Paano Magtina ng Kilay sa Bahay? Matuto Kung paano Maglagay ng Henna Dye

Tinta ng henna sa kilay - kontraindikasyon

Mayroon ka bang kulay-puti at halos hindi makikita na kilay? Subukan ang pagtitina ng kilay! Ito ay isang magandang paraan upang mapabuti ang iyong mga kilay at magdagdag ng kulay. Ang proseso ay aabutin lamang ng mga sampung minuto habang ang epekto nito ay maaaring magtagal hanggang sa apat na linggo! Ang mga tinta ng henna ay maaaring magpaitim ng mga buhok, na magdadagdag ng porma sa iyong mukha. Paano magtina ng kilay sa bahay? Madali mo lang magagawa ito sa pamamagitan ng pagsunod sa aming bawat hakbang na gabay!

Ano ang henna dye?

Ang Henna ay isang plant-based na tinta na ginagamit sa balat sa loob ng maraming taon. Ito ay nagmumula sa Lawsonia inermis, na kilala rin bilang puno ng henna. Ito ay pinakakilala sa India kung saan ito ginagamit sa mga pagdiriwang ng kasal, tulad ng mehendi. Ginagamit ang henna para gumuhit ng mga disenyo sa kamay ng isang babaeng ikakasal upang mang-akit ng kasaganaan at kaligayahan. Sa mga panahon ngayon, ang tinta ng henna ay ginagamit para sa pansamantalang pagtitina ng kilay, pilikmata, at balat.

Mga uri ng henna

Alam mo ba na may iba't-ibang uri ng henna at bawat isa ay may sarili nitong mga espesyal na katangian at panahong itinatagal? Magandang malaman ang mga ito upang makapili ng tamang uri.

  • Puting pulbos ng henna

Nakakalungkot isipin na ang puting pulbos na ito ay hindi galing sa mga dahon ng puno ng henna. Sa halip, ito ay mataas sa PPD (p-Phenylenediamine) - isang sintetikong kulay na maaaring magdulot ng mga allergy. Ito ay isinaaktibo ng isang oxidant na nagiging sanhi rin ng iritasyon: hydrogen peroxide. Ang pulbos ng henna ay maaaring maging sanhi ng pagkatuyo at pangangati ng balat. Hindi ito mananatili nang matagal: ito ay nabubura pagkatapos ng 3 hanggang 7 araw.

  • Organic na pulbos ng henna

Ito ay isang pulbos na kinatas mula sa dahon ng Lawsonia. Ito ay kilalang natural na pampakulay at pinahahalagahan, kaya't ang kanyang pinagmulan ay tiyak na isang malaking benepisyo. Ang ganitong uri ng henna ay hindi lamang mga kulay kundi pampakondisyon rin ng buhok dahil sa mayamang sangkap nito na may maraming benepisyo; kabilang dito ang mga flavonoid, tannin at polysaccharides. Pinalalakas nito ang mga hair bulbs at nagdaragdag ng kintab. Ang indigo na tinta ay nagbibigay kulay ng madilim at maitim sa buhok. Ang ganitong henna ay mas tumatagal: 14 na araw kapag sa balat, hanggang 6 na linggo sa buhok. Dahil kinukulayan nito ang balat, nagagawa nitong itago ang mga puwang sa kilay. Ang organic henna ay hinahalo sa tubig at hindi nangangailangan ng anumang dagdag na oxidant.

  • Henna gel

Ito ay may mas banayad na epekto: kumukulay ito sa buhok, hindi sa balat. Gamitin mo ito kung gusto mong pagandahin lamang ang kulay ng kilay nang hindi tinatakpan ang mga lugar na kakaunti ang buhok o gawing makapal tingnan ang buhok. Ito ay madaling gamitin at banayad, ngunit tumatagal ng hanggang 3 linggo lamang. May mga espesyal na henna gel para sa mga kilay - katulad ng mga tina ng buhok, naglalaman sila ng mga kemikal na kulay at nangangailangan ng paggamit ng isang oxidizing agent. Gayunpaman, maaring ito rin ay mayaman sa mga langis, bitamina at iba pang sangkap upang pagandahin ang buhok habang kinukulayan ito.

Puting henna, organic na henna, gel henna - ano ang pipiliin?

