
Gusto mong magkaroon ng magandang makeup sa kilay pero hindi ka sigurado sa iyong kasanayan sa makeup? Simulan ito gamit ang mga produktong madaling gamitin at subukan ang mga brow powders! Ito ang pinakamadaling paraan ng pag-aayos ng kilay na maaari mong matutunan sa isang maghapo lang! Pumili ng isang magandang kalidad na kit ng brow powder na may wax at simulan mo na - tingnan ang aming tutorial at makita kung gaano kadali ito!
Mga brow powders - perkpektong unang makeup kit sa kilay
Ang mga brow powders ay magaganda para sa sinumang bagong gumagamit ng makeup sa kilay. Tandaan na pumili ng matte powders, na may magandang pigmentation, mas maganda kung may dalawang iba't-ibang kulay. Ang kit ay dapat maglaman ng dalawang magkaugnay na kulay at clear wax, na nagbibigay-daan sa iyo na lumikha ng iba't-ibang histura gamit ang makeup at tiyaking matatagal ito. Ang dalawang magkaugnay na kulay ay nagbibigay ng maganda at natural na hitsura.
Bakit brow powders ang dapat piliin para sa iyong makeup sa kilay?
Ang brow powder ay ang perkpektong solusyon para sa banayad at hindi sobrang makeup sa kilay. Magkakaroon ka ng perpektong hugis ang iyong kilay kapag gumamit ka ng brow powder sa iyong pagkikilay, habang unti-unting binibigyang-diin at depinisyon ang mag ito. Madali nating maaayos ang ang mga hindi kanais-nais sa kilay dahil sa texture ng mga powder. Makakasiguro tayo na kapag gumamit ng powders sa makeup sa kilay ay mananatiling pantay at naka-highlight ang ating histura. Ang pinakamahalaga ay ang pagpili ng pinakamagandang brow makeup kit. Mayroon dapat itong mga kulay na natural tingnan at pangmatagalang epekto. Dapat may built-in wax o highlighter na may malambot na formula at satin powders na may magandang kulay. Nasa Nanobrow Powder Kit ang lahat nang ito. Isa itong mahusay na palette para sa pag-aayos ng kilay, inirerekumenda para sa propesyonal at paggamit sa bahay.
Brow powders at wax - bakit dapat gamitin ang mga ito nang magkasama?
Kasama ang eyebrow wax sa mga kit ng makeup sa kilay para sa isang magandang dahilan: ito ay nakakatulong kapag nais mong magtagal ang iyong makeup o kung ang iyong mga kilay ay mahirap kontrolin at ayusin. Kaya't maganda ang ideya na gamitin ang wax para ayusin ang mga ito bago maglagay ng powders. Ang wax ay nakakatulong sa pagkontrol sa mga ito at ginagawang mas madali ang pag-ayos habang nagbibigay ng matinding kapit, kaya't maganda ang hitsura nila nang matagal. Bukod dito, ang wax ay nagbibigay kondisyon at proteksiyon sa iyong mga kilay, kaya't lumalabas itong mas makapal at buo. At higit sa lahat, ang wax ay nagbibigay ng matibay na base para sa mga powders, kaya't mas tumatagal ito at nagbibigay ng natural na resulta. Kung hindi ka gagamit ng wax bilang base, hindi mo mapupunan ang lahat ng puwang sa kilay at mga lugar na may kakaunting buhok, dahil ang powder ay hindi kumakapit sa balat at hindi magtatagal ang epekto nito.
Eyebrow powders na may kasamang highlighter - ang perpektong brow makeup kit
May mga powders na sobrang ganda ang pigmentation at madaling ipahid na hindi na kailangan gumamit ng wax. Mahusay itong kumakapit sa balat at buhok ng kilay, matingkad ang kulay at naghahatid ng ginhawa habang nagme-makeup. Ang magandang palette ay may kasamang highlighter sa halip na wax. Dapat itong ilapat sa ibaba lamang ng buto ng kilay, sa ibaba ng linya ng ibabang kilay. Ang trick na ito ay maganda na nagha-highlight sa buong kilay at nagmumukhang tumaas ang kilay, at tinitiyak ang isang presko at batang hitsura. Tinutukoy ng mga makeup artist ang ganitong paraan bilang brow lift nang walang operasyon.
Brow makeup tutorial gamit ang powder at wax - gabay sa bawat hakbang
1. I-brush maigi ang iyong kilay gamit ang tuyong spoolie. Gawin ito sa direksyon ng pagtubo nito.
2. Kung may kasamang wax ang iyong kit, kumuha ng kaunting wax gamit ang brush at ilagay ito sa iyong mga kilay gamit ang maikling paggalaw, kortehan sila ayon sa gusto mong hugis. Kung gusto mong maging mas kapansin-pansin ito, magdagdag ng isa pang layer ng wax.
3. Gumamit ng brow pencil, pen o pomade at dahan-dahang i-outline ang iyong kilay, mas linawan ang ibaba at itaas na linya ng kilay. Tandaan na panatilihin ang tamang proporsyon at pagkakapantay ng kilay upang bumagay sa iyong mukha.
TIP
Kung gumagamit ka lang ng brow powder kit sa iyong pagkikilay, maaari mong i-outline ang iyong kilay gamit ang powder mixed na may wax - ang malambot na texture ng wax powder ay sapat na upang makagawa ng malilinaw na guhit sa balat. Upang gawin ito kailangan mo ng isang maliit, flat na slanted brush - mahusay ito sa paggawa ng mga guhit na parang buhok.
4. Oras na para punan ang kulay. Punan ang buntot ng kilay gamit ang powder na may mas dark na kulay. Iwasan na makaabot sa iyong pisngi ang powder at sa anumang parte na labas sa na-outline mong linya.
5. Dahan-dahang i-glide ang powder papunta sa gitna ng iyong kilay - subukang maglagay ng kaunti dark powder sa lugar na ito.
6. Ngayon ay gumamit ng mas light na kulay ng shadow at ilapat ito sa gitnang bahagi ng iyong kilay. Ituloy ito patungo sa labas papunta sa labas na gilid ng kilay. Ang bahaging ito ay dapat medyo naka-highlight. Ang banayad na kulay ay magbibigay ng natural at propesyonal na hitsura!
7. Ang huling hakbang ay upang i-set ang iyong mga kilay gamit ang transparent o tinted brow gel. Ang trick na ito ay magbibigay-diin sa mga buhok, ayusin ang mga ito, at panatilihin silang nasa ayos sa buong araw. Tandaan na panatilihing banayad lang - nais mong maiwasan ang pagkalat ng mga powders. Maaari mong dagdagan ang kalinawan ng iyong mga kilay gamit ang kaunting highlighter: ilagay ito at maingat na i-blend ito sa ilalim ng buto ng kilay. 'Yan na! Ang iyong magandang at perpektong makeup sa kilay gamit ang powders ay handa na!
Maaari mo bang ipinta ang iyong kilay gamit ang anino ng mata?
Maraming tao ang nagtatanong tungkol dito dahil karaniwang kasama sa bawat makeup palette ang brown eyeshadow. Ang mga eyeshadow ba ay angkop para sa makeup sa kilay? Sa pangkalahatan, hindi talaga - karaniwan silang may bahagyang ibang formula at madalas ay naglalaman ng shimmering particles o nagmumula sa mga kulay na hindi tugma sa natural na kulay ng kilay. Kaya't sa karamihan ng mga kaso, mas mahusay ang brow powders, dahil tinatakpan nito ng pantay ang kilay at naghahatid ng isang natural na hitsura.