
Ang sikreto sa perpektong makeup ng kilay ay hindi lamang magandang kalidad ng kosmetiko kundi pati na rin ang tamang kulay na babagay sa iyong kutis at uri ng balat. Paano matutukoy ang kulay ng iyong balat at pumili ng tamang produkto para sa kilay? Warm, cool, o neutral ka ba? Alamin natin!
Bakit nakakatulong na malaman ang kulay ng iyong balat?
Nakabili ka na ba ng brow pomade na mukhang maganda sa lalagyan ngunit may kakaibang orangish na kulay na hindi bagay sa iyo? Maaaring ito ay dahil ang produkto ay hindi tumugma sa kulay iyong balat. Malamang na ang iyong balat ay cool-toned at ang produkto ay may warm na kulay kung kaya't hindi nagmumukhang maganda ang makeup.
Sa pamamagitan ng pag-alam sa uri ng iyong balat, makakahanap ka ng mga babagay na kulay sa makeup upang mas pagandahin ang iyong hitsura. Hindi lang ito bumabagay sa makeup kundi pati na rin sa pagpili ng damit pati na rin sa iyong buong hitsura. Mahalagang malaman ang kulay ng iyong balat upang mapili nang tama ang mga produktong pampaganda. Paano matutukoy ang kulay ng iyong balat pati na rin kung paano gumamit ng iba't ibang makeup upang mas gumanda? Ano nga ba ang kulay ng iyong balat?
Mga uri ng kulay ng balat vs makeup sa kilay
Upang ang iyong makeup ay magmukhang natural at ang mga kulay ng mga kosmetiko sa kilay ay bumagay, dapat mong piliin ang mga ito batay sa kulay ng iyong balat. May tatlong uri ng kulay ng balat: warm, cool at neutral, kung minsan ay tinatawag ding mixed. Paano malalaman kung warm at cool ang kulay ng iyong balat? Maaaring medyo nakakalito at hindi malinaw kung aling uri ng kulay ang mas lamang sa iyong balat. Mabuti na lang, may ilang paraan na makakatulong upang mas magkaroon ng mas mabuting pang-unawa sa kulay ng iyong balat!
Warm o cool ba? Paano matukoy ang kulay ng iyong balat?
Mayroong ilang mga uri ng kulay ng balat - bawat isa sa kanila ay may mga katangian na nakakatulong kapag pumipili ng mga produktong pampaganda. Paano matukoy kung anong uri ng iyong balat? May maraming paraan ngunit narito ang mga paraan na napatunayang epektibo. Alamin kung mayroon kang cool, neutral o warm na kulay ng balat!
1. Warm o cool na kulay ng balat: ginto o pilak?
Ang pinakasimpleng paraan upang malaman kung ano ang kulay ng iyong balat ay ang alamin kung paano tumutugon ang iyong balat sa mga cool o warm na kulay. Ang paggamit ng ginto o pilak na alahas at paghahambing ng hitsura nito sa iyong balat ay isang mahusay na paraan upang matukoy ang kulay nito. Tandaan na hindi ka dapat maglagay ng makeup habang ginagawa ito. Pinakamainam na subukan ito sa maliwanag, natural na liwanag, halimbawa, sa tabi ng isang bintana. Pinapayuhan ka naming kumuha ng ilang mga larawan para sa paghahambing. Tingnang mabuti ang iyong kutis at kulay ng mata - tumutugma ba sila sa pilak (cool) o ginto (warm) na alahas? Aling kulay ang mas bumabagay sa kulay ng iyong balat? Kung ang pilak ay nagpapalitaw sa mga hindi kanais-nais sa iyong balat - ang balat ay mukhang pagod, ang mga eyebag ay mas nakikita - malamang na hindi para sa iyo ang mga cool na kulay.
2. Warm o cool na kulay ng balat: pagsusuri ng kulay ng balat
Ang masusing pagtingin sa iyong balat ay maaaring makapagsabi sa iyo kung ano ang kulay ng iyong balat - warm o cool na uri ng balat. Ang cool na kulay ng balat ay may kutis porselana, na may kulay rosas, pula, o lila. Pagdating sa warm na kulay naman, isipin ang golden, yellow, light brown o peachy na kulay. Ang balat na may kulay orange ay warm habang ang balat na may blueish pigments ay cool na kulay.
