
Ang nakataas na kilay ang gusto nating hitsura kapag nagme-makeup tayo - mas nagmumukha tayong bata at mas pantay at balanse ang ating mukha. Nagmumukha tayong pagod kapag nakababa ang ating kilay. Ang matinding ekspresyon ng mukha, pagtanda at stress araw-araw ang nagiging dahilan kung bakit bumababa ang ating mga kilay. Maaaring maging solusyon ang eyebrow lifting - ano ito at paano ito gawin?
Eyebrow lifting - ano ito?
Ang eyebrow lifting ay isang kosmetikong pamamaraan upang itaas ang mga kilay at ito'y isinasagawa sa mga klinikang pangkosmetika. Maaaring gawin ito na may operasyon o maaaring walang operasyon. Mabuti na lang at kayang gawin ng treatment na ito na mabawasan ang senyales ng pagtanda, pagandahin ang pagkakatugma ng mukha at alisin ang nakalaylay na talukap ng mata na siyang dahilan kung bakit nagmumukha kang matanda. Ang treatment ay nagreresulta sa isang mas magandang mukha dahil maayos ang hugis nito at ang mga kilay ay nakakorte at nakataas.
Brow lifting - iba't ibang pamamaraan
Iba-iba ang pamamaraan sa brow lifting - ang antas ng kahirapan nito ay depende sa uri nito. Ano ang mga paraan na pinakamadalas gamitin?
Walang operasyon na brow lifting
-
Eyebrow lifting - PDO threads
Ang prosesong ito ay isang uri ng pamamaraan na gumagamit ng mga Polydioxanone (PDO) na thread sa mga lugar na pangunahin sa paligid ng mga mata at kilay, ngunit kung minsan ay mga talukap ng mata. Kasama sa pamamaraan ang pagkakapit ng mga threads gamit ang napakanipis na karayom. Mahalagang malaman na ang mga thread ay gumagawa ng collagen at elastin upang makatulong na mapanatili itong nakataas, na nagrereulta ng makinis at nakataas na balat.
-
HIFU eyebrow lifting
Ang teknolohiya ng HIFU ay gumagamit ng focused ultrasound energy - ito ang nagdadala ng sound wave sa balat ng bawat pasyente. Sila ay tumagos sa balat at pumapasok sa bawat tissues ng balat. Ang lugar kung saan sila nagtatagpo ay tinatawag na thermal coagulation point - bumubuo sila ng bagong collagen na unti-unting pinahihigpit, itinataas at pinababata ng balat.
-
Hyaluronic acid eyebrow lifting
Ang cross-linked hyaluronic acid ay maaaring gamitin sa halos anumang bahagi ng mukha at katawan, pati na rin sa mga kilay. Ito ay tumutulong sa pagbabalik ng normal na dami ng tissue. Matapos lagyan ng lokal na pang-anestesiya, inilalagay ang hyaluronic acid sa ilalim ng balat gamit ang napakanipis na karayom. Nagiging mas banat ang balat at makikitang tumaas ang mga kilay.
-
Eyebrow lifting - botox
Posibleng tumaas ang kilay sa pamamagitan ng pagtuturok ng botox sa napiling bahagi ng katawan. Ang botulinum toxin ay nakakaapekto sa neuromuscular transmission: itinataas ang kilay at inaayos ang kanilang hugis.
-
Radiesse eyebrow lifting
Ang brow lifting ay maaari ding isagawa sa paggamit ng isang espesyal na filler ng Radiesse. Mas tumatagal ang epekto nito pagkatapos gumamit ng hal. hyaluronic acid. Ang proseso ay may kasamang isang espesyal na wrinkle filler, na habang nasa proseso, ay tinuturok gamit ang isang karayom sa naaangkop na lalim ng balat. Ang mga epekto ay biorevitalization, pinupunan ang mga tissues at, siyempre, makikitang tumaas ang kilay.
Brow lifting na may operasyon
-
Paghiwa sa may bandang sentido
Ang paraang ito ay may kasamang paghiwa sa may bandang setindo at pagbanat ng balat. Kilala ang prosesong ito dahil kailangang gumawa ng isang maliit na hiwa na nakatago sa hairline - ibig sabihin, mabilis lamang maghilom ito.
-
Endoscopic eyebrow lifting
Ginagawa ito pagkatapos maglagay ng general anaesthesia at sa pamamagitan ng paggamit ng endoscope. Habang isinasagawa ang proseso, ang surgeon ay gagawa ng hiwa na nakatago sa buhok at itataas ang balat gamit ang espesyal na kagamitan, itinataas ang tissue ng kilay at itinatama ang hugis at taas ng mga kilay.
Brow lifting - makeup
Alam mo ba na maaari mong makamit ang nakataas na kilay na magbibigay sayo ng batang hitsura nang hindi dumadaan sa proseso ng isang cosmetic medicine clinic? Bukod pa dito, maaari mong makamit ito agad nang hindi dumadaan sa operasyon. Gumamit lang ng magandang produkto ng makeup para sa kilay na tutulong sa iyo na pagandahin ang iyong kilay at makuha ang tamang hugis nito. Bukod pa dito, mahalaga rin na i-higlight ang bahaging nasa dulong ilalim ng kilay - sa ganitong paraan makakamit mo nakataas na hitsuta ng kilay nang hindi pumupunta sa isang cosmetic medicine clinic. Ang trick na ito ay dapat gawin gamit ang mga piling produkto na may magandang kalidad, tulad ng mayaman at magandang kulay ng Nanobrow powders - maaari itong gamitin upang i-define ang hugis at ang napakalambot na highligter ay tamang-tama para patingkarin ang ilalim na bahagi ng iyong kilay.
Mga kontraindikasyon ng eyebrow lift
Tulad sa ibang proseso, pati na rin ang mga pamamaraan na nangangailangan ng operasyon, may kaakibat na kontradikasyon ang eyebrow lift. Ang mga ito ay:
-
pagbubuntis at paggagatas,
-
mga autoimmune na sakit,
-
mga problema sa pamumuo ng dugo,
-
pamamaga sa isang partikular na lugar.,
-
hindi makontrol na diyabetis,
-
acne,
-
aktibong kanser,
-
collagenosis (sakit sa tissue),
-
maaaring magkaroon ng mga peklat,
-
ma-diagnose ng stage ll at lll hypertension,
-
sakit sa pagbabara ng puso.