Ang Pinakamahusay na Makeup Para sa Maninipis At Kakaunting Buhok sa Kilay?

Paano pakapalin ang iyong kilay?

Ang mga kilay na may tamang proporsyon, makapal, at matingkad ang kulay ay nangunguna pa rin sa mga nauusong makeup. Hindi nakakagulat: nagmumukha kang bata sa makapal na kilay. Kaya naman ang nausong manipis na kilay noong dekada 80 at 90 ay lumipas na. Gayunpaman, maraming kababaihan, matapos ang ilang buwan ng pagbubunot ng buhok sa kilay para makiuso, ay nahihirapang pakapalin ang pilikmata at kilay. Ang kilay mo ba ay natural nang kakaunti ang buhok at halos hindi na makita? Hindi na ngayon! Gawin ang madaling paraan sa pag-aayos ng kilay at matutunan ang pinakamahusay na paraan para sa maninipis na kilay.

Paano pakapalin ang iyong kilay?

Una sa lahat, kailangan mong malaman na kahit ang pinakamanipis at pinakakaunting buhok sa kilay ay kayang mapanumbalik! Mayroong special thickening eyebrow serums na pinabibilis ang pagtubo ng mga buhok, tulad ng kilalang Nanobrow Serum, na ginagamit ng mga kababaihan sa buong mundo. Magsisimulang tumubo muli ang mga buhok sa kilay kapag regular na ginamit ang serum at kahit ang mga kurba sa iyong kilay ay mas magiging makapal. Kung nangangarap ka ng makakapal na pilikmata at kilay - wala nang ibang mas magandang paraan kung hindi ang gumamit ng serum upang pabilisin ang pagkapal at pagandahin ang hitsura nito sa ilang linggo lang.

Paano gawing makapal tignan ang mga kilay?

Ang mahusay na paraan upang pakapalin ang kilay na mabilis na gumagana ay ang magandang makeup sa kilay. Kung gusto mong mas maging kapansin-pansin ang iyong kilay at pakapalin ito gamit ang makeup, maraming iba't ibang produkto sa kilay ang maaaring makatuling sa iyo. Sa ngayon, ang merkado para sa kosmetiko ay lumaganap na sa larangan ng makeup sa kilay at maraming pagpipilian na mga produkto: eyebrow pencils, microblading pens at markers, brow powders, eyebrow wax, brow mascaras, gels, pomades pati na rin ang special soap ay kayang kortehan ang iyong kilay sa paraang gusto mo.

Isang tutorial ng bawat hakbang sa pag-aayos ng manipis na kilay

1. Ihanda ang iyong mga kilay: i-brush ang mga ito gamit ang spoolie.

2. Gamit ang eyebrow pomade at slanted brush, kortehan ang iyong kilay. Tandaan na ang ibaba ay dapat mas kitang-kita. Para gawin ito, maaari ka ring gumamit ng isang malambot at well-pigmented na eyebrow pencil. Isaalang-alang din ang brow mapping upang matukoy ang tamang hugis ng iyong kilay. Sa maninipis na kilay, dapat lumampas ang hugis nito sa natural na linya ng buhok upang madagdagan ang kapal.

3. Kapag na-outline na ang hugis nito, gumawa ng mga linya na parang buhok para punan ang lugar na kakaunti ang buhok gamit ang isang eyebrow pen o  pomade  

4. Ngayon ay kulayan na ang iyong kilay. Pinakamagandang gamitin dito ay brow pomade o brow powder. Simulan sa dulo, malapit sa sulok ng mata, at magpatuloy papunta sa kurba ng kilay. 

5. Tandaan na ang dulo bahagi malapit sa sulok ng mata ay kailangan mas light kaysa sa buntot ng kilay: gamit ang isang brush o isang spoolie, dahan-dahang i-brush ang sobrang makeup mula sa gitna (ang itaas na linya ng kilay) at sa umpisa ng kurba.

6. Bigyang-diin ang buntot ng kilay: gumawa ng medyo patulis at mas kapansin-pansin na linya. Tandaan na huwag itong gawing masyadong matulis: panatilihin ang tamang hugis ng kilay.

7. I-set ang mga buhok sa kilay: gamit ang isang transparent o tinted eyebrow gel, dahan-dahang i-brush ang mga buhok, upang magawa ang panghuli at ninanais na hugis. Maaari mong i-brush ito pataas para mas maging maganda ito.

Tapos na! Nagawa mo na ang makeup sa iyong kilay.

TIP
Kapag pinupunan mo ang iyong kilay gamit ang brow powder, gumamit ng kit na naglalaman ng wax at dalawang powder. Ito ay makakatulong para makagawa ng natural na nakahilig na hitsura, ang maayos na pagpapalit ng kulay mula sa mas light hanggang sa mas dark. Maaari mong isama at ihalo ang magagandang brow powders upang masigurong banayad lang ito at ang kalalabasan ng kilay ay mukhang natural.

Anong produkto ang maaaring gamitin upang punan ang kilay?

May mga kosmetiko na talagang nakakatulong para ayusin ang mga manipis at kakaunting buhok sa kilay. Una sa lahat ay ang pomade, na nagbibigay ng 100% na pagtatakip, pinupunan ang buong kilay at tinutulungan ka na gayahin ang mga buhok sa iyong kilay upang takpan ang mga lugar na kakaunti ang buhok. Ang eyebrow pencils at special microblading pens ay lumilikha ng sobrang-nipis at eksaktong linya at tumutulong na dagdagan ang lalim ng iyong kilay.

Tandaan!
Kahit na ang pinakamanipis at kakaunting buhok na kilay ay kailangang maayos ang hugis. Ang eyebrow mapping ay ang batayan ng makeup sa iyong kilay. Maaari mong basahin ang iba pa tungkol sa kung paano maayos na matukoy ang tamang hugis ng iyong kilay DITO.
Sumulat ng komento. Ito ay ipo-post pagkatapos ma-aprubahan ng moderator.
Patakaran sa Pagkapribado

Ang aming website ay gumagamit ng cookies, kasama na ang third party cookies para sa paggamit ng mga external na tool. Sa kaso na hindi ibinigay ng gumagamit ang kanilang pahintulot, gagamitin lamang ang mga essential cookies. Maari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa Pagkapribado