3. Warm o cool na kulay ng balat: ang kulay ng iyong mga ugat
Sila ba ay berde o asul? Ang mga berdeng ugat na lumalabas sa iyong balat ay nangangahulugan na ikaw ay warm. Kung nakakakita ka ng mga asul na ugat sa iyong mga pulso - mayroon kang cool na kulay ng balat. Mahalagang tingnan sila habang nakatayo sa tabi ng bintana. Kung makikita mo na may pareho nito o hindi ka sigurado, malamang na neutral ka.
4. Pagsusuri ng kulay ng balat vs makeup
Ang isang mahusay na paraan upang matukoy ang uri ng iyong balat ay gumamit ng dalawang uri ng makeup. Gumamit ng warm na kulay na blush sa isang pisngi (peachy, coral, orange) at isang cool-toned na pink sa kabilang pisngi. Umupo sa tabi ng bintana na may liwanag at tingnan kung aling kulay ang nagmumukhang natural sa balat at nagbibigay ng mas magandang kulay, at nagdaragdag ng malusog na kumikinang na kulay. Siyempre, kung mas maganda ang hitsura mo sa isang warm-toned bluish, ikaw ay warm at kung ang isang cool-toned na pink ay mas pinagaganda ka, malamang na cool ang kulay ng iyong balat.
Magagawa rin ang parehong pagsusuri na ito sa mga lipstick: gumamit ng isang produkto sa kulay ng fuchsia, light pearl pink o pula, na mas lamang ang mga blue tones. Itali ang iyong buhok, kumuha ng litrato, pagkatapos ay tanggalin ang iyong makeup at ulitin ang proseso gamit ang peachy, warm nude o brown lipstick. Kumuha ng isa pang larawan sa parehong ilaw at ihambing ito sa isa pa.
5. Ihambing ang iyong sarili sa isang taong sikat
Magkaroon ng inspirasyon sa mga sikat na tao! Ang kanilang mga outfits at hitsura ng kanilang makeup ay madalas na sinusuri ng mga makeup artist sa mga magazine. Maghanap ng isang bida sa pelikula o isang mang-aawit na may kutis na katulad mo at basahin kung ano ang sasabihin ng mga propesyonal tungkol dito. Ang taong iniisip mo ba ay inilarawan bilang isang cool- o warm-toned na uri ng balat? Halimbawa, si Sophie Marceau ay isang warm-toned autumn, si Laetitia Casta ay isang warm spring, si Clemence Poesy ay isang cool summer at si Audrey Tautou - isang cool-toned winter.
Mga uri ng kulay ng balat: pana-panahong kulay ng balat
Dahil binanggit namin ang mga uri ng balat ng taglagas at tagsibol, oras na para ipaliwanag ito. Ang mga pana-panahong uri ng balat ay nakakatulong din na matukoy ang 'temperatura' ng iyong balat at ang pinakakaraniwang pag-uuri ay ang pagsusuri ng kulay ng apat na panahon. Ang pangunahing paghahati sa mga nabanggit na uri ng balat ay ganito ang hitsura:
-
Taglagas - mapusyaw, warm
-
Tag-init - mapusyaw, cool
-
Taglagas - malalim, warm
-
Tag-lamig - malalim, cool
Tandaan!
Ang pana-panahong pag-uuri ng uri ng balat ay kapaki-pakinabang ngunit hindi masyadong detalyado. May iba't ibang ketegorya na nabibilang sa 12 mga uri ng kulay sa iba't ibang kulay ng balat. Higit pa rito, may mga taong may mixed (neutral) na uri ng balat kaya ang parehong warm at cool na kulay ay nababagay sa kanila. Ipinapakita nito sa atin na lahat tayo ay magkakaiba sa isa't isa: ang balat, gayundin ang mga kulay ng buhok at kilay, ay hindi magkakapareho - mahirap tukuyin ang isang uri ng kagandahan at ilagay ito sa isang pamantayan. Ang pagkakaiba-iba ay maganda!!
