Gabay Mo Sa Paggamit ng Eyebrow Mascara

Eyebrow mascara - mga benepisyo

Ang eyebrow mascara ay isang mabilis at maaasahang paraan upang pagandahin at pakapalin ang iyong kilay. Gusto mo bang magmukhang buo at mas kapansin-pansin a ng iyong mga kilay? Subukan ang eyebrow mascara - ginagawang natural ang hitsura ng iyong kilay na bahagyang naka-highlight!

Eyebrow mascara - ano ito?

Ang eyebrow mascara ay may makintab at medyo pino na texture, na nagbibigay ng natural na kapal at kapansin-pansin na epekto. Bagay ito sa lahat, anuman ang uri ng kilay nila. Pinapanatili nitong nakaayos ang makakapal at malagong kilay at mas ginagawang kapansin-pansin ito  at pinagaganda nito ang mga kilay na maninipis at kakaunti ang buhok. Ang formula ng isang mahusay na eyebrow mascara ay dapat pangmatagalan at binibigyan ng magadang hitsura ang kilay nang hindi natatanggal o namumuo. Ang epekto ng eyebrow mascara ay siguradong magugustuhan ng mga mahihilig sa mga kurba ng kilay na natural ang hitsura.

Eyebrow mascara - ano ang pinagkaiba nito sa lash mascara?

Ang eyebrow mascara ay katulad ng regular na mascara - ngunit maliit na bersyon lamang. Ang wand nito ay magkatulad ngunit mas maliit nga lamang na may mas malilit na bristles. Makasisigurado ka na mahi-highlight ang iyong kilay at mapapansin kahit ang pinakamaliliit na buhok, nang hindi lumalampas sa kurba ng kilay. Ang eyebrow mascara ay may iba rin ang formula at texture kaysa ordinaryong mascara. Mas makintab ito at mas pino upang makagawa ng natural na hitsura, mas makapal at mas kapansin-pansin na kilay. Mas pinapagaan nitong tingnan ang kilay gumawa ng grotesque effect.

Anong eyebrow mascara ang dapat piliin?

I-define at i-set ang iyong mga kilay nang sabay! Ang Nanobrow Shape Mascara ay agad na binibigyang-diin ang hugis ng iyong mga kilay at inilalabas ang tunay nitong ganda. Dinadagdagan nito ang tingkad ng kulay sa iyong mga kilay, ginagawang mas makapal tingnan at inaayos ang magugulong buhok. Ang maliit at eksaktong brush ang tutulong sa iyo upang maging mabilis at madali ang iyong pagkikilay. Ang perpekto, magandang kulay ay nagpapahusay sa linaw ng iyong mga kilay at ang satin formula nito ang nagpapanatiling sa iyong mga kilay na nakaayos sa buong araw, nang walang pamumuo at pagkakalat. Mahusay na gumagana ang mascara na ito kasama ng ibang makeup tulad ng eyebrow pencil, powder at pomade.                                           

Paano maglagay ng brow mascara?

Piliin ang tamang kulay na babagay sa iyong kilay. Tandaan na mas mabuting piliin ang mas light na kulay na hindi sosobra sa hitsura ng iyong mukha. Gamit ang spoolie, dahan-dahang maglagay ng tamang dami ng produkto sa iyong kilay, i-brush ang mga buhok sa ayon sa pagtubo ng mga ito. Dapat medyo mabilis matuyo ang mascara. Kung napasobra ang iyong mascara at lumampas ito sa korte ng iyong kilay, tanggalin agad ito gamit ang isang malinis na spoolie.   

Mga tips sa makeup

  • Kung gusto mong magkaroon ng natural na ombre effect, gumamit ng mas light na kulay ng mascara sa simula ng iyong kilay (malapit sa ilong) at mas dark na kulay sa buntot ng kilay.
  • Kung gusto mong magkaroon ng plakadong kilay na may perpektong korte, gumamit ng eyebrow pen, pencil o pomade at linawan ang ibabang linya ng iyong kilay bago maglagay ng mascara.
Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado