
Patuloy na nagbabago ang mga hitsura ng kilay pati na rin ang mga nauusong make-up. Ang ilan sa mga ito ay medyo kakaiba. Kung gusto mong manatiling updated sa mga pinakabagong uso sa pagpapaganda, magpatuloy lang sa pagbabasa - tingnan ang pinakamainit na nauusong make-up sa kilay. Nakakuha ka ba ng inspirasyon?
Kilay na makapal tingnan
Ito ang hinahangad na hitsura sa loob maraming panahon. Gustung-gusto ng mga babae ang mga kilay na makapal tingnan. Hindi na kami nagulat - ang gayong ayos ng kilay ay magandang tingnan na mas lalong pinagaganda ang hitsura ng iyong mukha at mas bumabatang tingnan. Upang makamit ang ganitong hitsura kinakailangan mong gumamit ng brow pomade - maaari kang gumawa ng iba't ibang hitsura sa iyong kilay. Maaari mo ring guhitan ang ilang nawawalang buhok. Maaari mo itong bahagyang ipahid o lumikha ng isang shading effect upang magmukhang natural ang mga kilay. Ang brow pomade ay pangmatagalan at napakadaling gamitin, kaya maaari natin itong gamitin kahit na sa pinakamanipis at kulang-kulang na buhok sa kilay.
Dipped brows
Ang tag-araw ay tungkol sa pagsasaya at pagpunta sa mga concerts. Ang makulay na hitsura ay isang pagpapahayag ng kalayaan at kagalakan - maaari nating ito makamit sa pamamagitan ng makulay na damit pati na rin sa make-up. Alam mo ba ang isa sa mga pinakasikat na uso sa mga kaganapan sa tag-araw - dipped brows? Ang daring di ba! Ang dipped, o may kulay na mga kilay - kung ginawa nang maayos - ay magiging kaakit-akit tingnan. Maaaring hindi ito magandang tingan habang nasa trabaho ngunit para sa isang pagdiriwang o karnabal - bakit hindi?! Upang magkaroon ng ganitong kilay, maaari kang gumamit ng isang kulay (perfect brow cream) o iba't ibang kulay para sa madaling pagbabago ng kulay. Uso rin ang paglalagay ng kulay sa buntot ng kilay. Mas mainam na ipahid ito gamit ang isang manipis na angled brush. Anong kulay ang pipiliin? Pumili ng mga kulay na akma sa iyong balat at damit. Marami kang puwedeng subukan. Hayaang lumipad ang imahinasyon! Huwag kalimutang maglagay ng clear setting gel - makasisiguro ka na mananatiling maganda ang iyong mga kilay sa buong summer party!
Disco brows
Huwag na tayong lumayo sa kulay at kinang! Ang dipped brows ay hindi lamang ang nauusong kilay kapag may pagdiriwang. Ganun din ang disco brows. Makikita mo sa mga night club ang mga babae na may glitters sa kilay sa buong mundo! Madali mong makakamit ang ganitong kilay: maglagay ng kaunting clear gel sa kilay at budburan ito ng glitter o glittery brow powder - kulay gold o silver - bago matuyo ang gel. Mayroon ding mga espesyal na glitter gel na ipapahid mo lang sa kilay at tapos na ang make-up! Hinahayaan ka ng disco brows na paglaruan ang make-up at hindi kailangang maging seryoso.
Make-up faking microblading
Ang pag-aayos ng kilay gamit ang microblading ay isa sa mga usong paraan hanggang ngayon. Ito ay isang alternatibo sa masakit na semi-permanent na make-up na may kasamang paghiwa sa balat at paglalagay ng tinta upang gayahin ang ating sariling kilay. Ipinakita sa amin ng mga make-up artist na maaari nating makamit ito pero madaling burahin kalaunan. Posible ito kung mayroon kang sobrang-nipis na brow pen - ang precision tip nito ay puno ng kulay. Maaari mo itong gamitin upang punan ang mga kilay at takpan ang mga lugar na walang buhok. Ang mga buhok na iyong iginuhit ay magmumukhang iyong mga sariling kilay. Ang isang magandang brow pen ay pangmatagalan, maganda ang kulay at eksaktong gamitin. Maaari mo itong gawin nang madali. Gamit nito maaari mong i-outline ang iyong kilay at i-highlight ang ibabang linya.