Cool na uri ng balat
- Tag-init - cool, maputing kulay ng balat na may mga kulay na pink at beige. Malinaw na asul, berde, hazel o light brown na mga mata. Buhok: light blonde, ashy, platin o light brown. Madaling umitim ang balat at nagiging mas maitim pagkalipas ng ilang araw.
- Tag-lamig - mataas na contrast sa pagitan ng balat at buhok, na kung minsan ay tinatawag na 'Snow White type'. Mapusyaw ang balat na may cool, olive na kulay. Blue, mid-brown o black-brown na mga mata. Madaling umitim.
Warm na uri ng balat
- Tagsibol - warm na kulay ng balat, madalas na may maraming mga pekas. Asul, berde o light brown na mga mata. Mapusyaw na blonde o strawberry blonde na buhok na may caramel o pulang kulay. Madaling umitim ang balat at may posibilidad na mamula.
- Taglagas - medyo warm na balat na mas lamang ang peachy at gold na kulay. Pula o auburn na buhok na may malalim na pula o ginintuang kulay. Hindi talaga nangingitim, maaaring magkaroo ng mga pekas.
Nakakatuwang katotohanan!
Maaaring magbago ang kulay ng iyong balat sa buong buhay mo! Depende kung mag-tan ka o magbago ng kulay ng iyong buhok, ang uri ng iyong balat ay maaaring medyo mas warm o mas cool. Maaring mapansin ito kapag ginagamit mo ang isang bagong kulay ng lipstick pagkatapos ng tag-init at bigla itong gumanda kaysa dati.
Paano pumili ng tamang kulay ng iyong mga produkto para sa kilay?
Tulad ng iba pang kulay na produkto, may itinakdang kulay na temperatura ang mga produkto ng makeup para sa kilay. Kaya't upang pumili ng tamang kulay ng brow pomade, pencil, o powder, dapat mong malaman ang mga kulay nito at pagkatapos ay pumili ng kulay na tugma sa iyong buhok, kilay, at kulay ng balat. Dapat itong katulad ng kulay ng iyong kilay at buhok ngunit hindi eksakto. Kung ang iyong buhok ay may ilang mga kulay, mag-focus ka sa isa na pinakamalapit sa iyong mukha. Kapag pumipili ng brow pomade, piliin ang isang kulay na mas mapusyaw kaysa sa kulay ng iyong kilay.
Sa makeup, ipinapalagay na mas lamang ang mga cool o neutral na kulay maliban kung ang kulay ng iyong balat ay malayo sa warm na kulay at ang iyong buhok ay auburn, chestnut o pulang-pula. Tandaan na ang pagiging natural ay mahalaga sa makeup - ang sobrang ayos ng kilay at masyadong madilim na mga kulay ay nagmumukhang katawa-tawa at mas matanda at mas nagiging kapansin-pansin ang hitsura ng iyong mukha.
Isang tip!
-
Kung maganda ang hitsura mo sa mga kulay ng taglagas/taglamig, pumili ng mas dark na kulay ng produkto.
-
Kung mas angkop sa iyo ang mga banayad na kulay, pumili ng mas mapusyaw na kulay.
Ang brow pomade ay isang mahusay na produkto ng kilay, anuman ang uri at kapal ng iyong kilay. Ang texture nito ay nagbibigay-daan sa iyong bigyang-diin ang mga linya ng kilay nang eksakto at lagyan ito ng style. Ang pomade ay makakatulong na takpan ang posibleng di-pantay na bahagi at mga lugar na may kakaunting buhok at punan ang buong kilay ng kulay. Bukod dito, maari mong gamitin ito para sa pang-araw-araw na makeup o para sa mga espesyal na okasyon sa gabi. Ito ay walang katulad kung nais mong ayusin ang iyong makeup sa kilay.
