilang kadahilanan. Ang karaniwang dahilan ay dulot ng stress, maling pangangalaga sa kilay o gamot. Sa mga matitinding sitwasyon, ang pagkawala ng kilay ay dulot ng mga sakit: diabetes, sakit sa thyroid at atay, discoid lupus erythematosus, sebaceous dermatitis, oriental sore, at iba pa. Ang mga puwang sa kilay ay maaaring dahilan din ng fungal infections o mga parasites hal. mites na kumakain sa mga selula ng patay na balat. Gayundin ang mga kondisyon ng buhok, kabilang ang mga kilay, na lumalala dahil sa kakulangan sa mga bitamina at iba pang mahahalagang elemento na nagpapalusog sa mga tissue at follicle ng buhok. Ano ang nagiging sanhi ng pagnipis ng kilay?
PAALALA!
Tandaan na natural ang pagkalagas ng buhok - ito ay isa sa bahagi ng life cycle ng buhok. Gayunpaman, kailangan na nating gumawa ng paraan kapag nagsisimula nang maging manipis ang kilay: pumunta sa doktor para magpa-checkup, patibayin ang mga buhok sa kilay at itago ang mga puwang sa kilay gamit ang make-up.
Paano punan ang mga lugar na kakaunti ang buhok sa kilay?
Mabuti na lang may mga madaling paraan upang itago at punan ang mga lugar na may kakaunting buhok. Ang kailangan mo lang ay isang de-kalidad na make-up. Siyempre, maaari ka ring gumamit ng mga advanced na paraan na mayroon sa mga brow salons. Magpatuloy sa pagbabasa upang malaman kung paano ayusin ang hindi pantay at maninipis na kilay.
Paano punan ang kilay nang madali?
Ang paglalagay ng make-up sa kilay ang pinakamadali at hindi masakit na paraan upang ayusin ang kakaunting buhok na kilay. Paano magkilay kapag may mga puwang? Narito ang gabay upang punan ang kilay nang madali.
HAKBANG#1 Ihanda ang iyong mga kilay, bunutin ang ilang buhok kung kinakailangan
Tingnan kung mayroon nang tamang hugis ang iyong kilay at kung kinakailangan ang pagbubunot. Linisin ang paligid ng iyong kilay, tuyuin ito, at suklayin ang mga buhok gamit ang spoolie para makita ang tamang direksyon ng buhok.
HAKBANG#2 Gumawa ng base bago maglagay ng make-up products
Kung napili mong gumamit ng mga brow powder, maglagay ng kaunting wax/primer na kasama ng set. Sa ganitong paraan, masisiguro mong kakapit ang powder sa kilay at magtatagal ito, mag-iiwan ito ng mas matingkad na kulay. Kung gagamit ka ng brow pencil o marker, ihanda ang iyong kilay sa pamamagitan ng paglalagay ng kaunting liquid concealer - padadaliin nito ang paglalagay ng make-up at hindi basta mabubura.
HAKBANG#3 I-define ang iyong mga kilay
Gumamit ng brow pen, pencil o pomade at bahagyang i-outline ang hugis ng kilay, gawin ang gustong hugis. Tandaan na dapat mas kitang-kita ang ibabang linya.
HAKBANG#4 Gumuhit ng mga hibla ng buhok
Ngayon, ay maaari ka ng magpatuloy sa paguuhit ng mga hibla na tulad ng buhok sa mga lugar na kakaunti ang buhok. Ang isang espesyal na brow marker ay ang perpektong tool para dito. Gumagawa ito ng epekto na ginagaya ang pamamaraan ng microblading. Ang Nanobrow Microblading Pen ay eksaktong gamitin at matapang ang kulay, kaya hindi ito basta nabubura. Mayroong matingkad na kulay ang kilay pero natural ang hitsura. Gamit ang pen, maaari mong gawing mas makapal tingnan ang kilay. Gumuhit ng mga linya kung saan may mga puwang at siguruhing nakaayon ito sa direksyon ng iyong buhok.
HAKBANG#5 Punan ang mga kilay
Oras na para lagyan ng make-up ang kilay - gumamit ng powder, pencil o pomade at punan ang mga kilay. Tandaan na gawing light ang simula ng kilay at dagdagan ng kulay sa dulo nito. Gamit ang dalawang kulay sa Nanobrow eyebrow powder kit, maaari kang gumawa ng magagandang ombre effects. Madali itong i-blend para sa unti-unting pagpapalit ng kulay mula sa pinaka light hanggang sa pinaka dark na kulay.
HAKBANG#6 Pag-blend sa mga gilid ng kilay
Upang mapanatili ang natural na hitsura ng iyong kilay, maaari kang gumawa ng ibang hakbang bukod sa pagb-blend ng mga kulay - i-brush ang iyong kilay upang mapagaan ng itaas na linya at maalis ang mga matulis na dulo na siyang dahilan kaya ka nagmumukhang galit. Kung may nakikitang linya sa pagitan ng mga kulay, kailangan mong i-blend ito at sigurihing may maayos na pagpapalit ng mga kulay.
HAKBANG#7 Siguruhing magtatagal ang magandang kilay
Panghuli, gumamit ng setting brow gel, clear o tinted. Ilapat ito sa kilay at patuloy na suklayin ito sa gusto mong direksyon. Ang gel ang magpapanatili sa mga ito na flawless sa loob ng maraming oras at gagawin itong mas makapal tingnan at mas buo.
Eyebrow extensions: ano ang mga ito?
Kung hindi mo gusto o ayaw mong punan ang iyong kilay araw-araw, maaari mong subukan ang isang hindi pangkaraniwang paraan na ginagamitan ng pekeng buhok ng kilay sa mga puwang sa kilay. Makakatulong ito sa mga taong natural na manipis ang kilay na gustong pakapalin ang kilay at itago ang mga puwang o peklat sa paligid ng kilay.
Ito ay isang simpleng pamamaraan: ang maliliit na pekeng buhok ay nakakabit sa iyong mga kilay at mananatiling hindi nahahawakan sa loob ng 2 hanggang 3 linggo. Pagkatapos nito, kinakailangan mong punan ulit. Habang nakakabit ang pekeng extensions kailangan mong iwasan ang mga produktong mayaman sa langis o paghawak sa mga kilay.
Pansamantalang pagtitina ng kilay: henna
Kung malaki ang mga puwang, maaari mong itago ang mga ito sa pamamagitan ng pagtitina ng kilay. Ginawa ang powder henna para dito dahil kinukulayan nito ang buhok at balat - mas nagmumukhang makapal ang kilay at hindi makikita ang mga puwang. Gamit ang henna masisiyahan tayo sa ating perpektong kilay sa loob ng maraming linggo,ngunit dapat mong malaman na ito ay madaling kumupas ito sa kilay kaysa sa buhok sa ulo kaya't kailangan mong gawin ito nang madalas.
Mga Permanenteng pagpipilian: brow tattoo
Ang paraang ito para sa hindi pantay na kilay ay nagbibigay ng matagal na epekto. Ang brow tattoo ay maaaring magtagal ng 3 taon o mas matagal pa. Ginagawang makapal tingnan nito ang kilay at makamit ang gustong hugis ng kilay. Ang permanenteng make-up ay kinabibilangan ng pag-tattoo ng mga linya na tulad sa hibla ng buhok at bahagyang kulay upang takpan ang mga puwang at mapanatili ang maayos na hugis ng kilay. May maraming mahilig at hindi sumasang-ayon sa brow tattoos. Ang paraang ito ay maraming kontraindikasyon, at magandang malaman ang lahat bago gawin ito dahil nagtatagal ng ilang taon ang epekto nito.
Walang duda, ang nakasanayang make-up ay ang pinakamadali at hindi masakit na paraan upang pakapalin ang kilay at upang hindi makita ang mga lugar na may kakaunting buhok. Ang kailangan mo lang ay kaunting oras, kaunting pag-aayos at de-kalidad na produkto ng make-up - abot-kamay mo na ang plakadong kilay!