
Ang Eyebrow pencil ay isang paraan upang magkaroon ng pangmatagalan at eksaktong makeup sa kilay. Hindi lamang nito ginagawang kapansin-pansin ang hugis ng iyong kilay at pinupunan ng kulay kundi maaari nitong punan ang mga lugar na kakaunti ang buhok at gumawa ng mga linya ng buhok na mukhang totoo. Ipapaliwanag namin kung paano gamitin at kung anong eyebrow pencil ay nababagay sa iyong kilay.
Eyebrow pencil - sino ang maaaring gumamit nito?
Hindi lahat ay puwedeng magkaroon ng makapal at malalapad na kilay na nagbibigay ng magandang frame sa mata. Kung manipis at maselan ang mga buhok mo sa kilay at mga kurba nito ay kakauti ang buhok, maaari mong pakapalin itong tingnan gamit ang tamang makeup. Ang eyebrow pencil ay mahalaga sa pagkikilay. Ito ay nakakatulong upang makabuo ng perpektong hugis ng kilay ng mabilis. Sa ngayon, malaki ang ipinagbago ng eyebrow pencil. Ang nakasanayang pencil ay kailangang tasahan at ang tip ay hindi masyadong manipis. Sa bagong anyo nito, ang tip ay retractable, na nababalutan ng plastic casing at mas payat at mas eksaktong gamitin. Ang dulo ng tip ay hugis tatsulok upang makagawa ka ng iba't ibang kapal ng linya - Sa kasamaang palad, ang hugis tatsulok na tip ay mabilis mapudpod, na nababawasan ang pagiging eksakto nito. Ang uri at hugis ng tip ay kailangang tugma sa iyong kilay at kailangan. Ang manipis at kakaunting buhok sa kilay ay kailangan ng manipis na tip upang magaya ang bawat hibla ng buhok sa kilay.
Paano gamitin ang eyebrow pencil - perpektong gabay na may 4 na hakbang
1. Siguruhing matulis ang tasa ng pencil. Ang isang retractable pencil na may maliit na payat na tip o matulis na dulo ang pinakamagandang gamitin. Makakagawa ka ng eksaktong linya at mga buhok kung kinakailangan.
2. Simulan ito sa pagguhit ng linya sa dulo ng iyong ibabang kilay. Ito ang batayan ng plakadong kilay.
3. Kung natukoy mo na ang hugis, magpatuloy upang kulayan ang iyong kilay. Gumuhit ng maikling linya upang eksaktong mapunan ang buong kilay upang magmukha itong natural.
4. Tandaan na ang itaas na gilid ng iyong kilay ay dapat medyo i-blend para magmukhang natural. Ang huling hakbang sa pagkikilay ay dahan-dahang i-brush ang buhok gamit ang spoolie. Mag-focus sa gilid sa loob kung saan natural na talagang manipis ang buhok. Maaari mong bigyang-diin ng kaunti ang dulo.
Anong eyebrow pencil ang dapat piliin?
Kung gusto mo ng isang tunay na magandang eyebrow pencil na napakalambot at eksakto, may natural na kulay pa, at hindi mo na kailangang tasahan, piliin ang Nanobrow Eyebrow Pencil. Ito ay sobrang matibay, propesyonal, at madaling gamitin na eyebrow pencil. Ang espesyal na tip ay makakatulong sa pag-ayos ng iyong mga kilay at pagpapabalik sa kanilang tamang anyo.