Ang brow pencil ay isa pang mahusay na produkto upang mapaganda ang mga ibabang gilid at lumikha ng tamang hugis. Ang prinsipyo ng pagpili ng mga tamang kulay ay pareho lang: ang kulay ng produkto ay dapat angkop sa kulay ng iyong balat nang hindi nagiging sanhi ng hindi pagkakatugma. Ang isang mahusay na brow pencil ay magiging kapaki-pakinabang hindi lamang para sa pagkokorte at pagpuno sa buong kilay ng kulay kundi pati na rin para sa pagguhit ng mga karagdagang linya na parang buhok at pagpapatingkad ng mga buntot ng kilay. Mahalaga na ang pencil ay may tamang nipis, tamang tigas at may magandang kulay - ginagarantiyahan nito ang kahanga-hangang makeup sa kilay.
Makeup sa kilay para sa warm at cool na uri ng balat
-
Makeup para sa Kilay para sa warm na uri ng kulay ng balat
Para sa mga taglagas at tagsibol, makinig kayong mabuti! Anong makeup para sa kilay ang bagay sa mga may warm na kulay ng balat? Mag-focus sa paggamit ng maraming warm at neutral na mga kulay. Ang mga may warm na kulay ng balat ay dapat pumili ng mga kulay na may mga warm na kulay: mga kulay na brow, beige, at iba pa. Samantalang ang mga may kulay na taglagas ay maaaring pumili ng mga kulay na brown at beige na mas lamang sa mga kulay ng pula, orange, at gold.
-
Makeup para sa kilay para sa cool na uri ng kulay ng balat
Ang mga uri ng taglamig at tag-init ay natatangi sa cool na mga kulay ng balat. Kung ikaw ay nabibilang dito, ang iyong makeup ay dapat puno ng mga cool (malamlam o malalim) na mga kulay na brown at mga abo na tugma sa kulay ng iyong buhok. Ang mga taglamig ay magmumukhang pinakamaganda sa mga malinaw na kulay, habang ang mga tag-init - sa mga kulay na abo at taupe (isang neutral na halong beige at abo). Pinakamainam para sa mga tag-init upang maiwasan ang itim o earthy na kulay.
Makeup para sa kilay - Neutral na mga Kulay. Bumabagay sa bawat uri ng kulay ng balat
Mahalagang malaman na bukod sa mga kulay na inilaan para sa bawat uri ng kulay ng balat, mayroong mga kulay kung saan lamang ang warm o cool na temperatura. Ito ay isang magandang solusyon para sa mga taong nahihirapan na malaman ang uri ng kulay ng kanilang balat.
Pagdating sa mga neutral na kulay sa mga makeup, ang temperatura ng kanilang kulay ay binabawasan. Wala itong warm na mga kulay tulad ng pula, at orange o cool na kulay tulad ng asul o lila. Dahil tumutugma ito sa iba't ibang kulay, ang mga kulay na ito ay angkop para sa iba't ibang uri ng kulay ng balat, kasama na ang mga may mixed na uri ng kulay ng balat.
Ang mga mahusay na produkto ng makeup sa kilay ay karaniwang nag-aalok ng mga neutral na kulay: ito ay isang ligtas na pagpipilian dahil ang makeup ay magmumukhang magkakatugma at bumabagay, kahit anong kulay ang gamitin mo sa iyong makeup. Ang mga kilay na puno ng mga neutral na kulay ay bumabagay sa warm at cool na eyeshadow, foundation, o lipstick.
Mga produkto ng Nanobrow - mga pagpipiliang kulay para sa warm, cool at neutral na uri ng mga balat
Kung gusto mong pumili ng tamang kulay ng produkto para sa makeup ng iyong kilay, pumili sa maraming pagpipiliang produkto ng Nanobrow. Kabilang dito ang mga magagandang produkto sa kilay na nakatuon sa bawat kulay ng balat upang hindi ka magkakaroon ng anumang problema sa pagtutugma sa iyong warm, cool o neutral na mga kulay. Ang mga produkto ng Nanobrow ay patuloy na pinagkakatiwalaan at ang kanilang kalidad at pagpipiliang kulay ay nagbibigay-daan sa bawat babae na mahanap ang kanyang perpektong kulay para sa brow mascara, pencil, o pomade. Subukan mo ito at magkaroon ng flawless na makeup araw-araw. Talagang napakausay ng Nanobrow pagdating sa pagpapaganda ng kilay!