
Ang pagpapaganda ng katawan ay patuloy pa rin nauuso at ang paglalagay ng hikaw sa kilay ay isa sa pinakasikat na uri ng pagbubutas. Ang pagbubutas ng kilay ay hindi naman mahirap, kaya't madalas tayong magdesisyon na gawin ito nang biglaan. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang anumang paraan ng pagbubutas ay nagdudulot ng pagbabago sa ating mga katawan. Samakatuwid, magandang malaman ang tungkol sa mga kontraindikasyon sa pamamaraan, mga uri ng pagbubutas, at mga rekomendasyon para sa pangangalaga pagkatapos ng pagbubutas.
Ano ang pagbubutas?
Ang pagbubutas ay isang paraan ng paglalagay ng dekorasyon sa katawan. Kabilang dito ang pagbubutas ng mga piling bahagi ng balat upang ilagay ang isang piraso ng alahas (hal. hikaw) sa lugar na iyon. Dapat mong malaman na ang body piercing ay isinagawa na sa loob ng libu-libong taon at kilala sa iba't-ibang kultura sa buong mundo. Ito ay nagmula sa maliliit na tribong nasa Timog Amerika, sa Amazon ng Asya, Africa, at Polynesia, at napunta lamang sa mga lansangan ng mga modernong lungsod makalipas ang ilang siglo. Kaya, paano ito ginagawa? Ito ay katulad ng regular na pagbutas ng tainga: isang bahagi ng tissue ang tinutusok ng karayom, at nilalagyan ng napiling hikaw sa butas.
Paano isinasagawa ang pagbubutas ng kilay?
Ang pagbutas ng kilay ay ginagawa gamit ang isang karayom upang matiyak na hindi ito masakit hangga't maaari. Mahalagang iwasan ang pagbibilad sa araw, alkohol, at mga painkiller bago ito gawin. Bago isagawa ang pagbubutas ng kilay, mahalagang siguruhing malinis ang lahat, gumagamit ng mga disposable needles at sterile tool. Ang mga hikaw ay dapat na-sterilize din. Bukod pa rito, dini-disinfect ang lugar ng kilay at kilay ay bago ito gawin. Ang salon kung saan ka magpapabutas ay karaniwang nag-aalok ng iba't ibang mga hikaw, na gawa sa mataas na kalidad at ligtas sa ating katawan, tulad ng titanium, kaya mas mabuting huwag magdala ng iyong sariling hikaw. Maaari mo itong isuot pagkatapos gumaling ang iyong kilay.
Mga hakbang sa pagbubutas ng kilay
1. Ang piercer ay nakakabit ng isang espesyal na clamp sa balat. Ina-adjust nito ang lalim kung saan itutusok ang karayom. Hinahawakan nito ang medyo makapal na bahagi ng balat, dahil ang butas ay hindi dapat masyadong malapit sa ibabaw ng balat.
2. Ang lugar kung saan lalagyan ng butas ay i-disinfect ng mabuti.
3. Pagkatapos, lalagyan ng marka ng piercer ang lugar kung saan itutusok ang karayom sa pamamagitan ng paglalagay ng maliit na tuldok gamit ang isang marker pen.
4. Pagkatapos, ang pagbubutas ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtusok sa minarkahang lugar gamit ang isang karayom. Ito ay mananatili sa loob ng balat, at aalisin ang clamp.
5. Pagkatapos ay dahan-dahang inaalis ng piercer ang karayom at ipapasok ang isang barbell sa butas. Tapos na!
Ano ang mga uri ng pagbubutas ng kilay?
May tatlong pangunahing uri ng pagbubutas ng kilay: ito ang standard, horizontal, at anti-eyebrow. Bagaman ito ay medyo masakit na paraan, na ginagamitan ng anesthesia, karaniwan naman na walang mga komplikasyon sa paggaling, dahil hindi naman masyadong gumagalaw ang bahaging ito ng mukha. Para sa pagbubutas ng kilay, isang espesyal na uri ng alahas ang ginagamit para sa mga butas sa ibabaw, ito'y tinatawag na Surface bar.
Ligtas ba ang pagbubutas ng kilay?
Ligtas ang pagbubutas ng kilay sa lahat, ngunit iwasan ang mga sitwasyon kung saan maaaring gumalaw ang butas; tulad ng pagsusuot ng helmet at pagsakay sa motorsiklo, o pagpunta sa mga lugar na madaling maimpeksyon tulad ng sauna, swimming pool, o tanning bed). Sa mga unang linggo pagkatapos ng pagbubutas, dapat mong bantayang mabuti ang lugar na may butas.
Masakit ba ang magpabutas ng kilay?
Ito ay siguradong magkakaiba. May mga tao na mas nararamdaman ang pagiging hindi komportable, ang iba naman ay hindi masyado. Habang isinasagawa ang pagbubutas, nilalapatan ito ng anesthesia, na ginagawang hindi masakit ito. Pagkatapos ay nilalagyan ng isang occlusive bandage, na dapat nakalagay ng mga 8 oras. Ang butas na lugar ay dapat hugasan ng maraming beses sa isang araw gamit ang saline solution.
Gaano katagal bago gumaling ang butas sa kilay?
Sa kasamaang palad, walang tiyak na sagot dito. Lubos itong nakasalalay sa lugar na binutasan at kakayahan ng bawat isa na magpagaling. Sa pangkalahatan, ang oras ng pagpapagaling ay tinatantya mula sa ilang linggo hanggang 3 buwan, at sa ibang mga lugar sa katawan hanggang anim na buwan! Sa panahon ng pagpapagaling, mahalaga din kung saan gawa ang hikaw, kaya't mahalagang tandaan na ang mga materyales na may mataas na kalidad ay mababa ang pagkakataong ma-impeksyon ang katawan.
Mga hikaw sa kilay - yari sa ginto, pilak o sa plastic?
Inuuri natin ang mga hikaw sa kilay sa pamamagitan ng materyal kung saan ginawa ang mga ito. Ang may mas magandang kalidad, ay mas mababa ang pagkakataon na maaepektuhan ang ating balat. Maaari tayong pumili mula sa:
- Ginto - ang pinaka-mapagkakatiwalaan ngunit pinakamahal na materyales na hindi nagdudulot ng mga allergy at tumutulong sa proseso ng pagpapagaling.
- Pilak - medyo mas mura kaysa ginto, may mga katangiang nagpapabuti rin sa pagpapagaling.
- Plastic - sobrang mura lang ito; hindi ito nagpapabigat sa butas na lugar at nakatutulong din sa pagpapabuti ng paggaling.
- Titanium - pinakakilala, ligtas, at anti-allergenic na materyales na pinabibilis ang proseso ng pagpapagaling ng balat. Ito ay may mataas na kalidad at medyo mababa ang presyo. Bukod pa rito, hindi ito nagdudulot ng mga allergy. Maaaring isuot ng mga taong may allergy ang mga hikaw na yari sa titanium.
Ano ang dapat isaalang-alang bago magpabutas?
Bago magbutas ng kilay o anumang bahagi ng katawan. Mahalagang malaman muna ang mga kontraindikasyon nito. Kabilang dito ang:
1. Sipon o mga karamdaman at antibiotic na iniinom
Ang parehong sakit at pag-inom ng gamot, lalo na ang antibiotics, ay nagpapahina sa katawan, kaya't kailangan mong maghintay ng 2 linggo matapos ang huling dose bago magpabutas at gawin ang pamamaraang ito lamang pagkatapos ng nasabing panahon.
2. Paghahanda para sa medikal na pagsusuri
Sa pangkalahatan, kapag ikaw ay sumailalim sa mga pagsusuri, paggamot, o iba pang medikal na proseso, maaring hingin sa iyo na tanggalin ang iyong alahas sa katawan. Kung ikaw ay mahaharap sa isang pagsusuri, mas mabuting ipagpaliban muna ang iyong appointment sa pagpapabutas. Ang bagong butas ay kailangan ng panahon para magpagaling, na maaaring tumagal mula 3 hanggang 6 na buwan, at hindi mo dapat alisin ang hikaw habang ito ay naghihilom!
3. Mga problema sa pamumuo ng dugo
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbutas sa balat kung sakaling may mga sakit sa pamumuo ng dugo.
4. Pagbubuntis at pagkaanak
Ipagpaliban muna ang iyong pagpapabutas hanggang sa medyo lumaki ang iyong sanggol.
5. Mga bakasyon
Tandaan na ang isang sariwang butas ay hindi dapat ibabad sa tubig. Ang pagbisita sa pool, lawa, dagat, atbp. ay hindi maaaring gawin. Dagdag pa rito, sa unang ilang buwan pagkatapos butasan, ipinapayong huwag munang mag-sauna.
6. Mga sakit sa balat
Lahat ng malala at matinding mga sakit sa balat ay hindi maaaring butasan.
7. Pagreregla
Maaaring mas masakit ang pagbubutas kapag ikaw ay nireregla.
