
Nangangailangan ng masinsinang paghahanda ang pagaayos ng kilay. Paano mo bibigyang hugis ang kilay upang mas lalo itong gumandang tingnan? Pamilyar ka ba sa mga pinakabagong uso sa pagkikilay? Tingnan ang mga pinakabago at nakakagulat na mga istilo! Alin sa mga istilong ito ang iyong pipiliin?
"Undone" brows
Nabibighani ang mga tao sa buong mundo sa mga natural na bagay gaya na lamang ng cosmetics o mga pangkulay sa buhok na walang halong kemikal. Makikita din ang usong ito kapag nakakabasa tayo ng mga paraan kung paano magkilay. Ang undone brows ay matagal na ding kilala at mas lalong dumadami ang mga taong nagkakagusto sa istilong ito. Paano makakamit ang ganitong itsura?Ang sagot ay simpleng-simple... huwag nang galawin ang iyong kilay hayaan lang ito. Huwag itong bunutin, huwag din itong gupitan, huwag itong kulayan o lagyan ng istilo. Upang mapalago at magkaroon ng makapal na kilay, maaring gumamit ng serum para sa kilay na mas lalong magpapatibay at magpapakapal dito sa loob lamang ng ilang linggo.
Skinny brows mula sa dekada 1990
Noong dekada 1990, karaniwang iba ang hitsura ng kilay ng mga babae kumpara sa ngayon. Mas gusto nila ang masyadong manipis, sobrang binubunot na kung tawagin ay skinny brows! Para mapansin ang mga kilay na ito, kinakailangang tingnan mo ito ng malapitan. Habang tumatagal, maraming babae ang patuloy sa pagbubunot ng mga buhok sa kanilang kilay na halos hindi mahahalata ang kurba ng kilay. Nakalulungkot isipin na hindi ito bumabagay sa lahat ng hitsura. Ang matindi pa dito ay hindi na ito tinutubuan ng buhok dahil sa maraming taon ng pagbubunot ng kilay. Ngayon ay mukhang bumabalik sa uso ang skinny brows ngunit sa modernong hitsura - ang maninipis na kurba ay bagay sa hugis ng mukha at magagawa ito gamit ang brow soap o gel.
Hiwa sa kilay
Isang kakaiba at nakakalokang kilay na nauuso para lang sa mga malalakas ang loob: ang isang bahagi ng kilay ay ahit na nag-iiwan ng hiwa dito. Talagang mapangahas ang istilong ito at hindi na ito bago- ito ay sikat noong dekada 1980 at 1990, at pinauso ito nina Big Daddy Kane, Kris Kross at Vanilla Ice, at marami pang iba. Ngayon ay hindi mo lang ito makikita sa mga sikat sa hip-hop o tagahanga. Nauuso sa Instagram ang pagkakaroon ng hiwa sa kilay at maging ang mga brow artist ay sinusuporthan ang istilong ito. Tulad ni Rihanna, isa sa mga kilalang personalidad ay nagustuhan din ang istilong ito. Ngayon, hindi mo na kailangan ang isang pang-ahit o razor upang magkaroon ng hiwa sa kilay - maaari kaming gumamit ng full coverage na make-up.
Straight brows
Ang nauusong kilay na ito ay medyo mapangahas din: hinuhubog mo upang maging flat at tuwid ang mga kilay. Upang gawin ang ganitong hitsura kakailanganin mong bunutin ang ilang buhok sa buntot ng kilay. Maaring magmukhang maganda ang mga tuwid na kilay at hindi mo kailangang bunutin agad ang mga buhok para makita kung ito ay bagay sa iyong mukha - maaari mong subukan ang ito sa pamamagitan ng pagtakip sa buntot ng kilay gamit ang make-up, at ito ang concealer. Kung gusto mo ang naging resulta, maaari mong gamitin ang tweezer at gumawa ng mga tuwid na kilay. Ang kailangan mo lang ay isang tool: maayos na tweezer na may patagilid na dulo.
Feathery brows
Ang Feathery brows ay kilalang-kilala din at magugustuhan mo ito kung ikaw ay may makapal at mabuhok na mga kilay. Madali mo lang magagawa ang hitsura ng kilay na ito sa bahay. Kailangan mo lamang na bahagyang gupitin ang mga buhok gamit ang isang espesyal na brow trimmer na may mahabang talim. I-brush ang mga kilay pataas at gupitin ang mga mahahaba at nakalampas na buhok. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng malinis at makapal na mga kurba sa kilay. Kung gusto mong magtagal ang iyong feathery brows - subukan ang isang lamination kit na pinapanatiling nakaayos ang mga buhok sa loob ng maraming linggo.
Geolift brows
Ang Geolift ay isa sa mga bagong istilo na katulad ng mga feathered brows. Dito, ang simula at kurba ng mga kilay ay mas makakapal at malambot ngunit ang buntot ay bahagyang manipis, mas kitang-kita, at matulis. Magkakaroon tayo ng buo at magandang pag-angat na mga kilay sa istilong ito. Dahil dito, magiging maaliwalas ang ating mukha at mas malaking tingnan ang ating mga mata.
Hindi pangkaraniwang hugis ng kilay
Ang mga make-up artist at eksperto sa pag-aayos ng kilay ay patuloy na gumagawa ng mga kakaiba at nakakagulat na mga ideya. Hindi sila natatakot mag-eksperimento at maglabas ng mga bagong konsepto. Kasama sa mga istilo ng kilay na nagiging sikat sa social media at catwalks ay kinabibilangan ng fish tail brows na ang hitsura ay parang totoong buntot ng isda habang sumisikat din sa Instagram ang wavy brows.