
Ang kilay na may perpektong hugis ay nagdadagdag ng kaayusan sa iyong mukha. Ito ang dahilan kung bakit gusto natin na pagandahin ang hugis nito. Maraming paraan upang i-trim ang kilay. Isa sa pinakasikat na paraan upang i-trim ang mga ito ay ang paggamit ng eyebrow razor, electric o manual. Pamilyar ka ba sa tool na ito? Ipapaliwang namin dito kung ano ang brow razor, paano gamitin ito, at kung maaaring pamalit ito sa tweezers.
Ano ang pag-trim ng kilay?
Ang ibig sabihin ng pag-trim ay pagsasaayos ng haba ng mga hindi kanais-nais na buhok sa kilay. Ito ay naiiba sa pag-tweeze dahil hindi nito inaalis ang buhok - ang follicle ay hindi nagagalaw sa ilalim ng balat. Dahan-dahang pinuputol ng trimmer ang mga ito nang walang masakit na pakiramdam tulad sa pagbubunot. Ang eyebrow trimmer ay idinisenyo para sa babae at lalaki at maaari din gamitin upang alisin ang mga buhok sa mukha (balbas at bigote) at ayusin ang patilya.
Ano ang eyebrow timmer?
Ang pag-trim sa kilay ay kadalasang ginagamitan ng brow razor. Ito ay madaling gamitin na brow styling tool upang makuha ang gustong hugis ng kilay. Ang isang trimmer ay maliit at manipis na razor na may hawakan at isang blade. Tutulungan ka nitong mabilis na maahit at ma-trim ang buhok sa maliliit na bahagi ng balat.
Paano gumagana ang eyebrow trimmer?
Ang trimmer ay isang mahusay na paraan upang mabilis at madali mong maayos ang buhok sa mukha (hindi lang kilay). Tinutulungan ka ng trimmer upang maalis ang mga buhok na lumalampas sa korte ng kilay, i-trim lamang ang napiling bahagi (kadalasang i-trim ang gilid ng kilay at ang lugar sa pagitan ng kilay), at mas pagandahin ang kanilang hugis.
Eyebrow razor o tweezers - alin sa dalawa ang dapat piliin?
Dapat mong tandaan na kahit na ang isang eyebrow razor ay napakadaling gamitin at praktikal, hindi nito mapapalitan ang mga tweezer. Ang tool ay nagpapatunay na kapaki-pakinabang para sa mga maliliit na touch-up sa hugis ng kilay o upang linawan ang kanilang mga linya. Nagbibigay-daan din ito sa iyo na pantayin ang haba ng iyong mga buhok sa kilay at mabilis na alisin ang mga makukulit na buhok na patuloy na lumalampas. Gayunpaman, mahusay na gumagana ang device na ito at ang epekto ay tumatagal ng hanggang 3 araw, habang nagsisimulang tumubo ang mga na-trim na buhok at nagsisimulang makita. Samakatuwid, para maging mas matagal ang epekto, mas mabuting bumili ng isang magandang tweezer upang bunutin ang mga lampas na buhok na tumutubo sa hugis ng kilay - tiyak na hindi mo pagsisisihan ito!
Tandaan!
Mayroon ding mga limitasyon ang mga eyebrow trimmers. Mas mabuting gamitin ito sa maselang pag-aayos ng kilay at hindi para lumikha ng bagong hugis ng kilay. Ang labis na paggamit nito sa ganitong sitwasyon ay maaaring magdulot ng problema. Mas mainam na gamitin ito kapag kailangan lang ng kaunting pag-aayos sa kilay.
Anong gagamitin na pang-trim sa kilay? Trimmer, gunting o brow epilator?
Marami ang pagpipilian pagdating sa mga gamit sa pag-trim ng kilay. Kung ang iyong kilay ay masyadong makapal, mahaba o mahirap ayusin, maaari mo itong maayos at lagyan ng style gamit ang gunting o ang pinaka madalas at madaling gamitin na tool - maraming uri at modelo ang eyebrow razor. Upang maalis ang mga makukulit na buhok, maraming tao na ang gumamit ng laser epilator, merong espesyal sa dulo nito para sa pagtanggal ng buhok sa mukha.