Ombre brows
Isa ito sa pinakasikat at pinakamagandang hitsura ng kilay! Hinahayaan ka nitong gawing eksakto ang hugis ng iyong kilay, na ginagawang mukhang natural ito dahil sa paghahalo ng mga kulay. Ang unahang bahagi ng kilay ay mas light ang kulay at unti-unti itong nagiging mas dark at mas tumitingkad habang papalapit sa buntot ng kilay. Madali kang makakagawa ng ombre brow gamit ang mga pomade sa dalawang kulay o espesyal na brow powder at wax. Hindi ito mahirap gawin. Huwag kalimutan na gumamit lamang ng mga de-kalidad na produkto dahil ang formula at ang kulay ay ang susi sa tagumpay.
Wavy brows
Uso na talaga sa internet ang mga kakaibang hitsura! Ang wavy brows ay talagang usong-uso sa isang wild party o karnabal - mukhang hindi ito magandang tingnan. Paano gawin ito? Una, kailangan mong takpan ang mga kilay gamit ang concealer. Sunod, gumamit ng brow pomade o pen upang iguhit ang mga buhok sa kilay na lumilikha ng paalon na linya. Subukang gumuhit ng manipis at maliliit na buhok para gayahin ang sarili mong kilay. Upang manatili ang histura nito sa buong party, i-set ito gamit ang isang clear o may kulay na brow gel.
Fluffy brows
Ang makapal at fluffy na kilay ay sobrang sikat ngayon. Ginagamit ang brow soap o gel para panatilihin ang ganitong itsura nang matagal. Sikat din ang fluffy eyebrows sa Instagram. Iminumungkahi ng mga makeup artist na gawing fluffy ang buong kilay - huwag kang matakot mag-experimento! Mas maganda kung mas makapal at medyo magulo ang mga buhok sa kilay. Makakamit mo ang pinakamagandang resulta kung hindi ka muna magbubunot ng buhok sa kilay. Subukan din suklayin ang mga ito papunta sa iba't ibang direksyon para magkaroon ng mas makapal at mas fluffy na itsura.
Backcombing
Ang fluffy na kilay ang nagbigay inspirasyon sa tinatawag natin ngayon na backcombed eyebrows, at mabilis na sumikat ang ganitong kilay. Upang gawing mas makapal ang iyong mga kilay, suklayin mo ang mga buhok sa kasalungat na direksyon ng kanilang pagtubo. Kailangan mo lamang ng isang magandang brow brush at styling soap. Makabubuting magkaroon din ng brow gel para mapanatili itong nasa ayos. Kung gusto mo, maari kang magdagdag ng konting kulay gamit ang brow powder, halimbawa. Ang iyong mga kilay ay magmumukhang mas buo at may ilang dimensyon. Upang makumpleto ang itsura, maari mong punan ang iyong mga kilay gamit ang brow pen o i-define ang ibaba ng mga ito. Kapag ikukumpara mo ang mga backcombed brows sa fluffy brows, mas mataas, mas makapal, at maari pa itong maging mas makulay ang backcombed brows, samantalang ang fluffy brows ay may mas maamo at natural ang hitsura.
Kilay na walang make-up
Ang istilong ito ay salungat sa pagkakaroon ng makapal at buong kilay. Uso rin na pagaanin lang ang kilay para hindi ito kapansin-pansin. Ang nauusong "no brows" ngayon ay ginagawang mas kapansin-pansin ang mga mata at pilikmata. Gayunpaman, kailangan dito ng lakas ng loob upang piliin ang pagkakaroon ng permanenteng kilay na manipis. Ang mga makeup artist ay gumawa ng mas ligtas na pagpipilian - ang paggamit ng makeup sa halip na gumamit ng bleach. Dapat kang maglagay ng nude concealer sa kilay at suklayin ang mga ito. Minsan, maaaring kailanganin mong magdagdag pa ng higit sa isang layer. Depende ito sa kulay at kapal ng iyong kilay.
Tuwid na Kilay
Naging uso sa TikTok ang mga tuwid na kilay, at mabilis itong sumikat. Nagkakaroon tayo kilay na makapal tingnan kaya nagiging mas maliit ang ating mukha. Ang kumbinasyon ng make-up at paglalagay ng style ay kinakailangan upang makamit ang ganitong kilay. Maaaring kailanganin mong tanggalin ang ilang buhok upang maalis ang natural na hugis at maaaring guhitan ang ilang buhok upang makagawa ng isang tuwid na linya. Maaaring gamitin ang mga make-up tool tulad ng brow pomade, pencil, o pen para dito. Sinasabi ng mga makeup artist na ang makeup technique na ito ay maaaring magmukhang naka-angat ang iyong mukha.