8. Panahon
Dapat mong malaman na mas mabagal maghilom ang butas sa panahon ng tag-lamig kaysa tagsibol o tag-init.
Mahahalagang rekomendasyon pagkatapos magpabutas
Una sa lahat - kalinisan! Sa anumang uri ng sugat kabilang ang pagbutas sa kilay, mahalagang panatilihin itong malinis. Kasunod ng pamamaraan, huwag pumunta sa swimming pool, Jacuzzi, lawa, dagat, atbp. Maaaring naglalaman ang tubig ng mga nakakapinsalang bakterya. Ang butas ay hindi rin dapat hawakan ng maruruming kamay. Samakatuwid, hugasan muna ang iyong mga kamay gamit ang sabon (sabon na antibacterial ay ipinapayong gamitin), pagkatapos ay maglagay ng isang disinfectant liquid sa lugar na may butas. Linisin nang regular at araw-araw ang binutasang bahagi. Ang isang sterile cotton pad na ibinabad sa maligamgam na tubig ay sapat na para dito. Pagkatapos ay maglagay ng antiseptic o saline solution (saline o sea salt). Tandaan din na huwag maglagay ng mga cream, lotion, pabango, atbp. sa lugar na may butas. Anumang hindi pangkaraniwang sintomas, hal. discharge, pamumula, o pamamaga, ay dapat na agad na kumunsulta sa piercer na nagsagawa ng pagbubutas o sa iyong doktor. Ito lang ang paraan upang maiwasan ang impeksiyon at upang huwag gumalaw ito.
TANDAAN!
Kung nakakaramdam ka ng patuloy na pangangati at ang bahaging may butas ay namumula at maga, ito ay sintomas ng pamamaga. Kinakailangang makipag-usap sa isang espesyalista upang magbigay ng karagdagang pag-aalaga.
Pagbubutas ng kilay at makeup - maaari mo bang lagyan ng makeup ang bahaging may butas?
Maraming mga tao ang nagtatanong kung maaari bang maglagay ng makeup pagkatapos magpabutas ng kilay. Sa panahon ng pagsisimula ng paggaling, dapat mong iwasan ang paggamit ng mga kosmetikong naglalaman ng alcohol, at dapat ding iwasan ang makeup sa paligid ng butas. Gayunpaman, maaari mong marahang suklayin ang mga kilay at bunutan ang hindi kailangang buhok sa paligid ng butas, dahil mas pinagaganda ng alahas ang iyong kilay kung ito ay mukhang malinis at maayos. Gumamit ng tweezer na may magandang kalidad at magiging madali lang ito!
Pagkatapos gumaling ang balat, siyempre, maaari mo na ulit lagyan ng makeup ang iyong kilay. Ang kilay na may butas ay kapansin-pansin, kaya siguradong mas magiging maganda ito mula sa mga makeup, gamit ang mga makeup na may magandang kalidad. Ang isang plakadong kilay ay maaaring bumagay sa butas at magdagdag ng kaayusan sa iyong buong mukha . Ang isang kilay na may butas na may magulo o labis na mga buhok at hindi naayos ay pinapapangit ang style nito, at hindi ito masyadong napapansin, kaya't mahalagang alagaan ang hugis at kagandahan ng isang kilay na may butas. Kahit na ang banayad na pag-define at mga pag-aayos gamit ang magandang brow pencil ay maaaring gawing mas maganda ang kilay.
Ang brow pomade ay isa ring mainam na produkto para sa pampaganda ng kilay na pangmatagalan, hindi madaling mabura, at sobrang dali gamitin. Tinutulungan ka nitong punan ang kilay, i-define ang hugis nito, at gumawa ng mga linya na parang buhok. Tiyak na magdadagdag ito ng ganda sa iyong kilay na may butas! Tingnan ang aming gabay sa mga produktong pampaganda sa kilay at alamin kung paano gamitin ang mga ito.
Maari bang makasira ng iyong paningin ang pagbubutas ng kilay?
May ilang paniniwala na ang pagbubutas ng kilay ay maaaring may masamang epekto sa iyong paningin. Ito'y isang maling akala! Imposibleng makapinsala sa optic nerve habang nagpapabutas. Gayunpaman, mahalagang malaman na ang hindi maayos na pagbutas ay maaaring magdulot ng panganib kapag tinamaan ang trigeminal nerve, na maaaring humantong sa neuralgia. Samakatuwid, piliin ang salon at ang iyong piercer nang may pag-iingat - gamitin ang mga serbisyo ng mga kwalipikadong espesyalista lamang na may maraming karanasan at magagadang reviews.