1. Eyebrow epilator - sulit nga ba ito?
Gumagana ito kung gusto mong tanggalin ang bawat buhok at makukulit na buhok sa kilay, pero hindi ito masyadong magandang gamitin pang-trim at pang-style ng kilay. Ang maliit na takip ay nagpapadali sa proseso at dinidirekta ang laser beam sa nais na lugar. pindutin lang ito sa balat at tapos na. Ang paggamit ng laser epilator sa kilay ay may kaunting kirot dahil sinisira nito ang buhok kasama ang ugat - ang follicle. Dapat mo itong tandaan at gamitin ang tool nang may pag-iingat.
2. Gunting sa kilay - sulit nga bang gamitin ito?
Ito ay medyo maliit, madaling gamitin at may maliit na talim, kaya naman madali itong ikut-ikutin sa paligid ng kilay. Ang gunting sa kilay ay may kurbadang dulo upang madaling hawakan ito pahalang sa balat at i-trim kahit ang pinakamaliliit na buhok sa paligid ng kilay. Madalas na may kasama itong maliit na suklay upang gamiting pangsuklay sa kilay habang ginugupit ang mga ito. Hinahakawan din ng suklay ang buhok upang maiwasan ang paggalaw habang ginagawa ito. Sobrang dali lang ang mag-trim ng kilay - i-trim lang ang dulo at siguruhing pantay ang pagkakagupit dito. Gayunpaman, ang pag-trim gamit ang gunting ay hindi madalas gamitin -hindi ito eksaktong gamitin tulad ng razor at baka mahirapan gamitin ito sa malalagong kilay. Kung wala kang practice at kasanayan, maaaring masaktan mo ang sarili mo at masira ang hugis ng iyong kilay.
3. Eyebrow razor - paano ito gamitin at ano ang kalalabasan nito?
Paano gamitin ang eyebrow trimmer? Sobrang dali lang! Dahan-dahang idiin ang blade sa balat at marahang igalaw ito sa kasalungat na direksyon ng tubo ng buhok. Kung hindi mo alam kung paano gawin ang tamang hugis ng kilay habang nagti-trim ng kilay, maaari kang gumamit ng espesyal na dulo upang matukoy ang hugis ng kilay na babagay sa iyong mukha. Maaari mo rin subukan ang brow mapping gamit ang stick o thread.
Kung gusto mo lang i-trim ang bahagi ng iyong kilay na malapit sa mata, bahagyang itaas ang mga buhok at i-trim sila upang hindi lumampas sa taas ng kilay ng 1.5-2mm: suklayin lang ang kilay at -trim ang buhok na lalampas sa linya. Ang na-trim na kilay ay mas mukhang natural at mas madaling lagyan ito ng style. Pagkatapos mag-trim, magandang pahiran ang kilay ng ilang natural oil upamg lumambot ang mga buhok,
Pagtrim ng kilay - karagdagang impormasyon
- Ang mga na-trim na buhok sa kilay ay tumutubong muli na may parehong kapal sa kahabaan nito. Para sa ilan, hindi nila gusto ito, ngunit marami rin ang mga sumusuporta sa naturang resulta. Para sa mga may kakaunting buhok at manipis na kilay, ang mga buhok na may parehong kapal sa buong kilay ay ginagawang makapal, kapansin-pansin at mas maayos ang hitsura ng kilay.
- Suklayin ang iyong mga kilay hindi hihigit sa 3 beses kada linggo, upang hindi masira ang kanilang hugis at pagkakapantay. Pinoprotektahan din ito mula sa pag-trim ng maikli sa kanila.
- Huwag kalimutan na panatilihin ang pagkakapantay-pantay ng iyong kilay - i-trim ang mga ito nang magkapareho ang hitsura.