Ang mga tinta ng henna sa anyo ng pulbos at gel ay may mga benepisyo. Ang pagpili ay depende sa gusto mong mangyari, pati na rin ang mga sangkap sa napiling produkto, tagal ng procedure at ang kakalabasan - ano ang magiging hitsura ng kilay at gaano ito magtatagal. Maraming pagpipilian na kulay ang pulbos at gel na henna: meron itong kulay itim,brown,gold,kulay-abo at pula. Maaari mong paghaluin ang iba't ibang kulay. Ang Ombre effect sobrang sikat pagdating sa ayos ng kilay. Maaari mong makamit ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pulbos ng henna: ito ang magbibigay sayo ng pinakamagandang ombre sa iyong kilay.

Brow henna para sa mga blondes

Ano ang pinakamagandang kulay ng henna para sa mga blondes? Isa ito sa mga madalas itanong sa mga beauty salons at sa mga online fourm. Una, dapat mong malaman na ang mga blondes ay nangangailangan ng mga tinta na isa o dalawang beses na mas dark sa natural na kulay ng kanilang buhok. Mabuti na lang ay mayroong tama at mas light na kulay upang magkaroon ng sobrang gandang epekto. Ang ganitong kulay ay bagay sa mga morena. Meron din na pangtina na dark blonde na kayang kulayan ang buhok pati na rin ang balat. Kung naka-highlights at na-bleach ang iyong buhok pero ang totoong kulay ng buhok mo ay brown, kung gayon ay maaari mong gawing mas makapal ang iyong kilay at ibagay sa kulay ng iyong natural na buhok. Ang paggamit ng kulay na kagaya ng iyong natural na buhok ay ang pinakamagandang gawin. Ang charcoal gray henna ay maganda rin sa mga blondes at ito masydong ginagamit na kulay na bumabagy sa anumang kulay: tamang-tama ito upang gawin mas cool ang anumang kulay ng henna. 

Mga hakbang sa pagtitina ng kilay sa bahay

Mas maraming oras ang kailangan sa pagtitina ng kilay kaysa pagtitina ng pilikmata. Bago maglagay ng kulay, kinakailangan mo munang kortehan ang iyong kilay. Mahalaga rin na maglagay ng tamang dami ng mixture. Kaya naman, hindi mahirap gawin ang pagtitina sa bahay. Kailangan mo lang sundin ang ilang alituntunin.

  1. Markahan ang gustong hugis ng kilay. Maaari kang gumamit ng white eye pencil
  2. Huwag kalimutan na alisin ang lahat ng makeup sa kilay; kailangang malinis at tuyo ito. Panatilihing malinis ang balat at iwasang magmantsa - maaari kang magpahid ng kaunting rich face cream o petroleum jelly sa balat sa paligid ng kilay.
  3. Haluin ang henna dye na may kaunting tubig hanggang sa lumambot at maging paste. Huwag kalimutang basahin ang mga tagubilin sa packaging.
  4. Gumamit ng payat na angled brush sa pagtitina. Gawin ito ng mabagal at maingat, upang masigurong hindi lalampas sa korte ng kilay. Ang paglalagay ng henna dye ay para ka lang nagkikilay gamit ang brow pomade. Simulan sa buntot ng kilay - at i-outline ng pinakamakapal ang ibabang linya ng kilay. Kulayan ngayon ang gitna at maglagay ng kauting kulay sa simula ng kilay. Tandaan: kulayan ang mga buhok pati na rin ang balat sa ilalim nito.
  5. Hayaang nakababad ang henna dye ng hanggang 10 minuto. Tandaan na kapag mas matagal itong nakababad sa mga buhok sa kilay, ay mas malakas ang epekto nito - mas matindi ang kulay.
  6. Ilubog ang cotton pad sa maligamgam na tubig at alisin ang kulay.

PRO HACK!

Kapag tapos nang magtina ng buhok, malamang makikita mo ang mga ligaw na buhok na lampas sa kurba ng iyong kilay. Ito ang tamang oras para bunutin sila. Ang pagbunot sa mga ligaw na buhok ay mas magiging madali!

Maaari ka bang gumamit ng henna dye kapag ikaw ay nagbubuntis?

Ang pagbubuntis o pagpapasuso ay hindi isang kontraindikasyon, gayunpaman, ang pagbabago ng hormones ay maaaring makaapekto sa kalalabasan ng pagtitina ng kilay at sa itatagal nila. Gayundin, dapat alalahanin ng mga nagbubuntis kung meron silang skin allergy, at kung wala naman, maaari silang gumamit ng henna, mas mabuting gamitin ang mga organic na henna na galing sa mga halaman. Ang mga may kemikal ay masyadong matapang sa balat.

Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado