
Ang isang magandang mukha ay kailangan ng perpektong kilay, period. Ang mahalagang bahagi ay dapat silang magtugma sa hugis ng iyong mukha. Sa ganitong paraan lamang maaari mong alagaan o kulayan ang iyong kilay at makamit ang ninanais na hitsura. Kaya naman napakahalaga ng brow mapping. Gusto mo bang malaman kung paano gawin ito nang tama? Madali mo bang gawin ito sa bahay? Maaari ba itong gawin sa bahay? Basahin ang aming gabay.
Ano ang brow mapping?
Nangangarap ka bang magkaroon ng magandang kilay na babagay sa iyong mukha? Sa tulong ng brow mapping, matutukoy mo ang tamang hugis at mahahalagang detalye sa iyong kilay: lapad at haba ng kilay, distansya sa pagitan ng mga kilay, lugar kung saan nagsisimula ito, kurba at dulo. Kapag ito'y nagawa ng maayos, gamit ang brow mapping ay maibabalik nito ang pagkakapantay-pantay ng kilay at magmumukhang bata ang iyong mukha at mas magiging kapansin-pansin ang mga mata. Ito ay sobrang precise na tinatawag itong 'brow architecture'. Kabilang dito ang pagguhit ng mga linya at paglalagay ng tanda sa mahahalagang posisyon - kapal, lapad at haba ng mga kilay.
TANDAAN!
Ang tamang paggawa ng eyebrow mapping ay ang pangunahing hakbang kung gusto mong punan, kulayan o bunutin ang mga buhok sa iyong kilay. Sulit ito. Kung sa tingin mo ay hindi mo ito kayang gawin, ipagkatiwala mo ang iyong kilay sa isang propesyonal. Mahusay na magagawa ito ng isang brow artist.
Paano gawin ang pinakamagandang hugis ng kilay para sa iyong mukha?
Ang paraang eyebrow mapping ay naglalayong gumawa ng pinakamagandang hugis ng kilay na babagay sa ating mukha.Maaaring makatulong ang magkasalungat na pamamaraan: kung ang mukha ay pahaba, gawin ang mas simpleng kurba sa kilay, at ganun rin sa kabaligtaran nito. Alamin kung anong hugis ng kilay ang bagay sayo.
Mga kilay vs Hugis ng mukha
- Mukha na hugis Oval - Maraming iba't ibang hugis ng kilay ang bagay dito. Ang mahalaga ay magmukhang natural ang mga kurba at hindi dapat matulis ang mga dulo.
- Mukha na hugis Bilog - upang gawing mas payat ang bilugang mukha, maaari kang gumawa ng hugis diamanteng kilay na may matulis na kurba (ang pinakamataas na bahagi ng kilay).
- Mukha na hugis Square - mas maganda ito sa malumanay, banayad na mga kurba na walang matulis na dulo upang hindi maging mataray ang hitsura ng mukha.
- Mukha na hugis Oblong - piliin ang makapal, tuwid na kilay na walang matulis na kurba. Gagawin nitong mas maliit tingnan ang mukha..
- Mukha na hugis Diamond - ang hugis ng kilay ay dapat gawing mas makitid ang malapad na noo kaya pumili ng soft-angled na mga kilay..
Mahahalagang bagay sa pag-aayos ng kilay - brow mapping
Paano mo malalaman ang tamang hugis ng kilay para sa iyo?
Ang pagguhit at pagmamarka ng tatlong linya ay ang pinakamadalas gamiting paraan. Magagawa mo ito gamit ang manipis na stick (tulad ng food skewer), dulo ng manipis na make-up brush o professional string para sa brow mapping. Ang tatlong linya ay naglalagay ng tanda ng tatlong mahalagang bahagi: simula, dulo at kurba ng mga kilay. Paano ito gawin nang tama?
#1 SIMULA NG MGA KILAY
Ilagay ang iyong gagamitin - halimbawa isang pencil - patayo mula sa dimple ng ilong. Ang linya ay dapat tumawid sa kilay - ito ang magpapakita sa iyo ng simula ng kilay kaya markahan ito gamit ang isang brow pencil. Tandaan: kung malapad ang ilong mo, dapat ilagay ang lapis sa paligid ng 2 mm ang layo mula sa sulok ng iyong mata sa loob, sa ganitong paraan magagawa mong gawing eksakto ito at hindi masyadong magiging malayo ang agwat ng iyong mga kilay at mata.
#2 KURBA NG MGA KILAY (PINAKAMATAAS NA BAHAGI)
Ngayon, ilagay ang pencil nang pahilis mula sa dimple ng iyong ilong patungo sa gitna ng iyong iris - ang lugar kung saan tumatawid ang lapis sa iyong kilay ay ang pinakamataas nitong bahagi. Ang kilay ay nagsisimula nang kumitid at bahagya itong bumababa upang bumuo ng tinatawag na buntot.
#3 DULO NG MGA KILAY
Maaari mong markahan ang bahaging ito sa pamamagitan ng paglalagay ng lapis mula sa dimple ng ilong hanggang sa labas na sulok ng mata. Ang linya ay dumadaan sa mga kilay upang matukoy kung saan ito magtatapos.
Eyebrow mapping: paraan ng paglalagay ng pahalang na linya
Ang paggamit ng diskarteng ito na may tatlong tuldok ay labis na nakakatulong sa pagtukoy ng hugis ng kilay, gayunpaman, ang mga pro brow artist ay nagpapatuloy pa. Upang tiyakin na pareho at magkapantay ang taas ng mga kilay, gumagawa sila ng karagdagang mga sukat at markahan ang mga pahalang na linya. Ito ay tumutulong na makamit ang perpektong kapal ng mga kilay at parehong taas ng mga kurba upang matiyak ang pagkakatugma at pagkakapantay nito.
1. Pagkatapos markahan ng tatlong tuldok na nagpapakita ng simula, kurba at dulo ng kilay, gumuhit ng linya na magdudugtong sa kilay.
2. Ngayon ay maaari kang gumamit ng ruler upang ilipat ang tatlong linya sa kabilang kilay - ang pahalang na linya sa pagitan ng mga kilay ay ang reference point.
3. Gumamit ng pre-linked string. Kung wala ka nito, gumamit ng sinulid at maglagay ng kaunting toothpaste o liquid concealer - kapag idiniin mo ito sa iyong balat, mag-iiwan ito ng marka. Higpitan ang sinulid at idiin ito sa ibabang linya ng kilay upang makagawa ito ng makikitang marka. Tatawid ito sa unang pahabang linya na ginawa mo kanina. Markahan ang bahaging ito.
4. Gawin ang parehong paraan sa pamamagitan ng pagdiin ng sinulid nang pahalang sa itaas na linya ng kilay at ng kurba (ang pinakamataas na bahagi). Sa pamamagitan nito, matutukoy mo ang tamang kapal ng iyong kilay, pati na rin ang tamang taas ng kurba at pagkakapantay ng mga kilay.
5. Panghuli, siguruhin na pantay at may parehong kapal ang kilay - maaari mo idiin ang sinulid o pencil sa ibaba at itaas na linya. Tandaan na 2/3 lang ng kilay ang kailangang may parehong kapal at ang buntot lang makitid.
Gawin ang eyebrow mapping sa bahay - kaya bang gawin ito?
Kung pantay naman ang iyong mukha, hindi ka magkakaroon ng problema sa paggawa ng brow mapping - ang lahat ng minarkahang bahagi at linya ang tutulong sa iyo na gawin ang pinakamagandang kurba sa kilay. Maaaring nakakalito ito kung ang mukha ay nagpapakita ng ilang hindi pagkakapantay-pantay, hal. napakalapad o matangos na ilong, malalayong pagitan ng mata. Sa ganitong kaso, kinakailangan mo itong ipagawa sa isang brow expert na may sapat na kaalaman at karanasan sa tamang pagsukat at pagtukoy sa perpektong hugis ng kilay sa iyong mukha.
Ano ang kailangang gamitin sa brow mapping? Mahahalagang pro tools para sa arkitektura ng kilay
Upang magkaroon ng plakado at pantay na kilay, gumamit ng mga specially-made measuring accesories. Padadaliin nito ang mga gawain at makakatulong upang makagawa ng pinakamagandang kurba sa kilay. Mahalaga ang inked string sa anumang brow salon. Ang light at dark na kulay ay gumagawa ng kapansin-pansing linya na kinakailangan sa brow mapping. Ang ganitong ink ay banayad lang sa balat at hindi magiging sanhi ng allergic reactions. Ang mga kulay nito ay nalulusaw sa tubig.
Ang brow mapping compass ruler ay isa rin sa madalas gamitin. Ang pangsukat na ito ay gawa sa plexiglass at may 4 na paa upang mapanatiling pantay habang inaalam ang mahahalagang bahagi sa kilay. Ang self-adhesive na sticker ay may parehong epekto. Ito ay disposable at may dalawang scale para sa bawat kilay. Ididikit mo ito sa linya sa pagitan ng kilay at markahan ang mga bahagi. Gayunpaman, ang brow caliper pa rin ang pinakamahusay na mapping tool na nagbibigay ng eksaktong sukat at madaling i-adjust para tumugma sa iyong mga kilay.