- Hindi kailangan i-trim ang lahat ng iyong kilay - minsan ay kailangan mo lang i-trim ang pinakamahaba.
- Kinakailangan na maliwanag ang lugar kung saan ka mag-trim ng kilay. Sinisiguro nito na maaari mong i-trim ang buhok sa gusto mong haba nito.
- Tandaan na panatilihin ang kalinisan habang gumagamit ng razor. Kung gagamit ka ng electric trimmer, mahalaga na madalas mong palitan ang blade nito. Ang manual trimmer ay parang disposable razor: dapat itong palitan pagkatapos ng ilang paggamit.
- Pagkatapos mag-trim ng buhok, mainam na i-brush sila gamit ang spoolie hanggang sa masanay sila sa kanilang bagong hugis.
Mga uri ng - Eyebrow trimmer
-
Manual eyebrow trimmer
Ang isang eyebrow trimmer ay kahawig ng isang maliit na disposable razor, ngunit may iba't ibang hugis. Ang komportableng hawakan nito at magandang hugis ng blade ang tutulong sa iyo na ahitin ang lahat ng mga labis na buhok sa kilay, kahit ang pinakamaliliit. Ang kagandahan sa manual eyebrow trimmer ay mura lang ito, na parang ordinaryong disposable razor. Gayunpaman, dapat mong tandaan na kailangan nitong palitan palagi, para sa kalinisan, at dahil mabilis pumurol ang blade nito.
-
Electric eyebrow trimmer
Isang alternatibo sa disposable eyebrow trimmers. Sobrang sikat ito at eksaktong gamitin: ang blade nito ay hindi lumalapat sa balat, kaya naman ligtas itong gamitin. Ang electric trimmers ay maraming gamit: meron itong iba't ibang dulo na maaaring pagpalit-palitin, na maaari tayong mag-trim hindi lang ng kilay pati na rin sa ating mukha sa paligid ng tainga, bigote, patilya at kahit ang buhok sa ilong. Marami sa mga ito ang tinutulungan tayo na i-trim sa gusto nating haba ang mga buhok. Ang electric trimmer ay maaaring paganahin gamit ang mga battery o i-charge. Magandang pagkakataon ito upang makapaghugis tayo ng kilay ng eksakto.
Na-trim na mga kilay - paano panatilihin ang hitsura nito?
Maganda ang hitsura ng kilay kapag na-trim gamit ang razor, pero maaaring mabilis na mawala ang hugis nito, na siyang sumisira sa gusto mong hitsura. Kung gusto mong magmukhang maganda ang iyong na-brush at na-trim na mga kilay nang matagal, kailangan mong subukan ang brow lamination! Madali lang ang prosesong ito at maaaring gawin sa bahay. Maaari rin itong gawin ng sinumang mahusay na beautician, Masisiguro ng lamination treatment na mananatiling perpekto ang hugis ng iyong kilay nang hindi isa o dalawang araw lang, kundi maraming linggo.
Gaano kadalas dapat i-trim ang aking kilay?
Ang buong proseso ng pag-trim sa kilay ay hindi nagtatagal: inaabot lang ito ng 5 hanggang 15 minuto. Ang iyong kilay ay lalagong muli sa loob ng 3 linggo, kaya madalas mong uulitin ang prosesong ito. Marami ang nagsasabi na ang kilay ay dapat i-trim kada 2-3 mga araw, dahil mabilis silang tumubo at nakikita na muli.
Paano bumili ng magandang eyebrow trimmer?
Upang makabili ng magandang trimmer, mahalaga na tingnan mabuti ang disenyo nito, partikular sa hugis at halaga ng modelo nito, kung ilan ang dulo nito, at kung ang power supply ay (mga battery o de-kuryente), at ang kalidad ng materyales na ginamit ng manufacturer. Ang trimmer na may stainless steel blades ay ang pinakamaganda. Ang hawakan ay maaaring gawa sa magandang kalidad ng plastic - ito ang magpapagaan sa trimmer kaya naman magiging komportableng gamitin ito.